Chapter 36 : Empires' Ball II

189 4 0
                                    

Chapter 36

Empires' Ball II

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

"Ugh." Liningon ko ang lalaking nagbato sa akin ng kutsilyo. Naramdaman ko ang presensya niya kaya naiwasan ko ito.

Tumayo ako ng tuwid at tinignan lang siya. Ngumisi naman siya sa akin at nagbato ulit ng kutsilyo pero kumpara kanina, sunod-sunod na ang pagbato niya habang ako ay iwas lang iwas.

Tch. Sabi na nga ba.

Nakangisi lang siya sakin habang nagbabato. Aakalain niyang papagurin ako pero hindi. Anong akala niya sakin? Mahina? Ayokong tinatawag akong ganun.

Hindi niya alam na habang umiiwas ako, sinasalo ko ang mga kutsilyong binabato niya. Sinisipa ko ang iba habang ang iba ay nakaipit sa gitna ng mga daliri ko. Nang tumigil na siya ay tumayo ako ng tuwid at tinitigan siya.

"Oh? Tapos ka na?" Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin. Huh. Di naman nakakatakot.

"Binibigyan lang kita ng oras para makapag-pahinga." Pang-aasar niya. Aba, mayabang.

"Talaga? Ay sige salamat. Pero, ang damit ko. Sinira mo." Tinitigan ko ang sarili ko. Ang kanina kong mahabang damit ay nagkasira-sira na sa dulo. Bongga, ginawa niyang layered. Umiling ako.

"Sayang tuloy." Umangat ako ng tingin. Oh? May kasama na siya. Weak. Nagpasama pa. Tinignan ko sila isa-isa. Huh.

Ngumisi ako at nagsimula ng tumira. Tumakbo ang pito sakin at sinugod ako. May sumuntok sakin pero naiwasan ko ito, hinila ko ang braso niya at umikot dito bago ipatama ang kamay ko sa leeg ng sumunod na lumapit sakin. Napaluhod siya sa sahig dahil dito. Ang braso kanina nung unang lalaki ay kapit ko kaya ginamit niya ang kabila niyang kamay para suntukin ako pero hinila ko ang kabila niyang braso dahilan na bumaba siya tsaka ko siya inunahan ng suntok siya tiyan bago ko siniko ang leeg niya dahilan na makarinig ako ng pagkabali ng buto. Binato ko siya ng malakas sa ibang lalaki na sumugod.

May isang lalaki na umikot sa may paanan ko pero tumalon ako ng tumaas palayo para hindi mapatid. Dahil nga mataas ang pagkakatalon ko, umikot ako tsaka ko itinaas ang binti ko bago ako nag-landing. Tumama ito sa ulo ng taong nasa likod ko dahilan ng pagkabasak niya sa lupa. Umiwas ako at yumuko nang maramdaman kong may sasaksak sakin sa ulo. Nag-padulas ako sa ilalim niya habang nakatalikod at agarang tumayo bago ako nag-backflip at nakababa sa likod niya na sinigurado kong ramdam niya ang heels ng sapatos ko sa likod niya. Ew. Tumalon ako palayo at hinarap ang ibang nanonood lang.

"Ano? Tatayo nalang b--- woah!" Iniwas ko ang ulo ko nang may nagpaputok ng baril sa akin. Umiling ako.

"My words are precious dear. Better hear it before you die." Saad ko bago tumakbo papunta sa ibang natitira. Ginamit ko ang mga kutsilyo kanina para ibato sakanila dahilan na umiwas sila at hindi magpaputok bago ko sila isa-isang tinira. Nagtagumpay naman ako.

Nakarinig ako ng mga mabilis na paghinga kaya napalingon ako sa isang tao sa aking likuran. Buhay pa pala ang isang to. Well, I reserved a knife for him. After all, he's the one who provided me these.

In the blink of an eye, nasa harap na niya ako. Face inches closer to mine, I placed my arm over his shoulder and my other hand holding a knife above his heart. I smirked after seeing his reaction.

"S-s-sino ka ba t-talaga?" I raised my eyebrows.

"After stalking me over and over, you still don't know me? Hmm. I thought you will be useful to me though. Even used Aydenn Pascual to get me but unfortunately, failed. Walang kwenta, ReOw. Leader ka pa naman. Tanga naman ng pumili sa inyo para alamin kung sino ako. Wala rin silang napala." Mahabang litanya ko. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon