Chapter 33 : It's Time

261 5 0
                                    

Happy Valentine's Day mwa :*

xoxo, Ali

~~~~~

Chapter 33

It's Time

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clarrissa's POV

I parked my car at a free space. Rinig na rinig dito ang ingay na nagmumula sa loob. Tss. Pumasok na ako dito. Kung hindi aamin ang mga nakuha nilang underlings at si Caiden, ako mismo ang kakausap sa kanila. Oh diba? Mas mabilis.

Tumigil muna ako sa isang sulok at nanood sa kaganapang nangyayari. Nasa loob ng bilog ang tinatawag nilang ReOw. Kahit ako di ko alam ang ibig sabihin ng pangalan nila pero malalaman ko rin yan.

Nakita kong binuhat nung isang lalaki yung isang babae-- wait what? At tsaka niya ito binato sa kung saan man.

Nagsimula na naman silang magingay. Napailing nalang ako. Tuwang-tuwa talaga sila dito ano? Kahit babae pa yan wala silang pake. They're gangsters. Right. Nakita kong madaming pumunta sa gitna at hinila paalis doon yung mga nakahilata na. I mean yung mga napabagsak na nung ReOw.

"Ano?! May lalaban pa ba?! Wala?! Ha! Mga duwaaaag!" Ingay. Hinulog ko yung basong hawak ko na nakuha ko kanina sa nagiikot na lalaki. Natahimik ang lahat at napalingon sakin.

Oh? Narinig pala nila iyon, e ang lakas ng ingay nila kanina ah? I raised my hand then waved once. Naglakad ako palapit sa gitna. Lahat ng nadadaanan ko ay tumatabi. Nothing can be heard except for the clicking of my heels.

Tumigil ako sa harap ng lalaking sumisigaw kanina. I smirked at him. Nagsilapitan naman ang mga kagrupo niya sa kanya.

"Nako, mukhang masarap to ah." Like, I know right.

"May pulutan na tayo!" Ew. Dalawa lang yan sa sinabi nila. Ayoko nang isa-isahin.

"Dem, kayo ng bahala dito. Manonood nalang kami, kaya niyo na yan." Sabi nung isa nilang kasama. Umalis silang anim at nagiwan ng tatlong lalaban. Ha! Tignan natin.

"Celeste. Kebago-bago mo lang kung maka-asta ka kala mo kung sino ka!" Sabi nitong Dem.

"Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling pa ako. Galit naman siyang tumingin sakin.

Susugurin na sana niya ako ng makarinig kami ng sigaw na nagmula sa aking likuran. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sandaliiiii! Sasali kami!" Itinaas ko ang palad ko na sinasabing "tumigil sila". Weird diba? Ok. I mean, sign lang yun.

Narinig ko parin ang mga yapak nila. Ah. So hindi sila tumigil? Iwinasiwas ko ang kamay ko sakanila. I heard gasps from the others. Liningon ko sila na ulo lang ang aking iginalaw.

"Sasali kayo?" Mahinang tanong ko. Nakita kong umiling silang lima. Kung makikita niyo sila ngayon, medyo weird. Dahil iba-iba sila ng tayo. Iniwasan kasi nila ang mga kutsilyong binato ko. Cobra.

"Ayan," humarap ulit ako sa aking kalaban, "Ok na." Mapang-asar na saad ko. Napansin ko ang pagiiba ng ekspresyon ng mukha niya. Nice.

"Aaaahhh!" Tumakbo silang dalawa patungo sa akin. Nagpapahuli yung Dem. Tsk.

Yung isa ay sinubukan akong sipain sa aking hita pero hinawakan ko ito at hinila pero shet. Malakas sila. Nakipaghilahan siya ng paa niya sakin, pero sa huli ay natangay niya ako. I saw him smirked. Tss. Dahil ng natangay ako, nakarating na ako sa ilalim niya. Doon ko na binitawan ang kanyang paa at dumaan sa ilalim niya at hinila ang dalawa niyang binti tsaka ako tumayo patalikod at ibinagsak siya ng malakas. Napa-"ooohh" naman ang mga tao.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon