Chapter 13

297 2 0
                                    

Chapter 13

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Narinig kong tumunog ang phone ko. Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Aubrey!"

"Ma? Bakit po?"

"We're going back to the Philippines!"

"Seryoso?"

"Of course."

"Then? Anong pong kailangan mo?"

"Sunduin mo kami ng daddy mo."

"What?! Bakit ako?"

"Why? Kailangan ba ng rason?"

"Hay."

"Just do it, Aubrey."

"Ok fine."

"So?"

"But I still need to meet someone. Anong oras po ba dating niyo?"

"Sure! Go lang anak. We're still in Osaka. Pinapayag lang kita."

"Oo na, oo na. Just call me kung andito na kayo. 3 hours, right?"

"Yeah. More or less by three andiyan na kami."

"Ok, ok. Bye."

Pagkatapos kong ibaba yung tawag, may tinawagan pa akong isa.

"Hello?"

"Mark"

"Oh boss! Napatawag kayo?"

"Pwede ka bang makausap ngayon?"

"Tungkol saan po ba?"

"Basta."

"Oh, ok."

"Magkita nalang tayo sa coffee shop malapit sa school."

"Sure."

Binaba ko na ang tawag at nag-ayos ng sarili.

--

SKY

"Sky." Narinig kong banggit ni Veronica (Mania) sa pangalan ko.

Tinignan ko siya. "Bakit?"

"Paano...paano natuto ang kapatid mong manggamot ng mga ganitong sugat?" Naisip ko na rin yan. Pero kung paano siya kumilos kanina, parang sanay na sanay.

"Hindi ko alam Veronica."

"Teka Sky. May alam ba ang kapatid mo sa pagiging gangster mo?" Tanong ni Yasmine (Nemesis) sakin.

"Wala. Impossible namang may malaman siya. Hindi ba?"

"Aish! Ewan ko!" Napailing na lang ako sa kanya.

"Paalala lang Sky. Hindi ka muna pwedeng lumaban at baka lumala yang sugat mo."

"Ano ka ba naman Nica (Veronica). Para namang ikamamatay ko to."

"Talagang mamatay ka kung hindi ka susunod. Kung ako sayo Sky, sumunod ka na lang. We'll just inform you kung may gustong makipaglaban sa atin." Tumango ako kay Yasmine.

"Tara sa baba at baka pwede nating siyang kausapin." Sabi ko na lang sa kanila.

--

CLARRISSA

Bumaba ako sa sala at naabutan kong nakaupo doon si ate pati ang dalawa niyang kasama.

Dederetso na sana ako palabas ng bahay ng bigla akong tawagin ni ate.

"Rise? Sandali lang." Tinignan ko ang relo ko. May oras pa naman. Umupo sa harapan nila.

Hinintay ko silang mag-salita. Ano to, titigan? Naghintay pa ako ng ilang minuto at baka sakaling bumalik ang mga dila nila. Pero wala pa rin. Ako na nga lang.

Ang tahimik naman.

Paano ba ako magsisimula?

"*ehem* Okay na ba kayo?" I asked them.

They nodded. Kaasar ah.

"Ano ba, wala ba kayong balak magsalita?"

"Actully meron. Nanguna ka lang" Sabi nung isa sa kanila.

Ay, ang taray. Nakadekwatro pa.

"We've been here for twenty minutes at ngayon ka lang nagsalita. Tapos sasabihin mo na inunahan kita?" Ang kapal naman ng mukha mo gusto ko sanang idugtong.

"How dare you--"

"Oh, I dare." Putol ko sa sasabihin niya.

Nakakamiss palang makipagsagutan. Oh, I really miss this. Teka, miss?

"Tumigil nga kayong dalawa." Awat sa amin ni ate.

"Ano ba kasing pinaggaga-gawa niyo sa buhay, ate? At pati sa pakikipag-away nakikipagsabayan ka."

"Wala kang alam kaya manahimik ka." Sabat na naman sakin nung isa. Tsk.

Lumapit ako sa kanya then I whispered to her.

"Marami akong alam, kaya ikaw ang manahimik." Lumayo ako at naglakad na paalis ng bahay.

"Marami? Anong alam mo?" Tumigil ako sa paglalakad.

Lumingon ako sa kanila at ngumiti.

"You'll know."

I said then I left.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

**012115

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon