Chapter 35 : Empires' Ball

202 3 0
                                    

Chapter 35

Empires' Ball

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hello, ma?"

"Aubrey, are you done?" Inipit ko sa tenga ko ang phone ko at sinuot ang 7 inches heels ko.

"Not yet. Why?"

"Remind lang kita. You're under our family's Empire. At, you better disguise yourself and make sure no one will recognize you. You can't use your mask during the event. Hindi ka makakapasok. Everyone in the empires knew each other so no use of wearing masks for them. Magmumukha kang kahina-hinala kung magtatago ka ng mukha mo." Napatango ako sa sinabi niya kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"Okay. Anything else?"

"Just take care and watch your back." Napangiti ako.

"Of course, I will. Bye." Binaba ko na ang tawag at hinarap ang salamin.

Okay. Anong ayos ng buhok ko. Ah. Kumuha ako ng ilang hibla ng buhok ko mula sa harap at pinaikot ito sa likod ng ulo ko at ginamitan ng pin. Ilang beses ko itong pinaulit-ulit hanggang buong ulo ko ay nalagyan na nito. Kinulot ko nalang ang mga natirang buhok ko mula sa ilalim. Ayan.

Binuksan ko ang drawer ko at kumuha ng tatlong bulaklak ng itim na rosas at inipit ito ng magkakasunod sa buhok ko. Humarap ako uli sa salamin.

I'm wearing a black and white tube cocktail dress na mahaba ang likuran. Naglagay rin ako ng heavy makeup sa mukha ko. Ano ba yan. Nawalang saysay pa tuloy yung pag-lagay ko ng mask tuwing pupunta ng underground kung mae-expose rin ang mukha ko. Tsk.

Tinakpan ko rin ng make-up ang marka ko sa right side ng likod ko at ang isa pa sa left side ng chest ko.

Oh. Remember yung nagpa-tattoo sila kuya Justin at sinama nila ako? (Chapter 32 : Story)

Hindi na ako nagpalagay nung araw na yun. Yung koronang sinabi ko nun ay hindi na tinuloy. Ako ang nagdrawing ng ilalagay sa kanila. Isang paru-paro na may dalawang apoy sa gilid. Triangulo ang shape nito. Kumbaga, ang paru-paro ay nasa taas at ang dalawang apoy ay nasa ibaba. Tugma talaga ito sa tattoo ko above my left breast na ako lang ang meron. Ang pagkakatugma nito ay nagpapakita na sila ay nasa ilalim ko.

Ganito kasi yun, kung underling ka, dapat may tattoo kang kapareho ng pinuno mo.

Dahil nga bumalik na ang mga memorya ko, naalala ko na, na may iba pang may tattoo katulad nung inilagay ko kila kuya Justin dahil marami na akong tauhan dati pa.

Let's see if they're still loyal to me.

Nagtago ako ng iilang mga daggers sa iba't ibang parte ng katawan ko. Well, I have many pockets attached in my dress. Nagdala ako ng isang black clutch kung saan nakalagay ang phone ko, keys and isang baril.

Nandito pala ako sa bahay nila mommy at daddy. Hindi ako pwedeng magayos ng sarili ko sa bahay ni ate. I'm sure andun siya pati yung mga kasamahan niya. Sila mommy at daddy naman ay nasa ibang bahay. Of course, Head of the Empire dapat andun na sa venue.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Hindi na ako naglagay ng contact lens at hinayaang lumabas ang totoong kulay ng buhok ko sa ayos nito. Okay na yan.

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon