Chapter 37 : Past

213 3 0
                                    

Chapter 37

Past

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

"Clarrissaaaaa!"

"What now, dear sister?" Inis kong sabi kay ate Sky na umagang-umaga ay nambubulabog ng kwarto ng iba.

"Wake up! Wake up! May klase ka kaya. Don't tell me, aabsent ka parin? Ano ka ba! Ang tagal mo ng wala sa school, kaya pumasok ka na!" Sa lakas ng boses niya ay nabato ko na siya ng unan ko. Ugh. May pasok pa pala, nasanay na akong hindi pumasok.

"Woah, chill there lil' sis haha! Eto na lalabas na." Di ko nalang siya pinansin at ibinaon ang mukha ko sa kama ko. Laking pasasalamat ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto.

Gusto ko pang matulog, pagod ako. I've been having sleepless  nights this past week. Halos wala akong tulog sa pag-hahanap ng impormasyon na may kinalaman sa pangyayari na naging sanhi ng pagkawala ko three years ago. Humingi na ako ng tulong kay Daddy at well, they gave me access to the Empire kaya naman medyo napadali ang mga ginagawa ko. I have to deal with ReOw pa. They already found out about their leader's death because of Cobra Gang. Sinabi kasi nila agad. Now, they're looking for their 'current leader'. Tsk.

Muli akong napabato ng unan sa pintuan nung muli kong narinig na bumukas ito.

"What?! Make sure na importante yan kung hindi, phone ko na ibabato ko sayo."

"Ang ganda ko. Yun lang!" Bumuntong-hininga ako. Damn.

--

Kakapasok ko palang sa building namin nang may malakas na pwersa na humila sa akin papunta sa isang hallway at itinulak ako sa pader, agaran akong kumilos pero nakuha niya ang isa kong kamay. Nanlaban ako pero mas lalo pang humigpit ang kapit niya sakin.

Bakit ba ang dilim dito? Sino ba to? Ugh.

Tutuhurin ko na sana siya pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Black." I murmured.

"I thought something bad happened to you. Mahigit isang linggo kang nawala. Akala ko mawawalan kami ng kaibigan." Ipinikit kong maiigi ang mata ko. Hearing his voice having this tone after many years makes me wanna cry. Humiwala siya sa akin pagkatapos ng ilang segundo. Isinuklay niya ang kamay niya sa buhok niya. Damn. That expression....

"I'm sorry. I was scared, okay? Ako yung huli mong kasama and after that bigla ka na lamang nawala. Kinabahan ako, hindi ka namin ma-contact. Akala ko... akala namin napahamak ka at kami ang dahilan. Dahil, hindi kita nabantayan. Hindi kita nabantayan nung natutulog ako--" I bit my lip. Iba na ang sinasabi niya. Hindi na tungkol sa pagkawala ko. Kundi what happened 3 years ago. Naalala niya dahil nagpakita sakanya si Cassandra nung Empires' Ball. Black, are you blaming yourself?

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko bago ko iniangat ang mukha niya at pinaharap siya sakin.

"Hey, hey. I'm fine, look? Sorry hindi ko nasabi na mawawala ako. Please, stop blaming yourself." Ngumiti ako sakanya.

After that scene, ay bigla nalang siyang nawala. Hindi ko pa siya nakikita since then. Dalawang period na ang nakalipas pero pati sila Nate ay wala pa. Napangisi ako.  Calling Nathan, 'Nate' brings back many memories. Umiling na lamang ako at inisip kung nasaan sila Lillias at this day.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon