Chapter 12

292 2 0
                                    

Chapter 12

~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

Dadalhin ko kaya itong mga dagger? Sige na nga. Dadalhin ko na lang. Nilagay ko ito sa sulok ng bag ko.

Eh itong kahon? Hindi naman akin ito eh. Bakit ko dadalhin? Eh kasi naman nasa sofa ko eh. Dadalhin ko na nga.

Tulog pa siguro si ate pagkadating ko doon. Ay mas maganda para surprise, diba?

Lumabas na ako ng condo ko at sumakay ng taxi. Pagkatapos ng mga sampung minuto, nakarating na kami sa tapat ng subdivision namin.

Aba, ayoko ngang sa tapat mismo ng bahay bumaba, malalaman ng taxi driver na to kung saan ako nakatira. Binayaran ko na si manong at naglakad patungo sa bahay.

Hindi pa mainit ang araw ngayon kasi maaga pa. Gising na kaya si ate? Impossible naman ata. Kasi naman sa pagkakaalam ko, hindi yon nagigising ng maaga.

Binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo saglit.

Pagkatapos kong magbihis ng pangbahay, pumunta ako sa tapat ng kwarto ni ate. Kumatok ako sa pintuan niya.

"Ate?" Walang sumagot.

Ay, malamang tulog pa.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob.

Tinawag ko ulit ang pangalan niya.

"Ateeee?" Lumapit ako sa kama niya. Kinapa-kapa ko ito. Teka...

Walang tao? Saan naman pupunta si ate ng ganito kaaga? Sabi niya kahapon may pupuntahan siya ngayong araw. Ang aga naman ata?

Umupo muna ako sa swivel chair sa study table niya. Anong oras naman kaya siya uuwi? Naghintay muna ko ng ilang minuto sa kanya. Pero mukhang mamaya pa ata siya dadating.

Ang dilim naman dito. Napatigil ako sa paglalakad palabas ng kwarto ng makarinig akong may tumigil na kotse sa tapat. Siya na kaya yun? Sumandal muna ako sa pader dito sa may pintuan, Ay, nandito pala ang switch ng ilaw?

Mamaya ko na nga bubuksan pagkadating ni ate. Nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa kinatatayuan ko.

May naramdaman akong kakaiba.Hindi ko alam kung bakit. Ang creepy ko ah. Para namang may mangyayari.

Alam kong madilim dito sa loob ng kwarto pero may nakikita parin ako. At sigurado akong apat ang tao sa kwartong ito at isa na ako duon.

Meron kasing tatlong babaeng pumasok dito. Nakaalalay yung dalawa sa isa. Teka.....

"Buksan niyo nga ang ilaw." Narinig kong utos nung isa sa kanila.

Boses yun ni ate ah? So I'm right. Siya nga yung inaalalayan.

"Asan ang switch?" Tanong nung isa sa kanila.

When she asked, I suddenly had the urge to speak and do something.

"Nah. Let me do it for you." I said then I turned the switch on.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

**010415

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon