Chapter 28 : My Own Fight?

247 5 0
                                    

Chapter 28

My Own Fight?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clarrissa's POV

Dinala ko si Drew sa oval. Dito kasi tahimik at walang istorbo.

"Torres?"

"Hmmm....?"

"Magkakilala kayo ni kuya Gian?" Nakapikit kong tanong sa kanya.

"Oo. Diba kilala mo ang kuya ko? Kabarkada niya." Narinig ko ang tunog ng halaman sa likod.

"Eh si Jian? Kilala mo?" Naramdaman kong umupo rin siya sa harap ko.

"I heard they're soon-to-be married."

"Saan mo nalaman yan?"

"Are you doubting me?" Dumilat ako at tinaasan siya ng kilay.

"I'm just asking." Napailing siya pero sinagot naman niya ang tanong ko.

"I just overheard Jaim and Jian talking about some marriage thing then BOOM!" Tumawa siya.

"Uy rhyme yun ah!" Dagdag pa niya. Kinunotan ko siya ng noo.

"Magkalapit lang ng spelling eh. Rhyme daw. Ang layo kaya." Inirapan niya ako.

"Edi wow!" Napangiti ako.

"Wala ba kayong klase ngayon?" He shrugged.

"Wala." Lumipat ulit siya sa likod ko at dito naupo.

"Dating gawi, ano?" Tumawa lang ako sa kanya.

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Napapikit naman ako dahil sa ginawa niya. I heard him chuckled.

"Inaantok ka na no?" Tumango lang ako kay Drew.

Mason's POV

"This is getting interesting. Same likes?" Nakangisi kong saad.

"Ooohh, yeah. I just hope na she's not just pretending, right Black?" Lumingon si Rhys. Sumunod rin ako.

Pagkalingon ko ay nakatalikod na si Black at nagsisimula nang maglakad paalis.

"I hope so too," pahabol pa nito bago tuluyang umalis. Ibinalik ko ang tingin ko kay Clarrissa.

Who are you? Really?

--

Clarrissa's POV

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at tinawagan si Lair.

"Ma...."

"Lair? Papunta na ako."

"Ma, you can't go here yet."  Saglit naman akong natigilan dahil dun.

"What? Why?"

"Its not yet time ma."

Napabuntong-hininga ako. Fvck time. Time is alaways the problem. Damn.

"Sige. Pero, anak. Always tell me what happened throughout your day, a'right?"

"Ofcourse, ma. I love you!"

"Bye Lair. I love you too." Hinintay ko muna niyang ibaba yung tawag bago ko tinago yung phone ko.

Inikot ko ang manibela pakaliwa para magu-turn. Didiretso nalang ako sa condo.

Maya-maya, narinig kong nag-ring ang phone ko. Tinignan ko ito.

Kuya Justus calling.......

Bakit kaya? Sinagot ko ito.

"Hello?"

"Clarrissa! Kailangan ka namin!"

"Huh? Kailangan? Namin? Ano?"

"Sa Underground. Nag-set sila ng laban at ikaw ang lalaban! Sinubukan namin pigilan ang guild pero ayaw nila. Hindi daw nila matanggihan ang gusto ng iba." Guild? Ano yun? Wala akong maintindihan.

"Teka, ako? Lalaban? Why?!"

"You see, kapag may bagong mukha sa Underground, gusto itong makalaban ng iba. Kumalat pa ang laban mo na nangyari sa parking lot! Kaya the guild also can't say no because they also want to test you!"

"So? What do you want me to do?"

"If we can't stop them, you can. Since ikaw naman ang lalaban, baka pagbigyan ka nila. They also can't set up a fight without your consent. Or unless...."

"Unless what?" Suspense pa. Sus.

"Unless the guild is the one who set this up or they agreed to it. At ang kaso natin ngayon, sumangayon ang guild sa laban." May gagawin ba ako ngayon? Wala naman ata.

"You know what? Lalaban ako."

"Ano?!" Pinatay ko ang makina at bumaba ng kotse. May pinindot ako sa remote na nag-lock ng kotse. Pumasok ako ng building na nasa harap ko ngayon.

"Ay puta!" Katangahan at its finest. Bakit pa ako natapilok dito? Carpet na nga lang eh. Tsk.

"Hello?" Ay may kausap pa pala ako.

"Ah oo. I'll meet you guys later sa Underground. What time?"

"Teka, kaya mo ba?"

"Oras ang hinihingi ko. Mamaya, alas-tres pala yan eh alas-kwatro na."

"5pm."

"Thanks!" Agad-agad ko ng pinatay ang tawag at sumakay ng elevator.

Ay bwisit daming tao. Pinagtyagaan ko nalang hanggang makarating kami ng 5th floor. Nilakad-takbo ko na ang unit ko dahil alas-kwatro na. Binuksan ko ang pinto at pagkapasok ko ay nilock ko ito.

Naligo ulit ako. Pagkatapos kong maligo humarap ako sa damitan ko.

Nagsuot ko ng isang ripped skinny jeans at black leather jacket. Sa ilalim naman nito ay nagsuot rin ako ng itim na sports bra.

Lumapit ako sa isang drawer at kinuha ang isang itim na mouth mask para matakpan ang ilalim na parte ng mukha ko. Kinuha ko ang nakalabas na black combat boots sa may lamesa at sinuot ito.

Humarap ako sa salamin. Anong gagawin ko sa buhok ko? Initiman ko nalang muna ang eyeliner ko at kinapalan ko na rin ang eyelashes ko para kahit konti ay hindi ako makilala doon. Inayos ko nalang ang buhok na maging messy bun.

Ayan tapos na. Ay wait. Binuksan ko ulit yung drawer at kinuha yung itim na box. Kinuha ko mula sa loob yung isang dagger na mas light yung pagka-pula at nilagay ito sa loob ng sapatos ko. Kinuha ko rin yung kwintas at sinuot ito.

Uy sorry sa kung sino man ang may nagmamayari nito. Hihiramin ko lang saglit ah? Zin-ipper ko yung jacket ko. Linagay ko naman yung kwintas sa loob nito. I didn't wear this to show this off. Feeling ko lang good luck siya.

Napangiti ako sa sarili kong repleksyon at kinuha ko na ang phone ko at kaunting pera pati na rin ang susi at ID ko sa unit ko.

--

Dinaanan ko muna ang bahay ni ate para magpalit ng kotse ko. Ito ang ginamit ko papunta sa Underground. Tinignan ko ang wristwatch ko. 4:30 na? Bilis naman.

Nasabi ko na bang meron ka pang ibang madadaanan bago makarating sa Underground. May madadaanan ka pang parang village then dadaan ka pa sa gubat sa loob nun. Maliligaw ka rin doon kung hindi mo ito kabisado.

Ako naman, naalala ko pa naman ang daan papunta doon. Kaya sigurado akong makakarating ako doon ng ligtas. Ligtas nga ba? Ay kailangan kong kumatok sa kahoy. Pero walang kahoy, ano ba yan. Tsk.

Whoo! Kaya ko to!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*081615

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon