Chapter 1: Clarrissa Aubrey

975 15 1
                                    

Chapter 1

Clarrissa Aubrey

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Alam mo ba ang katangahang ginawa mo?"

"Gandang pambungad naman yan, kambal."

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Cassandra." Nakng. Tinawag na ako sa pangalan.

"Anong mali sa ginawa ko?"

"Anong mali? Tinatanong mo ba talaga sakin yan?"

"Mali ba yun? Ginawa ko lang naman yun para sa sarili niyang kapakanan. Para hindi na siya madamay sa gulo." Sa sinasabi ko, parang sarili ko ang kinukumbinse ko at hindi siya.

"Sa tingin mo ba sa ginawa mo, hindi na siya madadamay sa gulo? Are you even thinking?! Una pa lang damay na siya! Diba nasaktan na siya nila? Hindi mo dapat ginawa yun dahil lalo siyang nalapit sa kapahamakan! Hangga't nasa tabi mo siya, the best thing  to do was to protect him! Not let him go!"

"Hindi nila siya gagalawin. Alam nila, at alam mo ring ayaw kong ginagalaw kung anong akin."

*KRIIINNNGGG*

Napaupo ko. Huminga ako ng malalim at napahilamos nalang ng mukha. What was that all about? Dapat ba akong matuwa sa panaginip ko o hindi? Hay.

I heard the door opened.

My sister entered, already wearing our school uniform.

"Clarrissa?" She called.

"Hmm. Ate. Anong oras na?"

"Oras na para bumangon ka diyan." Hinila niya ang paa ko.

"Ate naman eh. Andiyan ba yung boyfriend mo?" She blushed. Haha.

"Ah nasa baba. Kaya dalian mo na diyan. Kakain na tayo." She winked at me before she left.

Ako nga pala si Clarrissa Aubrey Galleros Navarro. At yung kanina naman is my beloved sister, Sky Stephanie. Ang parents namin ay nasa ibang bansa. Ewan ko kung anong ginagawa nila dun.

And today is the first day of school for Axis University. Transferee ako. Si ate naman ay matagal nang nag-aaral dun. Tulad nga ng sabi ko kanina, first day ngayon. Papasok si ate at yung boyfriend niya bilang Fourth Year College habang ako naman, ay nasa Fourth Year Highschool pa lamang.

I did my daily rituals and immediately went down to the dining room.

Umupo ako sa upuan tapat ni ate.

"Rise oh. Section mo. Nasa 3rd building yan." She handed me a piece of paper.

Nga pala, Rise din tawag niya sa akin. Kasi daw, 'Clarrissa' palitan ng E yung A sa huli. So magiging 'Clarrisse'. Tapos kunin yung mga letrang R-I-S-E. Kaya ayun. Gets?

"Oh, salamat."

Pagkatapos magayos ni Ate Des ng pagkain namin, nagsimula na kami kumain.

Si Ate Des nga pala ay yung nagbabantay saming dalawa ni ate.

Sa bahay na to, apat lang kaming nakatira. Ako, si Ate Sky, si Ate Des at Kuya Justus, yung driver namin.

Habang kumakain kami, may bigla akong naalala.

"Kuya Gian." I called my sister's boyfriend's name.

"Oh, bakit?" He looked at me.

"Kuya, kapag ba may panaginip ka, makakalimutan mo agad yun?" I asked him.

"Hmmm. I don't think so. Hindi lahat ng panaginip nakakalimutan. Hindi rin naman lahat natatandaan."

"Ah. Salamat kuya." I smiled at him.

"Bakit, Clarrissa? My problema ka ba?" Tinawanan ko si ate.

"Pinoproblema ko yung boyfriend mo, ate." I said.

"A-ako?! Bakit ako?!" Kuya Gian instantly replied.

"Joke lang! Kayo talaga" I laughed again. They both sighed deeply.

Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami sa kotse ni Kuya Gian and he drove off to school.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry po sa typos at wrong grammars. ^^

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon