Chapter 21 : Anghel

265 3 0
                                    

Chapter 21

Anghel

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clarrissa's POV

"Clarrissa! Clarrissa! Yuhooo!"
Asar na hinarap ko si Tracy.

"What?!"

"Wew. Sorry. Tara, lunch na," nakangiting sabi niya sakin. Tumango nalang ako sa kanya at sumunod.

Si Tracy, isa sa mga kaklase ko. Nakipagkaibigan, edi tinanggap ko. Mukha namang mabait eh.

Totoo nga pala yung sinabi ni Aydenn, nakikiseat-in lang sila. Wala sila ngayon. Or wala na sila simula ngayon. Naalala ko tuloy, hindi pala sila nagu-uniform. Kaya pala.

"Clarrissa, wala na sila Lillias sa classroom. Haaay. Di bale na, andiyan pa naman si Black at Gabriel." Nilingon si Tracy sa sinabi niya pero binalik ko rin ang tingin ko sa daan. Yes, si Black at Gabriel lang ang talagang fourth year students.

"Well, hi there Clarrissa. Kamustang maging social climber?" May mga babaeng hindi kanais-nais ang itsura na humarang sa dinadaan namin.

"Ano nanaman bang problema mo,Kara? Ha?" Sabat ni Tracy sa kanya.

"I'm not talking to you, so shut up!"

"You're the one who should shut up. Ina-ano ka ba ng tao?" Saad ko sakanya.

"Oh, so you're now talking back to me?"

"Kakasagot ko lang diba? Don't state the obvious Kara."

Nang hindi na siya sumagot, hinila ko si Tracy paalis. Tumabi naman sa dinadaanan ko yung mga kasama ni Kara.

"C-Clarrissa?"

"Ano?"

"Ang fierce mo kanina!! Hihihi." Napailing naman ako sa inasta niya.

"Trace, tell me. Paano ako naging social climber?"

"Stop with the Trace-thingy nga! Tracy! Tracy!" Inirapan ko siya.

"Just answer my question Trace."

"Whatever. Ewan ko ba dun kay Kara at masyadong kulang sa pansin. Hindi kasi siya mapansin-pansin nila Lillias ever since. Eh ikaw tong transferee lang, nakakausap na agad sila."

"Ah, ok."

"Grabe ah! Sa haba-haba ng sinabi ko yan lang ang isasagot mo?" Tumango ako sa kanya.

Nagulat kaming dalawa ni Tracy na may isang lalaking nag-dive sa harapan namin.

"Kyle. Uh, what're you doing?"

"A-ah, hehe. Natapilok lang ako." Napakamot siya sa ulo niya. Narinig kong tumawa si Tracy.

Tinignan ko kung siya nanggaling. Nakita ko si Black na nakasandal sa pader at nakalabas ang kanang paa. Napailing nalang ako.

Umupo kaming tatlo sa isang lamesa sa cafeteria. Sa upuan sa lamesa ah. Umalis naman si Kyle para bumili ng pagkain.

"Clarrissa, kilala mo siya?" Tinignan ko siya.

"He's weird," tanging sagot ko sa kanya. "Eh kayo? Paano kayo nagkakilala?"

"Childhood friends." Tumango-tango naman ako sa kanya.

"Hindi ko alam ang gusto mo Clarrissa, kaya Lassagna na lang ang inorder ko para sayo. Okay lang ba?" Natahimik ako bigla at napatitig sa pagkaing inilapag ni Kyle sa harapan ko.

"Hoy Anghel! Lutuan mo nga ako ng Lassagna!"

"Clarrissa?"

"Aba! Ano ka, sinuswerte?! Magluto ka magisa!"

"Baka ayaw niya, Kyle. Dapat tinanong mo muna siya kung ano ang gusto niya. Tsk. Tsk. Tsk."

"Dali naaaa! Alam mo namang paborito ko ang luto mo eh!"

"Eto naman nanakot pa. Nakalimutan ko eh. Ah Clarrissa, ayaw mo ba? Sige papalitan ko nalang." Nang akmang kukunin niya ang plato hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Wag," madiin kong sabi. Nagulat naman ako sa sinabi ko at nabitawan bigla ang kamay ni Kyle.

"S-Sorry." Inalis niya na rin ang kamay niya.

"Hindi. Okay lang."

"Ano palang nangyari sayo at napatitig ka sa pagkain?" Umiling ako kay Tracy.

"Wala. Kumain na tayo." Umupo na si Kyle sa tabi ni Tracy at sinimulan na naming kumain.

"Hmm. Oo nga pala, Clarrissa." Napatingin ako kay Tracy.

"Paano nga pala kayo nagkakilala nitong si Kyle?" Naalala ko naman bigla ang una naming pagkikita. Sumunod ang pangalawa. Remember? Yung sa kanilang dalawa ni Black? Napatingin naman ako ng masama kay Kyle dahil dun. May atraso pa pala tong lalaking to sakin.

"Woah. Chill."

"Teka, teka di ko kayong dalawa gets." Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko.

"Seems like wala siyang balak sagutin ka. Ganito kasi yun blah blah blah....." At ayun kwinento na niya. Hinayaan ko nalang silang dalawa mag-usap.

Napalinga-linga naman ako sa buong cafeteria. Alam mo yun, yung mapapalingon ka nalang bigla dahil parang may nakatitig sayo. Nang makita ko namang wala ay binalikan ko na ang pagkain ko. Baka guni-guni ko lang.

Anghel.

Ano ba yan. May kakilala ba akong Anghel? Saan naman nanggaling mga ang narinig ko kanina? Anghel? Weird.

Itinabi ko nalang ang plato dahil tapos na ako kumain.

"So that's what happened," narinig kong saad ni Tracy. Naramdaman ko pang nagvibrate ang phone ko.

Ate Sky: Yeah. So mamayang 5pm? Ang aga ngayon ah. Sige, sige. The usual meetup place. Understood?

Napataas naman ako ng kilay ko sa nabasa ko. What? Binalik ko nalang ito sa bulsa ko.

"Oy. Una na ako sa inyo ah! Bye!" Tumango lang ako sa kanya. Kumaway naman si Tracy.

"Oh ano Trace. Tara na?"

"Yup, yup!" Lumabas na kami ng cafeteria at pumuntang classroom.

Habang naglalakad kami ay naramdaman ko ulit na nagvibrate ang phone ko.

Ate Sky: Rise! Sorry, wrong send haha!

Napailing naman ako sa kanya at nagreply ng 'okay lang'. Pagkatapos kong isend ay binalik ko na ang phone ko sa bag. Mukhang may magagawa ako mamaya ah.

Sakto namang pag-upo ko sa upuan ko ay ang pag-ring ng bell meaning tapos na ang lunch.

Lumingon naman sakin si Tracy at ngumiti. I did the same thing.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*092915

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon