Chapter 19 : Bestfriend

309 4 0
                                    

Chapter 19

Bestfriend

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Tumingin ako ng huling beses sa malaking salamin sa walk-in closet ko bago lumabas ng aking kwarto. Inaayos ko pa ang bag ko habang naglalakad pababa sa hagdan.

Naabutan ko naman si ate sa baba na kumakain ng breakfast.

"Wait, where are you going?" Lumapit ako kay ate at naupo sa tabi niya.

"Diyan lang, may imi-meet."

"Ah sige, aalis ka na ba? Eat first," saad niya. Umiling ako sa kanya.

"Doon na ako kakain. Since libre naman eh. Bawal tanggihan ang grasya." Napatawa naman siya sakin.

"Sige na, umalis ka na"

I smiled at her. Tumayo na ako at naglakad palabas pero bago pa ako makalabas ay tinawag ako ni ate.

"Wait! Anong oras ka uuwi?"

"I dunno. Dadaan pa kasi ako kina mommy," sagot ko sa kanya.

"Oh, ok. Say hi to them for me. It-try kong dumaan doon kapag may oras ako. I'll bring Gian too. Pakisabi yun sa kanila ah!"

"Yah. Sure, sure. Bye!"

"Bye!!" Sigaw niya bago pa ako tuluyang makalabas ng bahay. Napailing nalang ako sa kanya habang nakangiti.
--
Bumaba na ako ng sasakyan pagkadating namin dito sa mall.

"Kuya Justus, mauna na po kayo."

"Sigurado ka ba, iha? Eh hihintayin nalang kita--" Si kuya talaga oh. Haha.

"Nako, kuya. Wag na. Tatawagan ko na lang po kung magpapahatid ako. Sige na po!" Nakita ko namang napailing si kuya. Napangiti naman ako dahil dun.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok. Narinig ko na umandar na ang kotse paalis.

"Clarrissa!" Ang pangalan ko agad ang tumambad sa akin pagkapasok ko sa Starbucks. Aba ang loko, pinamadali akong papuntahin dito.

"Drew." Umupo ako sa harap niya at linagay ang bag ko sa tabi ko.

"Ikaw, bakit ka biglang nawala?" Napatawa naman ako sa itsura niya habang sinasabi niya yun.

"Why? Ang bilis mo naman akong ma-miss. Haha."

"Nung Monday kaya nung pagkatapos nung linggong nagmeeting kayo sa club mo, dinaanan ko pa ang bahay niyo nun para sabay sana tayong pumasok. Pero ang nakita ko lang dun ay si Manang. Ang sabi niya wala ka daw. Yung lang ang sagot niya. Tri-ny ko ring hanapin ang pangalan mo sa class records pero wala." Mahabang litanya niya habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya.

"Wow," pangasar na sabi ko sa kanya.

"Later na explanation Torres. Let's order first." Nakangiting dagdag ko pa. Umiling naman siya.

"I already ordered for the both of us since alam ko na naman ang lagi mong ino-order dito." Pagkasabi niya nun ay saktong may dumating na babae na dala-dala ang dalawang Frappuccino at nilapag ito sa harapan namin.

"Fine. I transferred."

"What?! Agad-agad? Buti tinanggap ka pa! Tsaka, bakit? Is there anything wrong in our school?" Umiling ulit ako sa kanya.

"No, no. There's nothing wrong. It's just that, I can't say no to my parents. Naaalala mo pa ba yung kwinento ko sayo dati? Yung ililipat ako ng parents ko sa ibang school pero not sure when?"

Kinausap ako ni mommy dati na ililipat ako nila daddy. They told me na it's for the best. Hindi na rin ako humingi pa ng iba pang dahilan.

"Ah yeah. So saan ka na nga pala nag-aaral ngayon?"

"Sa----," Naputol ako sa pagsasalita ng biglang may nagring na phone. Napatingin naman ako sakanya.

"Oh sorry. Wait lang," nagmamadali siyang lumabas at sinagot ang tawag. Napailing nalang ako sa kanya at baka girlfriend niya yun.

Ininom ko ang Java Chip Frappuccino na inorder niya sakin. Hmmm. Life.

Kinalikot ko nalang ang phone ko habang naghihintay sa kanya. Si Drew nga pala ay kaklase ko sa dating school na pinagaaralan ko. Siya ang pinakaclose kong kaibigan doon. Bestfriend kumbaga. Siya lang naman kasi ang hindi nakikipagplastikan sakin doon eh. 3 years na rin siguro kaming magkaibigan.

Maya-maya ay narinig kong gumalaw ang upuan sa harap ko. Tinaas ko ang tingin ko.

"Oh? Sino yun?" Tanong ko sa kanya.

"Wala yun. Tara sa Haven High, gusto mo?" Napangiti naman ako sa sinabi niya at tumango sa kanya.

Tumayo na kaming dalawa at naglakad palabas habang dala-dala ang aming iniinom.
--
Bumaba ako ng motor niya sabay hagis sa kanya ng kanyang helmet.

"Woah! Lakas nun ah!" Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Hay. I miss this.

"Oo nga pala Drew," nilingon ko siya. Nag-hum naman siya bilang sagot.

"Wala ba kayong lakad ng girlfriend mo?"

"Nako wala. May sariling lakad sila ng mga kaibigan niya." Tumalikod ako sakanya.

"Hmmm. Ok."

Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito at tinignan.

Ay. Di pala to akin. Naalala kong pinahawakan ni Drew to sakin kanina. Tinawag ko siya.

"Hoy, lalake! May nag-message sayo."

"Talaga? Paki-basa nga." Okay. Ganito kami eh. Binuksan ko ang phone niya.

[1 message from Kylie]

Kylie: Kuya! Lunch tayo sa labas. Sama mo si Ate Clarrissa kung free siya ngayon. Pretty please! Dali na. Ngayong na lang naman ulit tayo makakakain eh. Same restaurant. At lunch, alam mo na yun!

Bigla namang nag-ring ang phone niya at lumitaw ang pangalan ni Kylie dito. Sinagot ko naman ito.

"Kuya! Alam ko namang hindi ka magre-reply eh! Kaya tinawagan nalang kita. Basta kuya ah! Labas tayo. Bring ate Clarrissa. I miss her already." I chuckled after hearing her talk so fast.

"Wait......sino to? Sino kang malanding bruha kang may hawak ng phone ng super-duper gwapong kuya ko?!" Napatawa na ako ng tuluyan sa mga sinabi niya. Nakita ko namang napailing habang tumatawa si Drew. Niloudspeaker ko kasi ang tawag.

"Ouch, Ky. That hurt."

"A-ate Clarrissa?! OMG! I'm so sorry! I didn't mean that! Hala, sorry talaga!"

"Hahaha. Of course. Joke lang yun. By the way, labas tayo ha? Ikaw ang nagyaya!"

"Yup, yup. Same time, same place. No ditching. I promise."

"Same time, same place. No ditching. I promise," Sabay na sabi namin ni Drew.

"Yehey! Sige na kuya, ate. Love you both. Bye!"

"Bye," we both said in unison. Binaba ko na ang tawag.

Kylie is Drew's little sister. 1st year student. Close kami niyan, oo. Lagi nga kaming lumalabas kasama si Drew. Nakagawian na namin sabihin ang mga katagang "Same time, same place. No ditching. I promise."

"So! Let's go to our place. Habulin mo ako!" Sabo ni Drew sabay takbo habang tumatawa na parang baliw.

Napatawa na rin ako kasabay niya sabay takbo para ma-habol ko pa siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*042515

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon