Chapter 23 : So this is it?

273 4 0
                                    

Chapter 23

So this is it?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"We're here." Pagkasabi ni Kuya Sed ay binuksan ko ang pinto sa tabi ko. Inayos ko ang suot kong headband at bumaba na ng kotse.

Tumabi rin ako para makadaan sila Kuya Hill. Tumabi silang lima sakin.

"Clarrissa, masyadong delikado para sayo dito. Kailangan mong mag-ingat." Tumango lang ako kay kuya Justus.

"Bakit ang daming nakatingin sa inyo?" I heard kuya Maht chuckled.

"Di talaga yan maiiwasan kapag gwapo."

"Gago!" Sabat naman ni Kuya Blaster sa kanya. Napailing nalang ako. Pumasok na kami sa loob. Inikot ko ang paningin ko.

Malaki ang loob. May parang bar sa gilid. May malaking space sa gitna. Mga upuan na nakapalibot dito. May second at third floor pa siya. Hindi ko nga lang alam kung anong meron doon.

Tinignan ko ang relo ko. 4:30 pa lang naman.

"Tara doon tayo." Pumunta kami doon sa isang paikot na sofa sa may bar. Nang makaupo na kami, ay may lumapit na babae samin. At naglapag ng mga hindi ko alam na inumin na nakalagay sa isang maliit na baso.

Pagkatapos niya yun ibaba ay umalis na siya. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Caiden.

"Yow, boss!"

"Asan ka?"

"Andito parin boss. Ikaw, asan ka? Bakit parang maingay diyan?"

"Ano kasama mo parin ba yung babae kanina?" Pagiiwas ko sa tanong niya.

"Hindi na haha. Ay sandali lang boss ah..... Caiden, nandiyan na pala ang Cobra Gang..... Sigurado? Asan sila?..... Ah sige, sige. Sino yung babae?..... Hindi ko kilala eh." Narinig ko sa kabilang linya na may kausap siya. Cobra Gang? Ano yun?

Tinapik ko si Kuya Justus na nasa tabi ko. Tumingin siya sakin.

"Doon lang ako." Tinuro ko ang bar.

"Huh? Wag na. Baka may kung sino pa ang maisipang pagtripan ka eh." Umiling ako.

"Malapit lang naman kayo eh. Tsaka kaya ko ang sarili ko." Nang akmang magsasalita pa siya ay inunahan ko na siya. "Hindi ko nakakalimutan na nasa lungga ako ng mga malalakas na tao. Dali na kasi." Bumuntong hininga naman siya.

"Oo na, sige na." Napangiti ako at pumunta na doon. Umupo ako sa isang stool doon. At humarap sa gitna.

"Boss, sorry. Nga po pala, paano mo nalaman yung event mamayang 5pm?"

"You know me, Mark."

"Hahaha! Ofcourse I know you." Kasabay ng pagtawa niya ay napalingon ako sa isang lalake na tumatawa ng malakas habang umiiling-iling pa. Teka, is that Caiden?
He's drinking something at pagkalapag niya ng baso ay ang pagtitig niya sakin. Bahagya pa akong nagulat dahil dito. Don't tell me, nakilala niya ako.

Nagisip ako ng paraan para hindi niya ako makilala. Clarrissa, isip, isip. Ah!

I looked at him then I smiled seductively. Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya at dali-daling tumalikod. God, I can't believe I really did that.

"Caiden." Narinig kong umubo siya

"Y-yes boss?"

"Talk to you later. Bye." Pasimple kong ibinaba ang phone ko at pinindot ang end call para patayin ang tawag. Napabuntong-hininga ako.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon