Chapter 8 : The Group

416 7 0
                                    

Chapter 8

The Group

~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Nagsimula ng bumuo ng grupo ang lahat. May mga inikot o inurong ang kanilang mga upuan para magkakatabi sila, meron ring mga umupo sa sahig.

Saan ako pupunta ngayon?

May lumapit saking babae,

"Clarrissa, right? May kagrupo ka na? Tara samin." She smiled at me. I can sense something behind her smile.

At alam kong hindi iyon maganda.

I smiled back at her.

"Wala pa. Sige ba." Sumunod ako sa kanya at tumabi sa mga kagrupo niya. Nakita kong nagngitian silang lahat sa isa't isa. Sabi na nga ba.

Pinatong ko ang siko ko sa lamesa ng inuupuan ko at pinatong ko naman ang baba ko sa kamay ko then I smiled at them.

Nakita kong napairap sila sa pwesto ko. Ha. Di bagay sa kanila.

"Ehem," Napalingon kami sa mukhang leader nila, yung nasa harap ko. Siya yung tumawag sakin kanina. "Sayo tayo magsisimula, Clarrissa."

Magsasalita na sana ako ng nakita kong lumapit samin si Lillias. Bakit?

Tumayo yung babaeng nasa harap ko "Lillias! Bakit ka nandito?"

Napataas ako ng kilay. I almost laughed loudly because of her voice. Bakit ganun? Hahaha!

"May kukunin lang sana akong kagrupo niyo, kung okay lang."

"Sure! Sasama talaga ako sa inyo!" Akmang hahawak siya sa braso niya ng lumayo ng onti si Lillias.

"No. Not you. Her." She pointed at me na ikinagulat ko naman. Ako?

Bigla namang pumunta sa harap ko ang katabi ko. Ay bastos?

"A-ako? Ohmygod" pinaypayan niya ang sarili niya. "Yes! Ang ganda ko talaga." Ang oa.

"Nakikita niyo to?" Sagot ni Lillias sabay pakita ng kamao niya "Kahit may benda to, hindi ako magdadalawang isip na makatama ng tao." Napaurong naman tong mga katabi ko.

Hinila na ako ni Lillias. Gangster kaya siya? Si Saphire at Cataleya? Pati ang mga kasama nilang lalaki?

Pinaupo niya ako sa tabi niya at sa kabila ko naman ay bakante. Kasama namin ay sila Sapphire, at Cataleya. Pati yung pitong lalaki.

They all smiled at me na ikinagulat ko naman. Napalingon kaming lahat sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang isang lalaki.

Namumukhaan ko siya. Saan ko nya ba siya nakita? Nakatingin ang klase sa kanya. Sino siya?

Umupo siya sa tabi ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Blackie!" Seryoso? Blackie pangalan nitong katabi ko? Napalingon ako sa nagsalita. Ah yung lalaking humawak sakin.

"Yes! Kumpleto na tayo. Sayo tayo magsisimula Black at last ka Clarrissa." Black pala. Akala ko naman Blackie. Haha.

I nodded at Lillias.

Pansin ko lang, siya palaging nagsasalita. O baka naman hindi lang nagsasalita si Sapphire at Cataleya when I'm around.

"Anong gagawin?" Tanong nitong katabi ko. Tinignan ko siya.

Hala. Sakin siya nakatingin. Ako ba tinatanong niya?

"*cough* Ano, magpapakilala sa mga kagrupo." Takte, bakit ako naubo.

"Ah, salamat" I nodded.

"Black. Black Augustin de Castro." Saad niya at sumunod-sunod na ang pagpapakilala.

"Dylan Alexander Crane." Isa siya sa may pasa sa mukha.

"Rhys Harvey Sanchez."

"Mason Henrey Revillarosa."

"Single and ready to mingle." Sabay nilang dalawang sabi. Napatawa naman ako ng mahina.

"Hoy, kayong dalawa! Kebata-bata ang lalandi!" Parang nakakatandang kapatid naman na singit ni Lillias.

"Opo." Sabay ulit nilang sabi.

"Cataleya Layde Diaz."

"Sapphire Katlyn Smith."They both smiled at me. I smiled back.

"Ken Nicholas Bautista. Sapphire's."

"What?!"

"Joke lang. Ito naman."

Haha. Bagay sila.

"Ako na? Yes, ako na! Gabriel Mien dela Vega. Tsaka..." He scratched his head "Sorry nga pala last time. Kasi hinawakan kita."

"Okay lang."

He smiled at me. Cute. Haha.

"Nathan Ashton Akiyama." Tinitigan ko siya. Wala, tinitigan ko lang. Masama? Para kasing, ah ewan. May pasa rin siya sa mukha.

"Lillias Raya dela Rosa."

"Hoy sabihin mo rin pinakamatanda ka!" Singit ni Dylan.

"Heh! Tumigil ka nga! Ikaw na Clarrissa!" She said excitedly.

They all looked at me. Hinihintay nila ang sasabihin ko. I smiled before I introduced myself.

"Clarrissa. Clarrissa Aubrey Navarro."

Gabriel turned to me. "Uhm, pwede ka bang matanong?"

"I don't see any reason para humindi."

"Are you single?" Sabay na tanong nila Rhys at Mason. I laughed.

"Yep."

"Hey! Tumigil nga kayong dalawa. Mga walanghiya kayo." The two of them pouted.

"Ate naman..." Ate? So mas matanda si Lillias sa kanila.

"What do you know about this school?" I turned to Kuya Nathan. Gusto ko siyang tawaging kuya kasi feeling ko siya ang pinakamatanda sa kanila.

"Po?"

He smiled. Yung ngiting pakiramdam kong matagal ko nang kilala.

"Nevermind."

"A-ah, okay po." Narinig ko naman talaga ang tanong niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit niyo iyon natanong sakin.

Someone nudged me. Nilingon ko ang katabi ko.

"Clarrissa, what do you want us to call you?" Tanong ni Black.

"Kahit ano. As long as hindi siya masamang pakinggan." I smiled.

They all smiled back.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry po sa typos at wrong grammars. ^^

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon