Naisipan ko ng bumalik sa dorm.
Tinignan ko ang binigay kanina ng headmaster na Circlet. Pipindutin lang daw ito kapag gusto ko ng kumain. Tinignan ko ang orasan 1:00 pm na kaya pala nkakaramdam na ako ng gutom.
Sinuot ko naman itong Circlet. Bigla itong umilaw at pakiramdam ko ay unti-unti itong pumapasok sa sistema ko. Hindi ko maintdihan ang nararapamdaman ko. Hindi naglaon ay may lumitaw na salita sa gilid nito.
Connected.
Anong ibig sabihin nito? Naalala ko naman yung sinabi ng headmaster na once na nasuot ko na ito ay ako na ang kikilalalanin nito. Baka ito nga ang ibig niyang sabihin.
Pinindot ko naman yung malaking pula sa gitna at wala pang isang minuto ay may nag-door bell na. Binuksan ko naman ang pinto ngunit wala namang tao sa labas. Bagkus ang nandito lang ay ang isang kandamakmak na pagkain.
Masyado naman atang marami ito? Hindi ko ito mauubos.
Pinasok ko na rin yung tray ng pagkain sa loob at nagsimula ng kainin ito. Nang mabusog na ay nilagay ko ito sa kusina nilagay sa mesa para takpan doon.
Naalala ko ang sinabi nina Khaile na magkikita maya sa Dining Hall. Kung ako siguro ang ibang taga-Helia ay magiging excited pa ako, dahil makakakasalamuha ko ang mga Superior. Kaso hindi, iba ang nararamdaman ko.
Babagay kaya ako sa kanila? Tama kaya ang desisyon ng Headmaster na ilipat ako dito?
.
Nagsimula ng tumunog yung bell. Ibig sabihin kailangan ko ng pumunta doon. Tumingin ako sa wardrobe at may mga damit doon na sa tingin ko ay bigay sa mga taga-Superior. Napako ang tingin ko dun sa kulay puting dress na may laces sa ilalim. Simple lang itsura nito pero napakagandang tignan.
Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako sa dorm.
Hala teka, saan nga ba ang Dining Hall?
Tumingin ako sa paligid ngunit mukhang nandoon na yung ibang Superior. Para sana masundan ko sila kung saan yon. Bakit naman kasi hiwa-hiwalay ang mga dorm dito?
Nagsimula na akong maglakad-lakad baka sakaling may makasalubong ako. Hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong babae na nagmamadaling maglakad. Hinabol ko naman siya.
"Miss pupunta ka rin ba sa Dining Hall?" tanong ko sa kaniya. Tumigil naman siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Bago ka lang ba dito?" tanong nito.
Tumango ako sa kaniya. "Oo eh. Ako nga pala si Praily." sabi ko at inilahad ang kamay ko.
Tinignan naman niya ito at pagkatapos ay tinanggap din. "Adelaine. Gusto mo bang sumabay sa akin?"
"Uhmm oo sana. Kung pwede?"
"Oo naman halika na. Baka ma-late pa tayo."
"Sige salamat!" Nakangiting wika ko. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila. Hinayaan ko lang siya.
.
"Dito na tayo." sabi niya. Tumigil kami sa isang napakalaking pinto. Tumango naman ako sa kaniya. Binitawan na rin niya ang kamay ko.
Bumukas naman ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong naglalakihang mesa. May mga nakaupo na dito. Pumasok kaming dalawa at napatingin sa amin ang iba pang Superior.
"May bago."
"Pamilyar ang mukha niya."
Naririnig ko ang bulungan nila. May tumawag naman sa katabi ko kaya nagpaalam na siya para umupo sa akin.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action