Chapter 2: "Them"

578 5 0
                                    

Chapter 2

Them

~~~~~~~~~~~~~~~~

*AXIS UNIVERSITY*

Malapit lang naman sa tinitirhan namin dalawa ni ate itong AU (Axis Universty) kaya saglit lang ang biyahe.

"Ate, classroom na ako."

"Ingat ka ah." They both waved at me.

"Sure ate!" I did a flying kiss to her and waved back at them.

I started walking to my classroom.

Sa school nato, may tatlong parte. Ang para sa College, para sa Highschool, at para sa Elementary at Pre-k. Kaya malabong magkasalubong kami nina ate, lalo na't sobrang laki pa nitong university na to.

Habang naglalakad ako, I heard something.

"Huy, Black!"

"Ay Queen! Taragis, ano ba?!"

"Eto naman, highblood agad! Hahaha. Iniisip mo nanaman ba siya?"

"Tss. Para namang hindi mo hindi mo iniisip yung kambal mo."

"Naks. Tumatalino ka na ah."

I stared down and walked fast. Bakit ako kinakabahan?

Teka, Queen? Saan ko nga ba narinig yun? Jusko naman. Kahit saan naman ata may maririnig kang queen eh. Haha.

"Ow!" Napaupo ako. Kung hindi nga naman akong isa't kalahating tangang naglalakad ng nakayuko. Nabanga pa tuloy.

"Miss, I'm sorry. Are you ok?" Tinulungan niya akong makatayo. Shems ang gwapo ng boses. Ay Clarrissa, nakuha mo pa talagang lumandi ngayon?

"A-ah, sorry rin. Sige salamat." Nanatili akong nakayuko at nagsimula ng lumakad palayo.

Sayang hindi ko makikita ang gwapo niyang mukha. Pero okay na rin yun, baka pag nakita pa niya yung mukha ko ipasalvage pa niya ako.

Pagkadating ko sa section ko, naghanap ako ng mauupuan. Marami na kasing estudyante dito. Umupo nalang ako sa pinalikod since dun nalang ang wala pang nakaupo. Sinubukan kong alalahanin ang panaginip ko.

Nakalimutan ko na ang ibang mga detalye, but I can still remember the conversation they had. Bakit naman ako magkakaroon ng panaginip na ganon?

Anong meron? Bigla kasing nagsi-ingay ang mga kaklase ko. Nagkakagulo lahat.

May naga-ayos at lumilipat ng upuan, yung iba naman nag bubura ng mga nakasulat sa board, yung iba naglilinis ng kalat, habang yung iba naman nagpupulbos at naglalagay ng iba't ibang kung ano-ano sa katawan. Problema nila?

Pagkatapos ng ilang minuto nagsi-upuan na sila pero hindi naman nawala ang ingay nila.

May walo na estudyanteng biglang pumasok sa kwarto na nagpatahimik ng buong klase.

Woah.

They began walking towards the seats beside me. So sila pala ang nakaupo sa mga tabing upuan ko.

Pagka-upo nila sa tabi ko, tumingin ako sa paligid. Nakatingin sila sa... akin? O sa kanila? Naintindihan ko naman kung bakit ganun ang tingin ng mga kaklase ko, kaya inayos ko ang mga gamit ko. Tumayo ako at akmang lilipat ng upuan nang bigla akong hilahin sa braso nung katabi ko. Nagtaasan lahat ng balahibo ko. Bakit?

Sino ba to? Close kami? Close kami? Tss.

"Dito ka lang." Mahinahon niyang sabi ngunit pansin rin ang diin nito.

Teka, tama ba pagkakarinig ko?

Napansin ko naman ang mga masasamang tingin na ipinupukol sa akin ng mga kaklase ko. Tinignan ko naman yung katabi ko ng mabuti. Saan nga ba kami nagkita? Ah oo, siya yung nakamotor sa may gate kanina.

Napansin ko naman ang bandage niya sa kanang kamay. Anong nangyari? Tsk.

"Good Morning Class IV-A!" Napamura ako ng mahina. Mga guro nga naman talaga sa panahon ngayon, oo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry po sa typos at wrong grammars. ^^

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon