Chapter 20

270 3 0
                                    

Chapter 20

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clarrissa's POV

"Ohmygosh! Ate Clarrissa you came!" Yinakap niya ako. I hugged her back.

"Ofcourse I came. Matatangggihan pa ba kita?" I heard Drew chuckled at my side.

"Hey Ky, paano si Kuya, no hug?" Inilingan siya ni Kylie sabay harap sakin. Napatawa naman ako dahil dun.

"Ate, upo na tayo!"

"Paano ba yan Torres?" Pangaasar ko sa kanya. Inakbayan ko nalang siya.

"Oh ayan tutal niyakap naman ako ni Kylie, ipapasa ko na lang sayo." Nakita kong napangiti si Drew sa ginawa ko sabay akbay sakin pabalik.

Hay. Namiss ko to. Lagi namin tong ginagawa dati. Tuwing inaasar naman kami ng mga kaklase namin, patay malisya lang kami.

"Later na yan, pwede? We're here for the food, not for those.... ugh," singit ni Kylie samin. Umupo nalang kaming dalawa ni Drew sa harapan niya.

May lumapit na babaeng waiter sa table namin. She smiled at us.

"Good Morning Ma'am, Sir. Same order pa rin po ba?" Kylie smiled back.

"Yes, please." Ngumiti naman ulit ang babae at umalis na.

"Ate bakit ka nga pala lumipat?"

"Ate?"

"Clarrissa, may problema ba?" Nagulat naman ako sa pagtapik ni Drew sakin.

"H-ha?"

"Hindi ka naman nakikinig ate eh." Liningon ko ulit ang kabilang lamesa bago umiling. Ibinalik ko ang tingin ko kay Kylie.

"May sinasabi ka ba Kylie?"

"Meron ate. Pero hayaan mo na yun. Saglit lang ah. Restroom lang ako saglit." Tumango ako sa kanya. Tumayo siya at naglakad paalis. Napa-buntonghininga ako.

Naramdaman ko namang inakbayan ako Drew.

"Ikaw, may problema ka ba?" Umiling ako sa kanya.

"Wala naman. Bakit?" Ngumiti siya sakin.

"Gusto mo mag-ice cream mamaya?" Napangiti ako sa sinabi niya at mabilis na tumango. Sa wakas, makakapag-ice cream na ulit kaming dalawa.

May dumating naman na babae na nagbaba ng mga pagkain sa aming lamesa. Teka, bago ba to? Ngayon ko lang siya nakita dito. Nakita ko namang panay ang tingin niya kay Drew na tila nagpapa-cute.

Siniko ko si Drew at binulungan.

"Huy. Yung waitress nagpapa-cute oh. Ano, dating gawi?" He chuckled. Inakbayan niya ako.

"Hey babe, saan mo gusto pumunta mamaya?" Nginitian ko naman siya ng matamis sabay lagay ng kamay ko sa kanyang bewang.

"Lakad-lakad nalang tayo sa laba--" Hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko at sinundan na lang ng tingin yung babaeng waitress na nagdabog paalis. Nagpigil naman ako ng tawa at tinanggal ang kamay ko sa bewang niya.

Hinilamos naman ni Drew ang mukha ko gamit ang kamay niya.

"Aray! Ano ba?" Nakita ko namang napailing siya.

"Lakas mo talagang mang-trip," saad niya. Dumating naman bigla si Kylie. Siniko ko nalang sa tagiliran si Drew. Napausog naman siya dahil dun.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon