5. Three types

10.6K 361 6
                                        

Nandito pala ako ngayon sa Dorm at talagang masasabi kong swerte ako dahil si Sophy ang roommate ko.

"Buti nalang pala na cancel yung training pati yung ibang klase natin haha."

Tama na-cancel yung training dahil nagkaroon ng meeting ang staffs at since walang magbabantay na teacher ay pinalabas na rin kami sa training room.

Nagkukwentuhan lang kami ngayon at nandito si Sophy sa kama ko.

"So ano pa ang kailangan kong malaman sa skul na ito?" tanong sabay kagat nung sandwich na ginawa ko.

"May tatlong kategorya sa eskwelahan na ito. Yung first ay Helia, dito yung mga magic-user na hindi nakakaperwisyo yung mahika. Katulad ko. Dito ako nabibilang since nakakapalit lang naman ako ng itsura ko. Kumbaga "safe type".

Tumango naman ako sa kaniya.

"Yung pangalawa ay Superior. Dito naman yung mga users na dangerous type yung gamit na mahika. Nakahiwalay sila sa atin kasi baka nga masaktan tayo kapag gumamit sila ng mahika. So iba yung training room nila sa atin. Sila rin yung may karapatan na makapili ng Familiar nila.

Napakunot naman ako ng noo. Familiar?

"Yung Familiar ay parang guardian nila. Sila yung pumoprotekta sa kanila at pwede nila itong tawagin kapag nangangailangan sila ng tulong.

"Ganun pala yun. Malakas na nga yung dangerous type, meron pa silang Familiar. Hindi ba parang unfair naman yun?" Tanong  ko  sa kaniya.

"Hindi naman. Kasi kailangan nila ng proteksyon para sa mga Mystiques. Sila yung mga masasamang magic-user. Kapag nalaman nila na dangerous type ka pwede ka nilang maging target. Dalawa lang ang pwede nilang gawin sayo either kukunin ka nila or papatayin."

Natakot ako sa narinig ko. Delikado rin pala magkaroon ng dangerous type.

"Ganun pala yun. Naiintdihan ko na."

"And lastly yung Excemption. Sila yung tao na pwedeng gawing Familiar ng mga Superior. Pero hindi sila basta-basta magagawang Familiar. Dahil namimili din sila ng taong gusto nilang maka-kontrata. Halimbawa isa kang Superior, kahit na gusto mo yung isa sa kanila na maging Familiar mo ay hindi pwede  kung hindi papayag yung Excemption. Ang alam ko may ritual na kailangan gawin para magawa yun. Pero hindi ko alam kung paano yun. Tanging mga nakatataas lang ang nakakaalam."

"Dami namang pakulo nitong eskwelahan nito. Masyadong kumplikado."

"Ganyan talaga. Masasanay ka rin haha. Tsaka alam mo madaming gwapo sa kanila! Pero nagpapakita lang mga yun tuwing may events sa skul o kaya naman ay may iniutos sa kanila ang faculties." napa-nguso pang sabi nito.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Siguro kasi busy sila? O kaya naman nanliliit sila satin." habang sinasabi niya yun ay nakita ko ang lungkot sa mata niya.

Kinuha ko naman yung isa pang sandwich sa tray at bnigay sa kaniya.

"Yan kumain nalang tayo." sabi ko nalang at nakita kong ngumiti nalang siya.

Mahimbing ng natutulog si Sophy pero ako ay hindi pa rin makatulog. Kaya naisipan kong lumabas ng dorm. Alam kong pinagbabawal ang lumabas ng dorm kapag alas dyes na pero gusto kong magpahangin sa labas.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naglakad sa hallway. Nang mapansin kong may dalawang tao na parating sa gawi ko ay mabilis akong nagtago sa likod ng isang pillar. Nang masiguro kong wala na sila ay nag-diretso na akong naglakad hanggang marating ko na ang pinto palabas. Akmang bubuksan ko na sana ito ng may dumating na matandang lalaki na sa tingin ko ay tagapag-bantay dito, kaya mabilis akong nagtago sa ilalim ng mesa na malapit.

Paano ko kaya siya malalampasan?

Sumilip ako  sa gawi niya at papunta siya ngayon dito. Patay.

Paano kung makapunta siya dito at mahuli niya ako? Ano ang sasabihin ko? Aamin ba ako?

"Mr. Gerard pwede mo ba akong tulungan dito sa mga gamit ko?" boses ng babae.

"Sige po mam." sagot naman nung lalaki. Nakita ko na papalayo na siya dito sa gawi ko.

Buti naman at may tumawag sa kaniya. Muntik na ako dun!

Nagmadali akong tinahak yung pinto at lumabas na.


Napakaliwanag ng buwan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko yung nag iisang puno na nakahiwalay sa loob ng kakahuyan. Sumandal ako sa puno habang nakatingin sa buwan.

Sana nandito si mama. Namimiss ko na siya. Hindi ako naniniwawalang patay na siya.

Napabunting hininga nalang ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatayo ako ng marinig ko yung boses na yun. Boses lalaki.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim. Nasa itaas siya ng puno at nakatayo doon.

Hala nahuli ata ako ng bantay.

"Sorry po kung lumabas ako ng dorm. Hindi po kasi ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin." pagpapaliwanag ko.

Tumalon siya mula sa puno at nagulat ako nung nasa harapan ko na siya.

Siya 'yon.

Yung lalaking nakita ko sa dulo ng pasilyo na may asul yung mata. Ngayon nakikita ko ng mabuti ang itsura niya. He's just so good-looking man. Gumagalaw ang buhok niyang nahahanginan.

"Delikado ang lumabas sa ganitong oras." sabi nito habang nakatingin ng diretso sakin. Ang cold ng mata niya at hirap basahin.

"Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko.

"None of your business." sagot nito.

Hindi na ako nakapagsalita. Napakagat nalang ako sa labi ko.

"You better go back inside the dorm." sabi pa nito.

Naalala ko hindi nga pala ako pwedeng pumasok dahil tumakas lang ako. Paano ako makakabalik? Baka nandyan na yung nagbabantay.

Lumapit naman siya sakin at nagulat ako ng binuhat niya ako gamit ang dalawang kamay niya. 

"Teka baba mo ko." Nahihiya ako. Nararamdaman kong pula na yung mukha ko kaya hindi ako tumitingin sa kaniya. First time na may magbuhat sa akin. 

"Dadalhin kita sa dorm mo." sagot niya na parang wala lang sa kaniya na binubuhat ako.

"Huh? Makikita nila tayo kapag pumasok sa loob." sabi ko ng hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

"Where is your room?" hindi niya pinansin ang sinabi ko. Tinuro ko nalang sa kaniya gamit ang hintuturo ko. 

Nagulat nalang ako ng tumalon siya sa puno at nakarating na kami  sa balcony. Kung nasaan ang room ko. Binaba niya na rin ako pagkatapos.

"S-salamat ko." Nahihiya kong sambit.

Napatingin ako sa bintana ng biglang bumukas ito.Nang tumingin ulit ako sa gawi niya ay wala na siya dun.

Pumasok nalang ako sa loob at sinara na ulit ang bintana. Tinignan ko si Sophy na mahimbing pa rin itong natutulog. Itinaas ko ang kumot niya para hindi siya lamigin at humiga na ako sa aking kama.

Sino kaya siya? Anong ginagawa niya 'don?

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon