Chapter 16 : Kyle

315 1 0
                                    

Vote, Guys! Please? :)

~~

Chapter 16

Kyle

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bakit, Cassandra? Bakit? Ganoon na ba ako ka-walang importansya sayo for you to keep me hanging? Ang sabi mo pupunta ka, pero ano? Hindi ka man lang tumawag, isang mensahe, blanko o tuldok lang wala ni isa! Sana naman nagbigay ng notice na mawawala ka. Ah, right. You did gave me one. A false one though."

--

CLARRISSA

Ugh. Ano ba.

"Oh, Rise. Okay ka lang? Kanina ka pa tulala diyan. Hindi mo rin pa nagagalaw ang pagkain mo." Hinawakan niya ang noo ko. "Wala ka namang sakit."

Umiling ako sa kanya.

"Wala. Okay lang ako."

She heaved a deep sigh.

"Kung dahil to sa nangyari nung Sabado-- Aw! Ang sakit nun ah!" Sinipa ko kasi ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

Tunawa naman siya.

"Anyways, may event ata sa AU ngayong week. O next week. Hindi ko lang sure." Tinignan ko siya ng masama.

"Chill! Tsaka tatlong linggo narin ang nakalipas simula nang pasukan." She laughed again. May nakakatawa ba sakin at tawa siya ng tawa?

Kaasar ah.

--

Habang naglalakad ako sa hallway, may tatlong hayop este tao na humarang sa harap ko.

"Clarrissa Navarro. The bitch." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Ako? Bitch? Ginagawa ko sa kanya? Kita mong naglalakad lang ako eh.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ulit. Alangan namang patulan ko? Wag na. Sayang oras.

Hinila niya ang braso ko at inikot paharap sa kanya.

"No one ever dares to turn their back at me."

"Well I do." Pagsabat ko sakanya. Kakagawa ko lang eh. Tanga.

Kaklase ko to ah. Ano ngang pangalan niya? Kara ata. Ano na naman bang problema niya?

"Argh! Hindi pa tayo tapos!" Tinulak niya ako sabay walk out. Ay, grabe. Walk out agad? Sabi na eh. Sayang oras. Hinimas ko yung braso kong hinawakan niya. Sakit nun ah. Sana madapa siya. Tss. Bumaon pa naman yung kuko niya.

Pagkapasok ko ng classroom, lumapit ako sa upuan ko. Uupo na sana ako dito ng may nanguna sakin.

"Ako na dito ah! Ang sabi naman ni Ms. Bautista ay hindi permanent ang seating arrangement eh." Nginitian niya ako ng mapangasar. Bwisit.

Lumipat nalang ako sa dati niyang upuan at doon naupo. Binagsak ko ang bag ko sa upuan at nahiga sa desk. Kaasar.

Narining ko nanaman ang boses ng bruhang iyon.

"Hi Black! Hi Gabriel!" Black? Gabriel? Nandito na pala sila.

"Good Morning!" Napa-angat ako ng ulo ng marinig ang boses na iyon. Kay Ms. Bautista.

"We will have our Flag Ceremony in the Gym today. Go down immediately there. Move! Move! Move!"

Hay. Tumayo nalang ako at dumiretso narin dun.

"Clarrissa!" Nilingon ko ang tumawag sakin.

"Who you?" Tinawanan niya ako. Aba't--!

"Kyle Cervantes at your service."

"Hindi ko kailangan ng service." He laughed at me. Iniwan ko na lang siyang tumatawa doon at sumunod na rin sa gym.

"Hey, wait!" Umiling nalang ako at hinayaan siyang sumabay sakin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

**030215

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon