Chapter 4 : Transfer

455 11 0
                                    

Chapter 4

Transfer

~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARISSA

Tinignan ko ang paligid. Wala naman akong napansing kakaiba.

Nandito parin ako sa training grounds. Iniwan ako nung lima eh, may pupuntahan lang daw.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung gaano ka-big deal sa kanila ang pagpasa ng entrance exam. Paano ba naman, alam nila ang pangalan ko. Pag tinanong ko naman kung paano nila nalaman, ang tanging sagot nila ay dahil nasagutan at napasa ko daw ang exam sa loob ng isang oras.

Hindi ko nga rin alam kung paano ko napasa yun eh. Last minute kasi ang pag-transfer ko. Pumikit ako at sinubukang alalahanin kung paano ako nalipat sa school na to.

-

Uwian na. Gusto ko nang maramdaman ang higaan ko sa aking likod pero hindi pa pwede. Lecheng practice kasi. Ang sakit na nga ng mga binti ko eh.

Paano ba naman, nagpractice kami ng sayaw kahapon simula umaga. Pagdating ng alas tres ng hapon kahapon, tsaka kami nag-perform.

Eh, pagkagising ko sa umaga kanina, hindi ako makatayo. Sobrang sakit ng binti ko. Yung tipong konting galaw lang eh namimilipit na agad ako sa sakit. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakapasok ngayon eh.

Tapos malalaman ko lang ngayon na may practice pala kami ngayong uwian? WTF?

"Oh, Clarrissa. Nandito ka na pala. Hintayin na lang natin si leader."

"Teka nga lang, para saan ba tong practice na to? Alam naman siguro ng LEADER natin na kakasayaw lang natin kahapon. Edi siyempre pagod. Tapos magpa-practice pa tayo ngayon?" I retorted.

"A-ano Clarrissa, p-para daw yata sa next event ng school...." Saira answered. Natakot ko ata. Nautal eh.

Bigla naman dumating yung leader namin. "Tara na, practice na! Kumpleto na tayo eh." Ang sarap niyang kalbuhin! Nako, hinga Clarrissa, hinga. Pigilan mo ang sarili mo.

"Oh, Clarrissa? May problema ba? Bakit ka humihinga ng malalim?" Clarrissa mabait ka, tandaan mo yan. Sagutin mo siya ng maayos. Yung maayos.

"May problema? Nako, wala! Ano ka ba. Sige lang, mag-start na tayo." Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti.

"Okay. Sa susunod na event, naatasan muli tayong sumayaw. And our moderator said na tayo na ang bahala sa kanta. Since nakapili na naman tayo at may nagawa na rin tayong steps, practice nalang ang kulang." Teka, ano daw? 'nakapili na tayo'? Tayo? Baka ikaw lang! Bwisit!

Napatingin silang lahat sa akin when a phone rang obviously coming from my direction. I raised an eyebrow at them which made them turned front.

I pulled my cellphone out of my school uniform's pocket. Lumayo ako ng onti sa kanila.

"Hello?"

"Aubrey!"

"Sino to?"

"Aba, you don't even know your mother's voice?"

"Hay nako ma. Anong kailangan mo?"

"I need you to transfer schools."

"What the hell, ma?" Napalakas ata ang sabi ko. Napatingin sila sa akin eh. But I didn't mind them.

"Anong 'what the hell' ka diyan. Sa AU ka lilipat."

"Sa school kung saan nag-aaral si ate?"

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon