Chapter 26 : Meet Him

228 4 0
                                    

At dahil exam na bukas, here's an update HAHA

xoxo, Ali :*

~~

Chapter 26

Meet Him

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Binuksan ko ang bintana. Tumama naman sa mukha ko ang sinag ng araw. Pumasok ako sa banyo. Agad akong naligo at dali-daling nag-ayos ng sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso ako sa dining room. Naabutan ko naman dun si mommy at daddy na kumakain.

Umupo ako sa dulo at nagsimula na rin kumain. Binilisan ko lang ang kain ko dahil kating-kati na ang bibig ko magtanong sa kanilang dalawa.

"Oh hinay, hinay lang Clarrissa. Nagmamadali ka ata." Tumawa si mommy.

Inisang lagok ko ang tubig sa baso ko pagkatapos kong kainin ang huling kutsara ng pagkaing nasa harapan ko.

Tinignan ko sila mommy at daddy. Tumingin naman sila sakin na may halong pagtataka.

"Mommy, daddy. Do you know Lair?" Nakita ko ang pagkagulat nila.

"A-ano?"

"Ang sabi ko, kilala niyo ba si Lair?" Nakita kong nagkatinginan sila.

"Do you know his whereabouts?" Dagdag ko pa. I really need their answer right now. Kasi kung hindi nila alam tatantanan ko na sila.

"Why?"

"Anong why? You're asking me why I'm finding my son?"

"He's your son? A-akala ko, kapatid mo siya." Sagot ni daddy. Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya kaya hindi ko na pinansin.

"Asan siya dad? Please. I need your answer." Hinawakan ni mommy si daddy at tumango dito. Bumuntong-hininga muna si daddy bago sumagot.

"Nasa pangangalaga siya ng isang malapit na kaibigan ng ating pamilya."

"Can we go there today?"

"N-no, anak. May kailangan kaming ayusin ngayong araw. If you want, bukas na lang tayo pumunta," umiling ako kay mommy. "Or we could give you their address and contact number then you'll go there by yourself." Pagpapatuloy niya.

"That will do."

--

Eto na ba yun? Tinignan ko ang bahay na nasa harapan ko ngayon. Tama lang ang laki. Maganda rin ang labas. Itinago ko sa bulsa ko ang papel. Bumaba ako ng kotse at pumunta sa tapat ng pintuan.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan.

Pagkabukas naman ng pintuan ay bumungad sakin ang isang babae who look like who's in her 60s. Ngumiti siya sakin. I smiled back.

"Good Morning po."

"Maganda umaga rin sayo, iha. May kailangan ka ba?"

"Ah opo." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "I'm Olivia Navarro's daughter."

"Sky?" Umiling ako sa kanya.

"Clarrissa po." Napakunot siya ng noo.

"Clarrissa?" Unti-unting nawala ang pagkunot ng noo niya pagkatapos ng ilang segundo.

"Clarrissa. Ah! Sige pumasok ka." Ibinaba ko na lang ang kamay ko at sumunod sa kanya. Dumiretso kami sa kusina.

"Bakit ka nga pala andito?"

"Ah pinapunta po ako nila mommy dito."

"Huh? Bakit daw?"

"Dito po ba nakatira si Lair?" Nakita kong nagulat siya.

"Si Lair?"

"Opo, kailangan ko po siyang makita." Nakita kong napangiti siya.

"Mga alaala. Sige iha. Akyat ka diyan. Tapos dumiretso ka sa kanan. May makikita kang nagiisang pula ang pinto ng kwarto. Doon. Nandoon ang hinahanap mo." Napangiti ako ng malawak.

"Salamat po." Sinunod ko ang sinabi niya. Nung nakita ko na yung pulang kwarto ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto.

Nakita ko ang isang batang lalaki na nagbabasa ng isang libro habang nakasandal sa patong-patong na unan na maliliit sa carpet.

Ang gwapo niya. Ang gwapo-gwapo niya. Napaangat naman siya ng tingin sakin ng marinig niya ang pagsarado ng pinto. Lumapit ako sa kanya at nag-indian sit sa harap niya.

"H-hi Lair." Nanginginig ang boses ko.

Seryoso parin siyang nakatingin sakin.

"Kamusta ka n-na?" Utal kong tanong sa kanya.

Ibinaba ni Lair ang librong hawak niya kanina. Gumapang siya palapit sakin. Hinila niya ang damit ko sa may kanang balikat ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Hindi ko nalang yun pinansin at tinitigan lang siya.

Maya-maya naman ay bigla niya akong yinakap sa leeg.

"Mama...," mahinang bulong niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Liit! Hindi na tuloy kita matawag ng ganyan. Ang laki mo na." Naramdaman kong umiling siya.

"I'm still your little boy, ma." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Humiwalay naman siya sakin pagkatapos ng ilang minuto. Pinunasan ko na rin ang mukha ko.

"So how is my Lair?"

"Okay lang, ma." Tumayo ako at dumapa sa kama niya. Naramdaman ko namang dumapa rin siya sa likod ko. Namiss ko to.

If you're wondering. He's not my son by blood. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang nalalaman ko, pero siguradong-sigurado ako tungkol doon.

"Ma! Ma! Ma!" Medyo tumalon-tumalon siya sa likod ko.

"Hmm...?"

"Bakit ang tagal mo?" Umikot ako ng konti. Umalis naman siya sa likod ko at tuluyan na akong humarap sa kanya. Bumalik naman siya at umupo sa tiyan ko.

"Sorry baby, ah?" Ngumiti siya sakin.

"San ka nga pala nags-school?" Nagkibit balikat siya.

"Home-schooled." Oh. Really? Napalingon naman kaming dalawa sa pintuan ng bigla itong bumukas.

"Lair, Clarrissa baba na tayo. Kakain na." Tumayo naman si Lair at lumabas na.

"Susunod na lang po ako." Ngumiti sila sakin. Tinignan ko ang relo ko.

Tanghali na pala? Medyo napatagal ang pagpunta ko dito kahit maaga ako gumising. Marami muna kasing kinausap sila daddy eh.

Yung kinalalagyan kasi ng bahay na to ay private subdivision. Bago ka makarating dito, may papasukan ka pang tatlong subdivision. Masyadong mahigpit ang seguridad nila doon at masyadong malaki rin ang isang subdivision.

Dahil nga mahigpit sila doon, kailangan pa ng iilang stickers at IDs bago makapasok. Kaya ayun, kinausap muna nila daddy kaya madali na akong nakapasok.

Tumayo na ako ng kama at sumunod sa kainan. Lumapit ako sa lamesa kung saan may nakatakip ang mga pagkain.

May naramdaman naman akong nagtakip sa mata ko.

"Mama! Mama! Secret yung ulam. Favorite ko! Manang, open it na!" Napangiti nalang ako. Hula ko, adobong baboy to. Hilig niya yun dati eh.

Tinanggal na niya yung kamay niya.

"Tada! Adobo!" Bumaba na si Lair sa upuan, dahil nakatayo siya kanina dun, at umupo na dito.

"Magdasal na tayo." Napangiti ako at yumuko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*071415

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon