Chapter 22 : 5:00 PM

267 4 0
                                    

Chapter 22

5:00 PM

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clarrissa's POV

Naglalakad na ako palabas ng gate ng AU nang mapatigil ako saglit at napagisipang dumaan sa TG #6.

Tinignan ko ang relos ko sa kanang pulso ko.

3:45 PM

Nag-iba ako ng daan at pumunta na sa Training Grounds. Pagkadating ko dito, lumingon-lingon ako sa likod. Marami pang estudyante dito kahit uwian na. Sabagay, ako nga eh, di pa umuuwi.

Binuksan ko ng maliit ang pintuan sa loob. Sumilip ako. Walang tao? Pumasok nalang ako at dumiretso sa isang mahabang upuan sa loob. Nilapag ko ang bag ko sa sahig at nahiga sa upuan.

Pag nagsimula pa naman akong mahiga, tinatamad na akong tumayo.

Kumuha ako ng buhok ko mula sa gitna ng ulo ko. Tinignan ko ang iilang strands mula sa hawak ko. Kulay pula.

Dalawa ang kulay ng buhok ko. Dark brown at pula. Dark brown is the natural color of my hair. Ewan ko lang sa pula dahil kokonti lang ang strands ng buhok kong kulay pula.

Kung percentage ang pagbabasehan, 80% ang dark brown at 20% ang pula. Tago ang buhok kong kulay pala. Makikita lang ito kung ilalabas ko siya. Nakalagay siya sa parteng natatabunan ito nung buhok kong kulay dark brown.

Sinubukan ko na rin siyang kulayan pero lumalabas pa rin ang tulay na kulay nito. Parang nagiging transparent ang kulay na ipinapatong ko. Hindi ko alam kung bakit to ganito.

Kung tititigan mo ito, its just light red na nagmumukhang violet sa unang tingin. Tinitignan ko lang ang hawak kong buhok ng may bigla akong maalala.

Nilabas ko ang phone ko at tinignan ang message ni ate kanina.

Ate Sky: Yeah. So mamayang 5pm? Ang aga ngayon ah. Sige, sige. The usual meetup place. Understood?

What's with 5pm later? How could she send me a message that is supposed to be for someone else?

Could it be? Hinanap ko ang pangalan ni ate sa logs at dinial ito.

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ko naisipan tigilan ang pagtawag. Bakit hindi siya sumasagot?

Is this about... Oh no, no.

Sinubukan ko ulit tawagan si ate pero no answer pa rin eh. Teka, may number pala ako nung dalawa niyang kasama last time.

Kinuha ko ang phone number nilang dalawa sa phone ni ate last time. Wala nga lang pangalan sa contacts ko. Nilagay ko nalang dun ay (.) since I don't know their names.

Tinawagan ko ang isa. Hindi sumagot. Yung isa naman ang tinawagan ko. Hindi rin sumasagot. Teka, ano ba talagang meron?

Naalala ko bigla si Caiden. Baka may alam tong isang to. Siya ang sunod kong tinawagan. Pagkatapos ng ilang ring tsaka niya sinagot. Napaupo ako dahil dito.

"Caiden!"

"Sino ka?" Napakunot ako sa boses na narinig ko. Tinignan ko ang pangalan ng tinatawagan ko. Tama naman ah.

"Ikaw, sino ka?"

"Teka, let me assume. You're one of his girls, right?" What the-- No I'm not!

"Just tell me who the hell are you and give the damn phone to him."

"Nah uh. Ako ang nauna sa kanya ngayon so back off b*tch." Aba! Bwisit tong babaeng to ah! Arghh!

Different Side of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon