Chapter 12.5 : Another Gangster

275 3 0
                                    

Chapter 12.5

Another Gangster

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Nanatili akong nakasandal sa pader habang nakatingin sa kanilang tatlo. Habang sila naman ay tulalang nakatitig sakin.

Ewan ko pero hindi ako nagulat pagkakita sa mga sugatan nilang katawan at sa dugong nakakalat sa tagiliran ni ate.

"Balak niyo bang ubusan ng dugo yang kapatid ko?" Tanong ko sa kanila.

Dali-dali namang kinuha nung dalawa ang First-Aid kit sa banyo at itinaas ang damit ni ate.

Napakunot ako ng nuo ng makitang may malalim ng hiwa sa bewang niya.

Nakita kong bubuhusan na sana nung isang babae ng mainit na tubig yung sugat ni ate pero pinigilan ko siya. Mainit? Seryoso?

"Sandali lang."

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni ate. Hindi ko alam kung paano maglinis ng mga sugat na ganito pero parang may nagsasabi sa utak ko na marunong ako.

Hinugasan ko ang paligid ng sugat niya ng malinis na tubig.

She looked at me confusedly. I stared at her.

Kinuha ko yung alcohol sa gilid at binuhusan yung sugat ni ate. Napadaing naman siya sa ginawa ko.

"Tangna naman Rise, masakit aba!" Tinitigan ko siya saglit at binalik sa paggagamot ng sugat niya ang atensiyon ko.

Kinuha ko ang mga ibang gamit na kakailanganin ko sa tabi.

"W-wait lang Clarrissa! Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Pigil na tanong sakin ni ate.

Natigilan ako bigla sandali sa sinabi niya. Ewan ko rin eh.

I just shrugged my shoulders then continued what I was doing.

--

Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat nilang tatlo, lumabas ako ng kwarto ni ate at bumalik sa kwarto ko.

Ano bang balak ni ate sa buhay? Ang aga-aga nakikipag-away.

So, my sister is a gangster based on their situation earlier. Dapat ba akong matuwa doon o hindi?

~~~~~~~~~~~~~~~~

**012115

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon