Chapter 42 : Knowing the Unknown

97 1 0
                                    

Chapter 42

Knowing the Unknown

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

"Ano yun?" Pambungad ko sa tumawag pagkasagot ko ng aking telepeno.

"Everything's ready."

"All right." Binaba ko na ito at tumungo sa parte ng aking condo kung saan nakalagay ang aking bag na may iba't ibang kagamitan. Tinignan ko ang sarili ko at nang masiguradong maayos na ang lahat, lumabas na ako ng building at tumungo sa parking lot. 

Sinalubong ako ng isang lalaki at inabot ang susi ng motor na kaniyang dala.

"Saan ka ba pupunta at para saan itong mga pinagawa mo sa akin?"

"And dami mong tanong." Saad ko sa kaniya habang sumasakay sa motor.

"Will you please just take care of yourself?" Natatawa-tawang tumango ako sa kanya.

"Of course, I'd do that." Sinuot ko na ang helmet at pinaandar paalis ang sakay na motor.

Inikot ko muna at pasimpleng tinignan ang paligid. Napangisi nalang ako ng makitang wala man lang CCTV kahit saan banda. Ganito ba nila ako minamaliit?

Pumunta ako likuran ng bahay na ito at imbes na sa harapan ng bahay pumasok, nakakita ako ng isang malaking puno at inakyat ko ito. Medyo malayo ito kung tatalunin ang isang bintana ngunit nakakita ako ng isang sanga na malapit sa bubong ng bahay. Dahan-dahan akong naglakad sa maliit na sangang ito dahil sa isang maling apak ko lamang ay maaari na akong mahulog. Tahimik kong tinalon ang bubong at kumapit sa isang awang. Nang makatapak na ako ng mabuti, liningon ko ang paligid. Nakakita ako ng isang maliit na pinto sa sahig sa bandang dulo. Linapitan ko ito at ginamit ang kwintas ko upang ito ay buksan.

Nang makababa na ako ay muli kong inilibot ang paningin. Walang ibang tao dito bukod sa akin. Ngunit sa aking pag-lalakad, nakarinig ako ng mahinang paggalaw. Sinundan ko ito at tumigil ako sa harap ng isang pinto. Nanatili akong tahimik at naghintay ng ilang segundo. Muli kong narinig ang ingay na aking kaninang napansin.

Sa puntong ito, dire-diretso na akong pumasok sa kuwarto ng walang paga-alinlangan. Tumambad sa akin ang likuran ng isang babae na nakaharap sa isang board na walang sulat. Sinigurado kong maririnig niya ang aking pagdating kaya naman pagkapasok ko ay umikot ito paharap sa akin. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha at binati ako.

"Celeste. You're finally here!" Nginisian ko siya pabalik. "I didn't expect that you've figured out that this place might be what you're looking for!" Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at kung may pagkabahala man ay hindi niya ito pinapakita sa akin. Bagkus ay lumapit pa ito.

"We should've known you were this good. Did you investigate all the places na nakalagay sa iyong files na nakuha kaya naman ay natagalan ka pa sa pagpunta dito?' Ang files na tinutukoy niya ay ang mga files na matagal ko nang binabasa at pinagaaralan.

They laid a trap for me not knowing that I am a trap myself.

Looking at her now, nakumpirma ang hinihinala kong isa siya sa mga nagmamay-ari ng mga narinig kong boses na nag-uusap sa bahay na aking pinagkuhanan ng files.

"Don't be absurd. Do not underestimate this woman. Akala niyo ba hindi ko alam na alam niyong sooner or later kukuhanin ko ang mga kailangan ko sa lugar na iyon? And before I got to do that, inunahan niyo na ako sa pagpalit ng mga impormasyong nakalagay dito? Pero may isa kayong pagkakamali, ang pag-aakalang pagtatangkaan kong puntahan ang mga lugar na nakalagay doon dahil alam kong ito ay mga peke lamang at may mga taong naghihintay doon upang patayin ako." Tumango-tango lamang siya sinabi ko at dahan-dahan pang pumalakpak.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon