Chapter 25 : Liar

243 4 0
                                    

Chapter 25

Liar

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naalala ko ang huli kong punta dito. Hindi naman talaga ako hindi tumuloy. Gets? I heard my parents talking. Shouting, rather.

"She needs to know the truth!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Walang katotohanan sa lahat ng ito! Wala! Lalo na't--"

"Stop, just stop." Naasar ako. Panira naman oh. Hindi niya tuloy natuloy yung sasabihin niya. Tsk.

That's what happpened kaya hindi na ako pumasok. At ngayon, kailangan ko nang pumasok. Ugh. Redundant. Search niyo nalang meaning kung hindi niyo alam.

Alam ko rin na nasa loob na si Ate Sky. Nakita ko kasi ang kotse ni Kuya Gian eh.

Binuksan ko ang pinto. Inhale. Exhale. Act natural, Clarrissa. Behave.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakarinig naman ako tawanan sa dining room. Doon ako dumiretso.

"Oh Clarrissa dear! You're here." Lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi. Ganun rin ang ginawa ko kay daddy. Doon ako umupo sa harap ni kuya Gian. He smiled at me. I smiled back.

Dahil nagsimula na silang kumain. Kumain na rin ako.

Habang kumakain hindi ko maiwasan na hindi mapalingon kila ate. Masyado kasing sweet si ate ngayon. Weird.

Napapakunot naman ako ng noo dahil doon. Grabe too weird.

Pagkatapos namin kumain ay nagkausap sila mommy at daddy kasama si kuya Gian sa sala. Ako naman umakyat ng kwarto. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako.
I think it's because of what happened earlier in the morning.

Dumapa ako sa kama ko. I missed my bed here. My room. My cr. My everything. Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan. Narinig ko rin ang mahinang parang pag-lock....? Umupo ako ng maayos at tinignan kung sino ito.

"Ate. Oh may kailangan ka." Hindi siya nagsalita bagkus nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang naka-cross arms. What is her problem?

"Tell me how bitch you are." Napanganga naman ako dahil dun. What?

"Teka, teka." She laughed sarcastically.

"Akala mo hindi ko alam?" Ang alin? Ang. Alin? Yes alin. Dahil marami akong hindi sinasabi sa kanya. I just don't feel like telling it.

"Ano ba talagang problema mo sakin?" Naasar na sagot ko sa kanya.

"Don't act like you're innocent. I know that you are flirting Gian behind my back." Napataas ako ng kilay.

"Heck ate, he's yours. All yours."

"Liar. Meron pa nga eh. You're next target is Kit." Kit? Kuya Gian's bestfriend? What the?!

"I have nothing to do with that man." Naasar na talaga ako.

"Oh really? Jian told me. Starting from the time that you're threatening her. Ended at the time when you're using his wife, Tracy."

"Oh that woman, Jian. Me? Threatening her? Why the hell would I do that?" Nakita kong umiling si ate.

"Liar. Too many lies, Clarrissa. Too many." I smiled. Nakita kong napaatras siya.

Hindi ko alam kung anong kinalabasan ng ngiti ko dahil baka nakakalimutan niyang maiksi lang ang pasensya ko.

"Too many beliefs Sky, Too. Many."

"Sky! Clarrissa!" Napalingon kaming dalawa ng may kumatok sa pintuan. Inayos ko ang sarili ko at lumapit sa pintuan at binuksan ito.

"Daddy."

"Bumaba na kayo. Anong oras na rin baka may mangyari pa sa inyo sa daan."

"Dito ako matutulog. Ewan ko lang kila ate."

"We're going." Bumaba si ate at naiwan kaming dalawa ni daddy dito sa taas.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ni daddy.

"Nope." Pagkatapos ko siyang sagutin ay sumunod na kami sa baba.

"Ingatan mo si Sky, Gian."

"Yes po tita." Yinakap ni mommy si kuya Gian.

"Be careful driving." Nag-manly hug naman sila ni daddy. Lumapit ako kila ate.

"Take care." Yinakap ko si ate, ofcourse andiyan sila mommy eh.

Yayakapin rin sana ako ni kuya Gian kaso biglang ipinulupot ni ate yung kamay niya sa braso ni kuya. Tsk. Tsk.

Kumaway ako ng isang beses sa kanila.

Nung umalis na yung kotse nila ay bumalik na ako sa kwarto.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama.

Naalala ko yung nakausap ko si ate sa phone. Pilit ang boses. Kaya pala. Kaya pala. She's too easy to deceive. I bet nag-away sila ni kuya Gian. Knowing her, she'll confront him immediately.

Darn that Jian. What a liar.

--

Tinignan ko ang itim na aso sa may paanan ko. Natutulog siya kasama ng kanyang mga anak. Ang sarap panuorin.

Nagulantang ako ng may bigla akong narinig na malakas na putok ng baril. Liningon ko kung saan ito nanggaling. Wala. Walang tao. Tinignan ko muli yung aso.

Dugo. Maraming dugo. The gunshot. Oh my god.

"Noooo!!"

Napabalikwas ako ng higa. Lumingon ako sa magkabilang parte ng kwarto. May biglang pumasok na pangalan sa isip ko.

Lair.

Napatakip ako sa bibig ko. The word liar triggered the name Lair in my head.

Anak.

I have a son. I have one. And I'm very sure of it.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*070515

Sino marunong gumawa ng cover? Haha. Tulong please.

xoxo, Ali :*

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon