Pinapasok ko naman siya sa loob. Umupo siya sa wooden chair habang ako ay nakatayo lang at nakatingin lang sa kaniya.
"Uhm anong maiinom ang gusto mo?" tanong ko.
Umiling naman ito. "I just want to check on you." sabi nito. Nakatingin siya sa picture na nakalagay sa table. Ako yung nasa frame kasama sina Sophy at Abby.
"So bakit ka nga pala wala kanina?" tanong ko.
"Just had some business to attend to." kibit-balikat nitong sagot. "Why are you standing there for? Sit here. You've got to rest." iminiwestra nito ang katabing upuan.
Sumunod naman ako sa sinabi nito at umupo doon.
"Cyrus?" pagtawag ko dito.
Tumingin naman siya sa akin. Nakapatong ang isang kamay nito sa kabilang upuan.
"Yes?"
"Kasi balak ko sanang sumali sa gaganaping Grand Arena." pasimple akong tumingin sa mukha niya. Gusto kong makita ang magiging reaksyon niya.
Tumagilid naman ang ulo nito at tinitigan akong mabuti.
"Don't." seryoso nitong sabi.
Napakunot naman ako ng noo. "Bakit? Gusto kong sumali sa inyo, sa student council."
Napailing naman ito. "It's dangerous. Hindi mo alam ang mga panganib na pwedeng mangyari. Hindi kita hahayaang sumali."
Hindi ko inaakala na magiging ganito ang reaksyon niya. Akala ko katulad ng iba ay susuportahan niya rin ang desisyon ko. Pero nagkamali ako.
"Hindi mo ko naiintindihan." nakayuko kong sabi. "Gusto kong sumali kasi napag-alaman ko na nakakapunta kayo sa mundo ng mortal, sa mundo na pinanggalingan ko." tumingin ako sa kaniya.
"Paano kung may mangyaring masama sa iyo?" lumambot naman ang itsura nito. Nakikita ko sa mga mata nito ang pag-alala. Those blue eyes na gusto kong titigan palagi.
Napakagat naman ako ng labi ko. "Ahm, nandyan ka naman para iligtas ako kung may mangyari man di ba?" pinaglalaruan ko sa mga daliri ko ang laylayan ng damit ko.
"Hell, I won't let them. They would have to pass through me first before they could lay a hand on you." naikuyom nito ang kamao.
Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ko naman ang kamao niya. "I know. Kaya hayaan mo na akong sumali. Mmm?" i said feeling hopeful. Kumalma naman ang kamay niya.
Napabuntong-hininga nalang ito. "Okay just be safe." hinawakan nito ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. "and don't overdo your training. I don't want something like this happen again." dagdag pa nito habang tinuturo ang isang sugat ko na naka-band aid.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya habang sinasabi niya yun. We're closer than we were before. Ganito pala talaga kapag nagka-Familiar na.
"I will, i promise!" ngiti kong sabi sa kaniya.
Napangiti na rin siya sa sinabi ko. "Okay I gotta leave now para makapag-pahinga ka na rin." sabi nito habang tumitingin sa suot nitong circlet at tumayo na papunta sa bintana.
Tumayo na rin ako. "Aalis ka na ba talaga?" tanong ko pa.
Tumango naman ito. "Can I have a favor? Just this one." sabi ko habang kagat-kagat ko ang labi ko.
"Okay, what is it?" tanong nito. Makikita ang kuryosidad nito sa mukha.
"Pwede ka bang manatili muna dito hanggang makatulog ako? Pagkatapos nun maari ka ng umalis."
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action