Chapter 11 : Athena

378 4 0
                                    

ADVANCE HAPPY NEW YEAR! :*

--

Chapter 11

Athena

~~~~~~~~~~~~~~~

"Close your eyes."

"Why would I even do that?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dali! Eto naman, pipikit na nga lang eh. Dami pang satsat."

Aba't--! Etong lalakeng to! Aish!

"Oo na, oo na." Pumikit na ako.

Maya-maya, may naramdaman akong malamig na isang bagay sa leeg ko.

"Anong--" I opened my eyes then turned to face him.

Mukhang wrong move ata dahil pagkalingon ko, saktong dumampi ang labi niya sa labi ko.

~~

CLARRISSA

Napadilat ako bigla. Huminga ako ng malalim.

Tumayo ako at lumapit sa salamin. I stared at myself. Why am I sweating too much? Hinawakan ko ang labi ko. Ano bang nangyayari sakin? Nang dahil lang sa isang panaginip......

Hay.

Lumabas ako ng kwarto ko at umupo sa sala. I swinged my legs back and forth to calm myself.

Hinga, Clarrissa. Hinga.

What the-- Ano yun?

Lumuhod ako sa sahig at sinilip sa ilalim ang nasipa ko. Box? Saan naman nanggaling ang maliit na kahon na to?

Inangat ko ang sofa para mas madali itong makuha.

Kailan pa ako nagkaroon ng butas sa sofa? Tinignan ko ito maigi.

Woah.

Dagger? Bakit may ganito dito?

Kinuha ko ang tatlong dagger at tinignan ito.

Napansin ko ang salita na perpektong naka-ukit sa kulay pulang hawakan ng mga ito.

Hinila ko nalang ang kahon pati ang mga dagger at umupo sa sahig.

Kinuha ko ang kulay itim na box at binuksan ito.

Naks. Dagger na naman? Pagkabukas ko, bumungad sakin ang dalawang dagger, isang kwintas at isang bracelet. Tulad nung naunang tatlong dagger, may naka-ukit rin sa kulay pulang hawakan ng mga ito. Pero kumpara sa naunang tatlo, mas light ang pagka-pula nito.

Inilipat ko ang tingin ko sa kwintas. Red crescent moon.

I got goosebumps. Sheesh.

Reminds me of the so called "Blood Moon". My favorite.

Sunod kong tinignan ang bracelet. Binasa ko ang salita na nakasabit dito.

King

Yung nagsusuot ba nito hari? Joke. Haha.

Tinago ko nalang ulit sa kahon ang kwintas at pulseras (bracelet) at kinuha ko ang limang dagger.

Kumuha ako ng telang itim mula sa drawer ko at binalot ang mga ito.

Alas-sais palang pala ng umaga. Makapagayos na nga ng gamit at uuwi na ako.

-------

ATHENA

"Fuck! Athena, are you alright?" Tanga ba siya? Siya kaya mahiwa ng kutsilyo.

Tinignan ko siya ng masama. Mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin ng tingin ko, kaya linabanan na nilang dalawa ang mga humamon samin.

Nauubusan na ata ako ng dugo dito sa gilid.

"Kayong dalawa! Konting bilis naman diyan oh!" Sigaw ko sa kanilang dalawa sabay sipa sa lalaking nagtangkang lumapit sakin.

They both smirked at me at sabay na sumigaw pabalik sakin.

"As you wish!" Kasabay ng pagkakasabi nila ang pagatake nila sa natitirang apat na kalaban.

Hindi ko napansin na tumayo ulit ang lalaking sinipa ko. Susuntukin sana ako nito pero iniligan ko siya.

Napangiwi ako. Shit. Ang hapdi!

May sugat nga pala ako. Tanga.

Sinipa ko siya sa sikmura na nagpatumba naman sa kanya.

Ayun! Sa wakas. Tapos na rin.

"Whoooo! Ang galing talaga ni Athena!!"

"Ang hot ni Mania sumipa!"

"Go Nemesis!!"

"BLACK ANGELS! BLACK ANGELS! BLACK ANGELS!"

Tangna. Sino ba kasi ang nagisip ng pangalan na yan para sa grupo namin? Pang Goddess ang codename namin tapos Angels ang pangalan ng grupo? Jusko naman.

Ako nga pala si Athena, yung dalawa kong kasama ay sina Mania at Nemesis. We are the Goddesses of the Gangster world. Di uso ang ranking sa mundo na to. Kung malakas ka, edi malakas ka. Pero by being strong, you are respected. That's one reason kung bakit nagkakaroon ng mga laban. To earn that kind of respect.

Malalagay naman sa kapahamakan ang buhay mo kung malakas ka. Instant famous ka na nun dito. Tsaka tulad nga ng sabi ko, by being strong you are respected, and gangsters fight you to earn that respect you have.

"Athena! Tara na. Dun nalang natin gamutin sa bahay ko yan. Baka andun sa bahay niyo yung kapatid mo ngayon." Saad ni Mania.

"Wala ang kapatid ko sa bahay ngayon. Dun nalang samin, ma malapit." Sabi ko sa kanya sabay bato ng susi ng kotse ko sakanya.

"Nice." Sabi naman ni Nemesis pagkakita niya sa susing binigay ko kay Mania.

Tsk. Tinulungan nila ako makasakay sa kotse ko dahil nga masakit tong sugat ko.

Nanatili kaming tahimik sa loob.

Pagkatapos ng tatlong minutong biyahe, nakarating na kami sa bahay. Bago kami makababa, nagtanggal muna kami ng maskara.

Tinulungan nila ako ulit makapasok at makarating sa aking kwarto.

Napakunot ako ng noo. May tao ba dito? Impossible namang may tao sa kwarto ko. Dahil paniguradong mamaya pa uuwi ang kapatid ko.

Pinaupo ako nung dalawa sa kama ko.

"Buksan niyo nga ang ilaw." Utos ko dito sa dalawa.

"Asan ang switch?" Tanong ni Nemesis. Sasagot na sana ako ng may pumukaw ng atensyon naming tatlo.

"Nah. Let me do it for you."

Napatingin kaming tatlo sa isang pwesto malapit sa pintuan dahil duon ang pinanggalingan ng boses.

Sakto namang bumukas ang ilaw at bumungad samin ang isang babaeng nakayuko.

Nag-angat ito ng mukha.

Sht.

Shock was written all over our faces after seeing the owner of the voice.

~~~~~~~~~~~~~

**123114

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon