Chapter 14 : Underground

304 1 0
                                    

Chapter 14

Underground

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Pinark ni kuya Justus ang kotse sa tapat ng coffee shop at pumasok sa loob.

"Ma'am Clarrissa?" Napalingon ako sa isang staff doon.

"Yes?"

"This way po." I followed her.

Tumigil kami sa tapat ng isang kwarto.

"Your companion is already inside." Companion? Ah, baka si Mark.

"Ok, thank you." I smiled at her. She smiled back then she left.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Naks, parang opisina. Kailan pa nagkaroon ng ganito dito?

"Boss!"

"Mark." Umupo ako sa tapat niya. May inumin na rin na nakahanda sa lamesa.

"Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito."

"Exclusive po yan para sa atin! This coffee shop is one of our family's business."

"Weh?"

"Oo nga! Hindi ba halata?" I grinned at him.

"Sagutin mo tanong mo."

"Boss naman! Ano po ba talagang pag-uusapan natin?"

"Tell me more about in being gangster." Seryosong tanong ko sa kanya.

"Sabi na nga ba eh," He took a sip from his coffee before he started,

"Ang seryoso naman hehe. De biro lang. Haha. Ganito po kasi yun. May mga klase ng gangster na lumalaban palagi. Basta't may humamon, lalaban. Kahit alam nilang mas mahina sa kanila ang lalabanan nila, go parin. Meron ring mga gangster na hindi palaging lumalabas. Paminsan-minsan lang. Tahimik gumalaw kumbaga. Yung mga gangster na nasa grupong ito, palaging may humahamon sa kanila. Pero lalabas lang yang mga yan pag nacha-challenge talaga sila sa kalaban o pag gusto nilang maglabas ng dinadamdam. Merong ring lumalabas lang kapag nasa mood lang sila."

"Ah okay." Tanging sagot ko.

"Ang pagiging gangster is your own will, It's your choice if you want to be in a group or solo. Pwede ring maging underling ka lang." Tuloy niya pa sa sinasabi niya.

"Wait lang. By any chance, do you know a group that consists of three women?"

"Of course! Marami. Pero merong isang sikat. Ang Black Angels. A group consists of three women. Naka mask silang lahat kaya walang nakakaalam ng totoo nilang mga itsura. Actually, nakakatawa dahil Angels ang pangalan ng grupo nila pero pang-Goddess ang codenames. Leader is Athena. Yung nag-isip ng pangalan ng grupo nila is the childish one, Nemesis. Pero nagseseryoso pag seryoso para sa kanya ang nangyayari. Next is Mania, minsan mo lang yan makitang tumawa."

"Parang ang dami mong alam tungkol sa kanila ah." Sabi ko sa kanya.

"Sila yung klase na pala-labas."

"Ah that's why." Uminom ako ng Iced tea.

"May laban nga pala sila kanina. Nandun ako kanina eh. May humamon sa kanila na grupo ng mga babae. Pero underlings nila ang ginamit nila sa pakikipaglaban sa Black Angels. Hinamon daw nila ang B.A. dahil nakita daw nilang ka-lips-to-lips ni Mania ang isang lalake na kabilang sa grupong pinakamalakas sa Underground. Nahiwa sa tagiliran si Athena. Pero hindi iyon naging hadlang sa laban nila. Sa ending, nanalo ang B.A., lagi naman. Wala pa kasing humahamon sa kanila na natatalo sila."

"Wait lang. You mentioned Underground, right? Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Underground. A place for gangsters."

"Ah. Gangster lang ba ang pwedeng pumunta doon?" Dagdag ko pa.

"Not necessarily. Kaya lang, lahat ng pumupunta doon na hindi gangster, napupuruhan. So, if you want to go there, you should not go there nag hindi handa. Baka ang ending mo, sa ospital." Payo niya sakin. I took a sip again at my drink.

"Then, I'm thinking na isasama kita pag naisipan kong pumunta doon." I said to him excitedly.

"Hindi mo alam kung anong klaseng lugar ang pupuntahan mo, boss." Seryosong saad niya.

Actually I do. May idea na ako.

"Kahit na. Even though I don't, I still want to. Just to know something."

"And what is that something?"

"Nothing."

"Kinakabahan ako sa tono ng boses mo boss ah. Katakot." He played with his hand as if doing the "Close, Open" game.

"By the way, gutom na ako. Gusto ko nang kumain. Para namang mabubusog ako sa pakikinig sayo." Seryoso. Kanina pa ako gutom. Hindi ako kumain ng umagahan, at hindi ko na palalampasin ang tanghalian.

--

Pagkatapos naming kumain, naglakad kami palabas ng opisina niya. Sabi niya yun ah. Branch nga daw kasi eto ng pamilya niya. And he asked for a private room sa loob.

Pero infairness ah, may taste siya sa mga designs ng kwarto.

Nakarating na kami sa labas ng coffee shop.

"Sige Mark. Kailangan ko nang umalis."

"Sige po boss!" Sumaludo siya sakin. I just smiled at him.

Dumiretso na ako sa kotse ko at sumakay na sa loob. Aalis na sana ako ng may kumatok sa bintana. Liningon ko ito at binuksan.

"Oh?"

"Boss, may pupuntahan pa kayo?" Tanong niya.

I raised an eyebrow at him.

"Hindi ba obvious?" Asar na tanong ko sa kanya.

"Asan nga po pala si Ms. Olivi--" Pinutol ko siya.

"Baka nakakalimutan mong you are working for my mom."

"Of course, how could I forget. You are one." Lumayo siya sa sasakyan "Sige po boss! Ingat!"

Napailing nalang ako sa kanya at umalis na.

Kung nagtataka kayo kung paano siya naging tauhan ng dakila kong nanay pero may business sila ng pamilya niya, go ask my mother. Hindi ko na yan pagtutuunan ng pansin. Haha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

**012315

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon