Chapter 7 : 3rd Day

388 5 0
                                    

Chapter 7

3rd Day

~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

"So, Aydenn right?" He nodded at me.

Nakaupo ngayon kaming tatlo dito sa sala.

Naka-patong sa hita ko ang aking laptop. Ganun din si Caiden. Habang si Aydenn naman ay nag-aayos ng mga papel.

"Caiden, Aydenn. You're both gangsters?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanilang dalawa.

Nakita kong tinulak ni Aydenn si Caiden "Hoy Caiden! Nilagay mo yun?" Sabi pa nito.

"Ha? Ah, eh. Ewan ko"

"Takte ka."

I tapped the table infront of me that caught their attention.

I cleared my throat "Caiden."

"Ha?"

"Mark nalang tawag ko sayo ah." Tumawa siya.

"Ok lang!" He said with a thumbs up.

"Pero seryoso, gangster?"

"Seryoso Ma'am. Di porket gwapo kami eh." Napatawa ako sa sagot ni Aydenn.

"Hangin ah. Pero di nga. Iba kasi ang alam kong gangster. Yung mga mukhang tambay sa kanto. Di ba?"

"Boss naman. Walang ganyanan." Napatingin ako kay Mark.

"Haha. Oo na, oo na. Pero I assume may gangsters rin sa AU."

"Marami. Gusto niyo bang malaman kung sino-sino ang mga iyon?"

"Nah. I need to find it out by myself. Sariling diskarte."

"Understood."

~~~~~~~~~~~

Wednesday,

Umubob ako sa lamesa ko. Inaantok akooo. Peste, ang i-ingay pa ng mga kaklase ko.

Napaangat ako ng ulo ng marinig ang pagbukas ng pinto at biglang pagtahimik ng klase. Ay ang galing naririnig ang pagtahimik. Joke.

Pumasok sa pinto sila Lillias, Sapphire, at Cataleya.

Napansin ko ang benda sa kamay ni Lillias.

Anong nangyari? Gusto ko silang lapitan, gusto kong magtanong. Pero umupo lang sila sa kanilang mga upuan at hindi man lang ako pinansin.

Napatawa ako ng mahina. Oo nga naman. Sino ba naman ako. Baka nga ako lang ang nagiisip na magkaibigan kami. Ang FC (feeling close) ko na pala ngayon?

U-ubob ulit sana ako sa aking lamesa ng may pumasok nanaman sa pintuan. Yung limang lalaki pero may dumagdag na isa. Nakita kong may pasa sa mukha ang dalawa sa kanila.

Ano ba kasi talagang nangyari? Nabo-bother ako sa kanila eh.

Biglang may pumasok na humahangos na lalaki. Mukhang tumakbo.

"Vacant tayo ng dalawang period! May meeting daw ang faculty members ngayon."

"Seryoso?"

"Yes!"

"Tara labas tayo!"

Hay. Hindi na ata nagklase ang mga estudyante dito. Ano bang pinagkakaabalahan ng mga teachers ngayon? First week na first week ng pasukan eh, ganito.

I sighed deeply. Kaantok. Hindi naman siguro masamang matulog, hindi ba?

--

*bzzzzt* *bzzzzt*

Shoot! Anong oras na?

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.

I felt relieved. 9:08 pa lang naman. 9:10 pa ang break.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Clarrissa!"

"Sino to?"

"Tamad mo talagang tumingin sa caller, ano?"

"Torres?"

"Of course! Clarrissa, tatlong araw ka ng absent! Asan ka na ba?"

*RIIIIINNNNGGGG*

Tsk. Break na pala. Tumayo na ako at dumiretso ako sa pinakamalapit na cafeteria, which is 2C.

"Asan ka ba talaga? Bakit parang may narinig akong bell?"

"Tss. Wala ba kayong klase?"

"Meron, malamang. Recess kaya ngayon. Tsaka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Andali," Inayos ko ang bluetooth na nakakonekta sa phone ko. Sinuot ko ito at ibinalik ang phone ko sa bulsa ko.

"Ano nga ulit ang tanong mo?"

Pumila na ako sa bilihan ng mga pagkain.

"Ang sabi ko, asan ka na ba? Paulit-uli---, ay wait lang may teacher." Narinig ko ang paghina ng boses niya at ang pagkakasabi niya ng 'Good Morning Ms.'

Nang makarating na ako sa unahan ng pila, binigay ko na ang bayad ko. Nakita ko ang mga presyo sa itaas eh "Isa pong vegetable salad at iced tea." Simula nang ipakain to sakin ni Cataleya, nagustuhan ko na siya.

"Naks. Santo ka na ngayon ah." Pang-aasar ko sa kanya.

Nang makuha ko na ang pagkain ko, umupo na ako sa isa sa mga lamesa. Syempre, sa isa sa mga upuan sa isang lamesa. Alangan namang sa lamesa mismo ako uupo. Biro lang.

"Hindi naman. Nagpapa-good image lang ako. Baka kasi bigyan ako ng award sa graduation."

"Ano ka, kinder?" Sumubo ako ng isang gulay.

"Ouch naman. Mukha ba akong kinder?"

"Sa tingin mo ba, nakikita kita ngayon?"

"Anong 'sa tingin mo ba'. Nakikita ba kita ngayon?"

"Ang tanga mo naman para hindi masagot ang simpleng tanong mo na yan." Sumubo ulit ako.

"Sino kaya sa ating dalawa ang unang nagtanong niyan? Diba, ikaw?"

"Alam mo naman pala. Ikaw nagtanong, ikaw rin nagsagot."

"Ah basta! You asked first."

"And you asked last."

"I'd never really win over you."

"Yep."

"Sige, andiyan na yung girlfriend ko. Bye!"

I laughed. Under talaga tong lalaking to ng girlfriend niya.

"Oo na, bye!"

"Labyu bes! Hahaha!"

And the call ended.

Natigilan ako.

"I love you bestfriend!"

"Anghel....."

Sht. Napahawak ako sa bibig ko. Sinong Anghel? Anong Anghel? Saan nanggaling yun?

Ano yung narinig ko?

Hay! Ano bang nangyayari sakin?

Inubos ko na lang ang pagkain ko at bumalik na sa classroom.

Umupo na ako sa upuan ko. Anong oras na ba?

Magta-time na pala?

Bigla namang may pumasok na teacher.

"Okay students! I'm Ms. Mendez, your subject teacher in English. Wala muna tayong gagawin. May kailangan pa kasi akong tapusin. So for now, form your own group. Kahit ilang member. Then, you just need to introduce yourself to your co-members. Lahat kayo dapat magparticipate, all right? That's all. Good Bye!"

And she left. Haaay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry po sa typos ang wrong grammars. :)

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon