Chapter 43 : Gaile Martin

74 3 1
                                    

Chapter 43

Gaile Martin

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

"Shit."

Napahawak ako sa ulo nang sinubukan kong tumayo mula sa aking pagkakahiga. Hindi ko na muna binuksan ang aking mga mata at hinayaang humupa ang sakit ng ulo ko. Isa pa, nasisilaw ako sa liwanag na sa tingin ko ay nagmumula sa araw sa bintana dahil sa init nito. I groaned as I turned around.

I moved my hands on the bed, searching for something at nang makapa ko na ang hinahanap ko ay malakas ko itong pinaghahampas. Umungol ito at naramdaman kong nagtakip ng unan sa mukha.

"Hmm. Ow! Ano ba." Hinampas ko pa ulit ito nang umangal pa ito.

"Isarado mo ang bintana," Inis na sambit ko dito. Hinampas niya rin ang kamay ko at lumayo pa sa akin.

Sisigaw na sana ako sa kaniya ngunit nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng kuwarto. Hinayaan ko lamang ito at nang bumukas ang pintuan, agad akong lumuhod mula sa pagkakahiga at napansin kong ganun rin ang ginawa ng aking katabi.

"Who the--" Hindi ko na naituloy ang binabalak na sabihin nang makita ko ang gulat na mukha ni Ate Sky.

"Ate? Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko dito. Palipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa ni Drew.

Napabuntong-hininga nalang ako at ibinaba na ang baril kong hawak. It was a reflex action na itutok ito kanina. Muli kong ibinagsak ang katawan sa kama.

Napaurong ako sa hampas ni Drew sa akin.

"What?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Tumayo ka muna diyan!" I tsk-ed and then looked at him. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Topless while wearing the same jogging pants he was wearing yesterday. Ibinalik ko ang tingin kay ate. Basing from her reaction, I guess she's probably thinking of something green.

"Ate, will you please leave and close the door behind you?" Hindi kumilos si ate.

"Now." Matigas kong sabi at mukhang dun lang siya natauhan at nagmamadaling sumunod ng walang sabi-sabi.

I took this time para suriin ang sarili ko. I'm wearing an oversized shirt. The same shirt Drew was wearing yesterday. Itinaas ko ang kumot na nakatalukbong sa akin at nakitang wala na akong pangibabang suot.

Well, except for my underwear but since mahaba ang damit kong suot at hanggang tuhod, natatakpan nito ang nga hita ko. Napasapo ako ng noo at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

"Let's play a game, Clarrissa."

"This's mine." Saad ni Drew kasabay ang pagkuha sa isa sa dalawang basong nakahanda sa aming harapan. Inirapan ko siya at inabot ang tinira niyang baso.

"Fine. Eto na lang ang akin."

"Wala ng bawian ah. Whoever wins, gets a favor from the other." Iwinasiwas ko na lang ang kamay ko sakanya at tuloy-tuloy na ininom ang hawak. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paginom rin ni Drew.

Naghintay kami ng ilang minuto habang nagkakatitigan. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pag-ikot ng paligid. Napamura na lang ako ng mahina.

"So I lost, huh."

"Seems like it." Kibit balikat nitong tugon. Huminga nanaman ako ng malalim.

"We didn't do anything weird, right?" I heard Drew laughed sa sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon