Kakatapos lang ng huling klase ko dito sa Willford Academy. Ika-apat na taon ko na dito sa eskwelahan na ito which means graduating student ako.
"Prai, kita nalang tayo bukas ha? Ingat sa daan!"
"Sige, ikaw din!" paalam ko sa kaibigan ko na si Liz.
Lumabas na ako sa klase at dumiretso na palabas sa eskwelahan. Pumara ako ng taxi at sinabi ang aking destinasyon. Nung makarating na ako sa harap ng aming bahay ay inabot ko na sa tax idriver ang aking bayad at lumabas na.
Napansin ko na bukas ang gate ng aming bahay kaya dumiretso na sa pinto.
Baka nandito na si mama.
Binuksan ko naman agad ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.
Magulo ang buong bahay. Nagkalat ang mga basag na vase at iba pang kagamitan. Bigla akong kinabahan.
Teka si mama.
Binilisan ko ang paglakad ko dahil hindi ko gusto ang nararamdaman ko.
"Ma! Nasaan ka?" Malakas na pagtawag ko.
Pumunta ako sa kusina ngunit wala siya dun. Katulad din ng nakita ko sa sala—magulo din doon, at parang hindi ko na makilala ang itsura ng kusina namin. Patuloy ko pa rin tinatawag ang pangalan niya ngunit walang sumasagot. Umakyat ako sa kwarto at tinignan siya sa doon.
Ngunit wala si mama.
Kailangan kong humingi ng tulong. Natatakot ako baka kung ano nang nangyari sa kaniya.
Kinuha ko ang selpon ko sa bag at nang ida-dayal ko na sana ang numero ng police station ay may lumitaw na isang lalaki sa harapan ko.
Nabitawan ko ang selpon na hawak ko at napa-atras. Nakasuot siya ng itim na damit at nakatakip ang mukha nito. Tanging mga mata at bibig lamang niya ang nakikita ko.
"Si-sino ka?" Kahit kinakabahan ay pilit ko pa rin pinatatag ang sarili ko.
Kinilabutan ako nung ngumiti siya.
Umatras ako pero palapit siya ng palapit sakin. Nakita kong may lumabas na maliit na kutsilyo sa kaniyang kamay.
Saan nanggaling yun?
"Huwag kang mag-alala binibini, madali lang ito." sambit pa nito habang nakangiti.
Hanggang sa nakarating na ako sa dulo. Wala na akong aatrasan. Im trapped.
"Nasaan si mama? I-ikaw ba ang kumuha sa kaniya?"
"Oo pinatay ko na ang mama mo. Ikaw naman ang susunod ko." sabi nito at sumeryoso ang mukha.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Natatakot ako pero mas nangunguna pa rin ang galit ko. Galit sa taong nasa harapan ko ngayon.
Pinatay niya si mama. Si mama lang ang naging kasama ko buong buhay ko. Mula pagkabata ko ay hindi niya ako hinayaan.
"Ang sama mo!" Malakas na sigaw ko.
"Tama ka. Kaya simulan na natin." sabi pa nito.
Gusto kong mawala na parang bula ang lalaking nasa harapan ko. Gusto kong mahirapan siya!
Nakita kong itinaas na niya ang kutsilyong hawak niya at akmang isasaksak na niya ito sakin ng biglang may liwanag na pumalibot.
Katapusan ko na ba? Maganda na siguro ito. Magkikita na kami ni mama.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action
