Chapter 18

274 4 2
                                    

I dedicate this to her dahil siya ang kauna-unahang nagcomment sa story ko. Hi Ate! Thank you po sa pagvote at comment sa last chapter. Natuwa po talaga ako. :) Thank you po ulit! ^^

Baccalaureate Mass, success!

xoxo, Ali

--

Chapter 18

~~~~~~~~~~~~~

Natapos narin ang klase. Naglalakad ako ngayon papuntang parking lot, papasundo na ako kay Kuya Justus. Gusto ko pa sanang magstay sa oval kaso nga lang hindi ko magawa.

Sa lahat ba naman ng masasamang tingin sakin ng mga tao, specifically mga babae. Kasama ko raw kasi si Black at Kyle. Aba, kusa ba ako sumama? Hindi naman diba?

Haist. Ano ba kasing problema nung dalawang yun? Kahit ehem, gwapo kanina sa paningin ko si Black, eh dapat na akong matuwa sa pinagsasasabi nila sa isa't isa kanina eh. Tsk.

"Ah, ate Class!" Napalingon ako sa biglang tumawag sakin.

"Oh, Karmin. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Uuwi ka na po ba? Tara sa TG!"

"Ahh, nagtatanong ka o nagyaya?" Imbis na sagutin ko siya ay nagtanong pa ako sa kanya.

"Haha ate. Dali na, tara!" Saad niya sabay hila sa akin papuntang TG. Napailing nalang ako sakanya. Mukhang hindi na muna ako magpapasundo.

Nung malapit na kami sa TG, nagsabi si Karmin na bibili lang daw siya ng makakain at susunod nalang daw siya. Tumango nalang ako sa kanya at nauna ng pumunta doon.

"Paano natin yun magagawa?"

"Hindi ko rin alam eh. Pero we really need to do it. Fast."

Binuksan ko ang pinto.

"Pero, yun---" Napatitig ako kay Daphne dahil pareho sila ni Janna na nakatingin sakin.

"O-kay. Problema niyo?" I asked them. Umupo ako sa upuan at binaba ang bag ko, linabas ko rin ang phone ko. In-on ko. Ay takte, lowbat.

Chinarge ko muna ang phone ko sa tabi at binalik ang tingin ko sa dalawa.

"Yow! Tara na kain!" Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Karmin na may dalang mga pagkain. Napatingin naman kaming tatlo sa kanya.

Lumapit siya sa lamesa at inilapag ang mga pagkain dito. Naglagay siya ng apat na baso at naglagay ng coke sa mga baso.

"Huy! Kayong tatlo, lumapit na kayo, gutom na ako." Lumapit naman kami at naupo sa tabi niya. Napailing ako kay Karmin. Gutom nga ata talaga siya haha. In-on ko ang phone ko at tinignan ito. 2 messages?

Binuksan ko any isa. 

Torres: Hoy, Clarrissa! Tagal mong nawala ah. Magparamdam ka nga! Kita tayo sa Starbucks na lagi nating pinagkikitaan. Bukas, 8am. Pumunta ka ah!

Binuksan ko ang isa pa.

Torres: Hoy! Seryoso ako. Pumunta ka. Holiday naman bukas eh. Kung hindi ka pupunta humanda ka sakin, makakatikim ka. Babush!

Aba, sapilitan haha. Binaba ko na muna ito at nagsimula na ring kumain.

"Ate, walang pasok bukas diba?" I nodded at Karmin.

"Why?"

"Tara, gala tayo!" Napatingin kaming dalawa kay Janna dahil bigla siyang nagsalita.

"Hindi kami pwede Karmin. May lakad kaming tatlo ni Angel at Daphne."

"Ah ok, ok. Eh ikaw ate Class?" Hala, paano to.

"Ah--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may nagring na phone. Napatingin kami kay Karmin dahil bigla siyang tumayo.

"Sandali lang, mabilis lang to," Sabi niya habang nakatingin sa phone niya. Napatitig naman ako sa kanya habang naglalakad siya palabas dahil parang nagseryoso ang itsura niya. Anong nangyari?

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa dalawang kasama ko.

"Asan nga pala si Angel?" Tanong ko.

"Umuwi ng maaga. Urgent daw eh." Tumango nalang ako sa sagot ni Daphne.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago bumalik si Karmin mula sa labas. Naupo na ulit siya sa tabi ko.

"Sorry ate. May biglaang lakad ako bukas," sabi niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ok lang, may pupuntahan rin naman ako bukas eh." She smiled back.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*032115

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon