Chapter 9 : "Kuya"

382 4 0
                                    

Chapter 9

"Kuya"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Nagstay muna ako dito sa oval.

Tutal, wala naman akong aabutan sa bahay ngayon kung uuwi na ako dahil may date si ate at kuya Gian ngayon. Scheduled nayun tuwing Biyernes.

Umupo ako sa damuhan at pumikit.

Ang tahimik.

Bakit kaya walang katao-tao dito? Ang ganda nga dito eh.

Amoy na amoy mo ang mga bulaklak. Tsaka hindi masyadong mainit dito dahil sa mga punong nakapalibot at ramdam na ramdam mo ang malamig na simoy ng hangin.

It's been two days simula nung nagpakilala sila Ate Lillias pati yung mga kasama niya.

Haha. May ate at kuya na ako dito. Silang lahat. Para kasing mas matanda sila sa akin eh. Hindi base sa itsura ah. Wala lang, feeling ko lang.

Pero nagtataka parin ako kung bakit hindi nila nabanggit ang mga edad nila. Pwera nalang kay Gabriel at Black na kasing edad ko lang, ata.

Ah. Siguro ayaw lang nilang sabihin dahil mas matanda sila saming tatlo. Hahaha.

"Clarrissa...." Dumilat ako at lumingon sa tabi ko.

Nakita ko ang isang sapatos. Tumingin ako pataas.

"Gabriel?" Ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Ano pang ginagawa mo dito? Uwian na ah." Tanong niya sakin.

"Wala lang, trip ko. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tumingin siya sa harap.

"Mahilig ako tumambay dito. Parang libangan ko na rin kasi ang pagpunta dito eh."

Tumayo ako.

"Ay sorry. Sige alis na ako. Baka makaistorbo pa ako sayo."

Hinila niya ako na ikinagulat ko naman. Napaupo ako bigla.

"Aw! What the hell, aray ha?!"

He just laughed.

"Tawa mo?"

"Pfft. Wala. Bakit ka aalis? Saya nga eh, may kasama na ako." Inirapan ko siya.

Hinila niya ako pahiga.

"Tangna. Bakit ba ang hilig mong manghila?!" Tinignan ko siya ng masama.

Hihiga na nga lang kasi, idadamay pa ako. Tss.

"Seriously, para sa isang babae, ang hilig mong magmura. Ang galing, may side ka palang ganyan."

I stared at him.

"Oh, tapos?"

"Wala lang. Ito naman init ng ulo. Meron ka ba?" Lumaki ang mata ko.

Pinagsu-suntok ko siya sa balikat.

"O-oy! Aray! Tama na! Biro lang eh!" He laughed.

Napangiti ako. Nakakatuwa na maingay pala tong lalaking to.

Ang snob niya kasi sa ibang tao eh. Pati rin naman sila Kuya Nathan.

Magkakabarkada kumbaga. Sikat rin pala sila. Pansin ko lang, maraming 'fans' eh.

Yun nga lang, medyo, ahm, di lang sila namamansin. Pwera nalang dun sa dalawang playboy, si Kuya Rhys at Kuya Mason. Alam na. Hahaha.

"You remind me of someone...."

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon