Chapter 29 : It's Starting

218 4 0
                                    

May pasok na ulit ngayon ~~

xoxo, Ali

--

Chapter 29

It's Starting

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clarrissa's POV

Nasa loob na ako ng gubat at tinatahak ang daan papunta sa lugar na may mga building. Dito ba yun? Oo ata. Kumanan ako at dineretso lang ang daan. Maya-maya ay nakita ko na ang lugar na hinahanap ko. Hinanap ko yung building na may pagkapula.

Pinark ko ang kotse ko sa isang bakanteng pwesto. Pagkababa ko ng kotse ay napalingon ang iba sakin. Di ko na lang sila pinansin at pumasok na ng building. Nilakad ko na ang daan patungo sa mismong Underground. Bumaba ako ng daan at dinere-deretso lang ang mahabang hallway. May narinig na akong ingay at alam kong nandito na ako.

Pagkapasok ko palang ay alam kong nakakuha na ako ng atensyon. Maraming napapalingon sa dinadaanan ko. Hoo! Kalma, Clarrissa. Kaya mo yan. I remained my posture and did show no emotion.

Pumunta ako sa may parang bar at nakita ko sila Kuya Justus na naka-pwesto sa isang lamesa. Lumapit ako dito at kumuha ng isang upuan sa tabi at umupo sa harap ng lamesa nila.

"Hey." Nakatingin lang sila sakin na parang nananakot.

"What?" Kinunotan ko naman sila ng noo. Sinipa ni Kuya Matt ang upuan ko.

"Sino nagbigay sayo ng permiso na makisama samin?" Madiin na pagkakasabi niya. Napalingon naman ako sa ibang lamesa dahil napansin kong nakatingin sila samin.

I rolled my eyes heavenwards.

"Ako."

Lumapit naman si Kuya Blaster sakin at bumulong.

"Clarrissa?" Tumango lang ako.

"Uyyyyy!" Sabay-sabay na sabi nila at pinatungan ng mga braso nila ang ulo ko.

"Aray leche. Ano ba!" Tinulak ko ang mga braso nila.

"Teka, paanong di ka naligaw?" Biglang singit naman ni Kuya Justus. I just shrugged.

"Cobra Gang." Narinig kong banggit ng isang kalaki sa akn likuran. Nilingon ko ito.

Oh sh---t!

Muntik na akong mapatayo nang makita ko kung sino nakatayo sa likod ko. Umurong naman palapit sakin sila kuya Justus.

"May kailangan kayo?" Saad ni kuya Hill. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at yumuko sa lamesa.

"Kukunin lang namin ang pangalan ng babaeng lalaban. May plano pa ba kayong baguhin ang pangalan niya? Celeste, tama ba?" Nakita kong tumango lang sila at umalis na ang lalaki. Whoo.

Umayos na ako ng pagkakaupo at tinignan ang relos ko.

4:45 PM

Oh? Fifteen minutes nalang?

"Nga pala, paano naging Celeste yun?" Nagkatinginan naman sila at tumuro kay kuya Sed.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon