Chapter 24 : Voices

284 6 0
                                    

Ngayon ko lang to na-dedicate sayo, sorry po haha. Napansin ko po kasi ang pagvo-vote mo sa ibang mga chapters kaya naisipan ko pong i-dedicate tong chapter na to sayo. Maraming salamat po! :*

xoxo, Ali

--

Chapter 24

Voices

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ugh." Asar kong kinuha ang phone ko sa ilalim ng unan ng maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

"What?"

"Init ng ulo natin ah."

"Bakit ka tumawag?" Umupo ako ng maayos.

"Para gisingin ka. Alam ko naman na late ka na naman magigising eh."

"Oo na, oo na. Sige na bye." Tumayo ako mula sa kama.

"H-hoy! Sandal---" Binaba ko na ang tawag. Kinuha ko ang towel at dumiretso sa cr para maligo.

--

Sinarado ko ang pinto ko sa kwarto. Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng makakain. Anong oras na ba at parang gutom na gutom na ako?

Liningon ko ang orasan. 10:30? Tsk.

Kinuha ko ang linuto kong ulam kagabi at ininit ito. Nagsaing na rin ako ng kanin. Pagkaluto ng pagkain ay inihanda ko na ang lamesa.

So I guess this is brunch?

Paupo na sana ako sa upuan ng biglang may nag-doorbell. Sino namang pupunta dito?

Ilinagay ko ang passcode. Pero bago pa bumukas ang pintuan ay napaupo ako bigla dahil sa malakas na pagkakatulak dito. Ibubuka ko sana ang bibig ko pero tinakpan na ito nung lalaking biglang pumasok sa unit ko.

What the fuck? Sino to? Hinawakan naman nung isang lalaki yung kamay ko. Shit! Ang papanget nila!

"Tumahimik ka kung ayaw mo pang mamatay!" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Duh. Nakatakip na nga kamay niya sa bibig ko eh. Tanga naman neto.

Tawagin nalang natin siyang P1. Panget 1.

"Wag ka ngang magalaw--- AAHH!" Sumigaw yung lalaking nakatakip ang kamay sa bibig ko. Sinipa ko kasi ang junior niya. Ipinulupot ko yung binti ko sa waist niya.

Napahigpit naman ng hawak yung isang lalaki sa kamay ko. Which is P2. Panget 2.

"ANO BA-- AH!" Inikot ko yung katawan ko dahilan na bumaliktad ang sitwasyon. Si P1 ang nakahiga na sa sahig ngayon. Nakaluhod naman ako sa may abdomen niya.

Si P2 naman ay napabaliktad dahil nasama rin siya dahil nga mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Biglang tumayo si P2 at sinugod ako. Gumulong naman ako sa gilid para maiwasan ang suntok niya. Lumapit pa siya sakin. Inikot ko ang paa ko sa paanan niya dahilan na madapa siya. Tumayo ako.

"Ah, shit!" Nakalimutan kong namamaga pala ang paa ko. Dali-dali ko namang kinuha ang dalawang baril sa bewang ni P2 at itinapat ito sa dalawang panget na nasa harap ko.

Natigilan naman sila. Tumayo ako kahit masakit ang paa ko.

"Anong kailangan niyo sakin?" Madiin kong saad sa kanila. Nang hindi sila sumagot ay ikinasa ko ang dalawang baril na hawak ko.

"Answer. Me."

"Clarrissa!" Napalingon ako sa pintuan. Kuya Nathan? Nakita kong nanlaki ang mata niya. Hinarap ko ulit ang dalawang panget.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon