14. New Dorm

8.4K 319 17
                                    

Natapos na ang fireworks display.

"Nakaka-enjoy talaga kapag may ganitong event no?" Sabi ni Abby. Sumang-ayon naman kami sa sinabi niya.

Nag-uusap ngayon sina Ulysses at Crimson sa likod habang kaming apat ay magkaharap. 

"Hanggang alas-dyes lang tayo dito." sabi naman ni Francis. 

"Oo nga eh 9:30 na so meron pa tayong 30 minutes. So ano ng gagawin natin?" tanong ni Sophy.

"Kwentuhan?" suggest ko naman. Tumingin naman sila sa akin.

Sabay-sabay naman kaming tumawa "Oo nga no? Bat di natin naisip agad yun haha." sabi ni Sophy.

Ito na siguro yung tamang oras para sabihin ko sa kanila ang tungkol sa paglipat ko.

"May sasabihin pala ako sa inyo." panimula ko. Nakuha ko naman ang atensyon nila at tumingin sa gawi ko.

"Parang kinabahan naman ako sa sinabi mo." sabi ni Abby na natatawa.

"Ako din eh ang seryoso kasi." sabi ni Abby.

"Tumigil kaya muna kayo dyan para naman masabi na niya. Mga babae talaga." sabi ni Francis na napakamot pa ng ulo. Tumigil naman yung dalawa kakasalita.

"Masaya ako at nakilala ko kayo. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Unang pagtapak ko palang dito sa academy kinakabahan ako kasi iniisip ko paano ako mag-adjust? Magiging katulad lang ba ito ng dati kong eskwelahan? Pero nagkamali ako kasi ibang-iba dito. Dito may mga mahika na siyang nakakapangibabaw sa lahat. Kaya pala nung nasa mundo pa ako ng mga mortal feeling ko naiiba ako sa kanila yun pala dahil may mahika ako. Pero kahit ganun thankful pa rin ako kasi nakilala ko dun yung isang tao na tinuring akong kaibigan. Nakasama ko rin yung mama ko. Pero malaki din ang pasasalamat ko dahil nakatapak ako sa eskwelahan na ito dahil nakilala ko kayo. Gusto kong sabihin na mahalaga kayo sa akin at mahal ko kayo." Mahabang salaysay ko. Medyo naiiyak pa nga ako pero ayaw ko ipahalata sa kanila.

"Para namang nagpapaalam ka na sa lagay na yan haha." sabi naman ni Abby. Si Francis ay tahimik lang samantalang si Sophy ay parang naiiyak sa sinabi ko.

Nginitian ko naman sila. "Kahit na anong mangyari bestfriends ko pa rin kayo."

"Syempre naman no! Hindi na yan mawawala. Bestfriends forever!" malakas na sabi ni Sophy.

"Oo nga." sang-ayon ni Abby na parang naiiyak na din ito.

Masakit man sabihin pero kailangang ko ng masabi sa kanila dahil ito ang nararapat. "Lilipat na ako sa Superior." Nakita ko kung paano sila nagulat sa sinabi ko. "Kinausap ako ng headmaster kahapon at ang sabi pagkatapos ng festival ay kailangan ko ng lumipat." dagdag ko. Kinagat ko ang labi ko dahil pinipigilan kong huwag maiyak.

"Pero paanong.." napahagulgol naman si Sophy.

Nakita ko rin na nagpupunas ng mata si Abby. Si Francis ay nakatingin sa ibang direksyon.

"I'm sorry." sabi ko. Bigla naman akong inamba ng yakap ni Sophy.

"Ano ka ba! Hindi moa kasalanan. Pero masaya ako para sayo yun nga lang mamimiss kita." humigpit pa ang yakap nito sa akin. Dahil dun ay hindi ko na mapigilan ang luha ko at tuluyan na itong bumagsak. 

Yumakap na din sa akin si Abby. "Basta ha, kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami." sabi nito. Magkayakap kaming tatlo at nag-iiyakan.

"Mamimiss ko din kayo. Basta susubukan kong bumisita sa inyo kapag may oras." 

"Promise yan ha." sabi ni Sophy.

"Hmmn" sagot ko naman.

"Ang pangit na natin oh. Ano ba yan! Nagmake-up pa naman ako." sabi ni Abby habang pinupunasan ang mata niya gamit ang daliri. Kumalas na  rin kami mula sa pagkakayakap.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon