Chapter 6 : Someone

487 6 0
                                    

Chapter 6

Someone

~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

I yawned.

Dumapa ako sa kama at ibinaon ang aking mukha sa unan. Ang lamig, ang sarap.

Kinapa ko ang cellphone ko sa katabing lamesa. Kinuha ko ito at binuksan.

8:32 AM, Tuesday

Anong oras na pala.

[1 message from AU School Council]

Huh?

AU School Council: Good Morning students. Classes are suspended for today due to the absence of all our faculty members including our school president and principal because of the meet in Laguna. Please bear with us. They will be back tomorrow. Thank you.

Ah ok. Kaya pala hindi ako ginising ni ate.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, nagtwalya ako at tumigil sa harap ng salamin at tumalikod. Tinitigan ko ang marka sa may balikat ko na nasasakupan rin ang may bandang gilid ng batok ko. Hay.

Eto yung dahilan kung bakit hindi ako nagtatali dahil ayaw kong makita ng ibang tao to. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ko itinatago ito. (Chapter 4 : Transfer)

Pinag-aralan ko siya at hindi ko maintindihan kung bakit ako may ganito.

Sa marka ko, ang mapapansin mo ay isang rosas na nasa bibig ng isang gansa o swan. At buwan ang nasa likod nito.

I sighed deeply. Binaba ko nalang ulit ang buhok ko at nagbihis na.

Lumabas ako ng kwarto habang dala ang phone ko at dumiretso sa sala.

Iniwan ko muna ang phone ko sa lamesa at pumunta sa kusina.

Naabutan ko naman doon si Ate Des na nakatalikod habang may inaayos.

Lumapit ako sa kanya dahan-dahan at niyakap siya sabay sigaw ng...

"ATE DES!"

"Ay susme kang bata ka! Bakit ka nanggugulat?" I laughed at her reaction.

"Wala lang po."

"Hay nako ka talaga. Anong gusto mong kainin at ipaghahanda kita." Sabi niya.

"Nako ya. Wag na. Ako nalang, since dadating din naman ang kaibigan ko mamaya." Sagot ko.

"Asan po si ate?" Dagdag ko pa.

"Umalis. Kasama yung jowa niya. May date yata sila."

"Ah ok. Salamat ya. Sige na."

"Osige, sige. Kung may kailangan ka, andiyan lang ako sa likod"

"Ok po." Umalis na si Ate Des.

Bumalik naman ulit ako sa sala at kinuha ang phone ko. Binuksan ko to.

[5 miss calls]

Luh? Sino naman to?

Tinignan ko.

Ah si Ate Sky at Mommy.

Tinawagan ko muna si ate.

Pagkatapos ng tatlong ring tsaka niya sinagot.

"Rise!"

"Oh?"

"Anong 'oh', ikaw tong tumawag eh."

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon