Chapter 5 : His Sister

445 7 0
                                    

Chapter 5

His Sister

~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLARRISSA

"Ate Clarrissa....." I raised my head.

Oh sht.

"What the hell are you doing Claire?!" Ang lapit ng mukha niya sakin.

"Wala lang ate. Did you cry?"

"N-no! Why would I even cry?"

"Wala lang ate," Lumayo na siya sakin. "Janna, anong oras na?"

"Uhm, break na." Claire nodded at her.

I felt my phone vibrated. I excused myself and went out then answered the call.

"Hello?"

"Clarrissa!" I looked at the caller. Kuya Gian?

"Oh kuya, napatawag ka?"

"Patulong." Saan naman?

"Asan si ate?"

"I don't know. Papasama nga ako sayo hanapin siya eh."

"Oh, ok."

"Asan ka? Puntahan kita."

"Ah kuya! Wag na! Magkita nalang tayo."

"Ok sige. Uhm. Sa cafeteria nalang. Sa 1C ha! Sige, sige bye!"

"Ay shit. Kuya wai---" He already ended the call.

Tsk.

Pumasok nalang ulit ako sa loob. Ang ingay nako.

Tinignan ko ang buong kabuuan nitong training room.

Pagkapasok na pagkapasok mo dito, ang una mong makikita ay ang isang malaking mesa. Sa isang tabi naman ay ang mga bow and arrow. Sa kabilang banda ay ang mga target. Iba't ibang layo mula kung saan ka pu-pwesto para tumira. Sa dulo naman ay ang mga upuan. At malapit dito ay isang pinto na hindi ko naman alam kung saan patungo.

"Ate Class!" Lumapit ako sa kanila.

"Oh, Karmin. Saan punta mo?"

"Sa 1C ate. Ginawa kasi akong alipin nitong mga to eh, bibilhan ko ng maiinom. Samahan mo ako."

"Sige. Aalis na rin ako eh. Doon kami magkikita nung kasama ko" I said while fixing my things.

"Aalis ka na?" Claire asked.

"Yes. Babalik nalang ako mamaya."

"Ha? Ay sige na, wag na. Aalis kami dito mamaya eh." Anyare sakanya? Bakit parang nataranta?

"Magkita nalang tayo mamaya, Clarrissa. Text kita kung saan." Singit ni Lillias sabay abot sakin ng phone niya. Naintindihan ko naman kaya't kinuha ko ang phone niya at linagay ang number ko dun.

Pagkatapos kong isave, ibinalik ko naman sakanya agad.

"Oo nga pala, asan sina Janna, Angel, at Daphne?" Tanong ko. Napansin ko kasing wala na sila dito.

"Ah. Umalis na kanina. May pupuntahan ata yung tatlo." Sagot naman ni Sapphire.

"Sige na ate Class. Tara na." Tumango ako kay Karmin at nagpaalam na.

Ilang minuto kaming naglakad bago makarating sa sinasabing '1C'. Sabi ni Karmin, apat kasi ang cafeteria dito. Kaya may 1C, 2C, 3C, at 4C.

Pagkadating namin, unang nahagip ng mata ko si Kuya Gian na nakaupo sa isang lamesa habang kinakalikot ang kanyang phone.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon