Chapter 31 : Underling

261 5 0
                                    

Chapter 31

Underling

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nathan's POV

Pagkaalis nila Daphne, Angel at Janna ay sumunod naman si Clarrissa. Nanatili naman akong nakatayo dito malapit sa mga upuan.

"Oh kuya, wala ba kayong ibang gagawin?" Tanong ni Claire kay Black.

"Hmm.. wait." Sagot nito tsaka siya tumayo at lumabas rin. Tsk. Ano nanaman bang gagawin nun?

"Claire una na rin ako ah!" Sigaw ni Karmin.

"Uy wait lang. Sabay ako sayo!" Tumakbo na sila ni Claire paalis habang kumakaway pero sa likurang pinto dumaan yung dalawa.

Merong pintuan dito sa likod. Hindi nga lang halata. Ang labasan ng pintuang ito ay ang parang garden na may shortcut papunta sa parking lot. Malaki ang sinasabi kong garden dahil doon madalas mag-training ang mga member ng mga club na ito. Hindi ito alam ni Clarrissa dahil hindi pa siya isang official na member.

"Oy ano bang ginawa ni Black?"

"Dunno/Don't ask us." Sagot ni Mason at Ken na nakatanggap naman ng batok sakin.

"Aw!" Sabay nanaman nilang sagot.

Bigla namang pumasok si Black sa pintuan na mukhang bothered.

"Oh? Ano okay na?" Tumango ang lahat sa sinabi ko tsaka ko sinimulang ilagay ang code sa parang maliit na box sa dingding malapit sa kinatatayuan ko.

Nanatili kaming nakatayo at naghintay. Nagsimulang ng umikot ang mga targets at nang ito ay umikot, mula sa pagiging target boss, ay naging shooting target ito na silhouette. Yung lalagyanan ng mga bow and arrows ay bumaliktad rin at nagkaroon iba't ibang uri ng armas.

Narinig ko ang pagsipol ng iba. Lumapit sila sa mga lalagayanan ng armas.

"Cool."

"Shet."

"Babies."

Lumapit sa tabi ko si Lillias.

"Kailan pa to?" Dinagdagan ko rin kasi ng ibang mga kagamitan. Boring narin kasi. Paulit-ulit na ang mga ginagamit.

"Kahapon lang." Nakita kong umupo sa sahig si Ken at Sapphire na inaayos ang apat na laptop pati ang iba pa nilang kagamitan sa teknolohiya.

Sila sina Ken Nicholas Bautista at Sapphire Katlyn Smith. Maraming alam sa technology. Sila ang laging may hawak ng computer kapag gumagalaw ang grupo. May mata yan sa kung saan saan, technology nga eh.

Linipat ko ang tingin ko sa babaeng naglalakad palapit kay Dylan.

Eto naman si Lillias Raya dela Rosa. Ate ng grupo. Pero hindi halata dahil may pagkamakulit. Pagala-gala kaya alam ang mga nangyayari sa paligid. Mahilig kumalap ng impormasyon. Kumbaga, bago mo pa siya utusan, may nakahanda na siyang maibabalita sayo.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon