"Praily, grabe ang galing mo! Pinanuod ko kayo kanina ni Cyrus sa training room!" sabi ni Khaile sa akin. Kakatapos lang kasi ng training class. Nagpapahinga kami ngayon sa garden.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila na may Familiar na ako. Kanina nga, habang nasa training ay pasimple kong sinabihan ko si Cyrus na itago nalang muna namin ang tungkol doon para hindi halata na iba ang pinag-uusapan namin. Pumayag naman siya sa sinabi ko. Lalo na alam ng lahat na siya ang nakatakdang maging Familiar ng The Blessed One.
Na-kwento na rin niya sa akin na alam na ng Headmaster ang tungkol sa pag-atake ng mga Mystique nung gabi na yun.
Ano na kayang mangyayari ngayon? Magagalit kaya sila kapag nalaman na sa akin siya nakipag-kontrata? Hindi ko na naisip ang bagay na yun.
"Oo nga eh, magaling kasi siyang magturo katulad ng sinabi mo haha." sabi ko naman at pilit na ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong pinapakita ang lakas ko kanina dahil baka mabuking nila na may nagbago sa akin.
"Kaya nga ang swerte mo! Pero alam mo na-iinggit din ako sa iba, kasi meron na silang Familiar katulad ni Hanna. Ako hanggang ngayon nga-nga pa rin." Napabuntong-hininga na sagot niya.
Napaubo naman ako sa sinabi niya. "O-oo nga eh. Napansin ko din, bakit nga wala ka pang Familiar?" curious kong tanong.
"Nahihiya kasi akong lapitan yung Excemption na gusto kong maging Familiar." naka-ngusong sabi nito. Ang cute lang niyang tignan ngayon. Yung madaldal na Khaile ay tameme pagdating sa ganyang usapan.
"Naiintindihan ko. Sino ba yung tinutukoy mo? Mukhang gustong-gusto mo siya ah."
"Haha. Crush ko nga kasi yun eh. Pero huwag kang maingay ha? Si ano-".
"Khaile, Praily! Dyan lang pala kayo." napatingin naman kami sa tumawag at si Hanna pala kasama sina Frostine at Ulysses. Bumati naman sila sa amin at ganun din kami sa kanila.
"Oo dumiretso na kami dito kasi ang daming nakakalat na estudyante." sagot ni Khaile.
Nag-uusap naman sina Frostine at Ulysses sa kabilang table. Naalala ko na Bonded rin pala silang dalawa. Kaya pala nakaka-talon si Ulysses sa mga puno nung gabing hinatid niya rin ako sa dorm ko. Ngayon alam ko na lahat.
Nakikita ko ang pagtingin nila sa isa't isa at hindi ko mapigilan mapangiti. Dahil ganyan din ako kay Cyrus.
"Uy Praily, anong meron? Parang ang saya mo ngayon." pansin sa akin ni Hanna.
"A-ah ano wala may naalala lang." tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa ni Khaile.
Nagkibit-balikat naman ito.
Mula sa dulo ay namataan ko naman si Zypher na papunta din sa garden. May kasama itong mga Excemption din. Mukhang hindi naman niya ako nakita kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon.
Naalala ko pa yung gabi na natulog siya sa dorm ko. Akala ko talagang makikitabi pa siya sa kama, pero buti nalang at nagbibiro lang pala ito. Yung mahabang sofa sa sala, dun siya natulog. Pinahiram ko nalang siya ng isang unan dun. Pagkagising ko naman ng umaga ay wala na siya dun.
"Khaile si Zypher oh." sabi ni Hanna. Kilala pala nila.
"Oo kanina ko pa nga tinitignan dito eh. Masaya ako at bumalik na siya katulad ng dati." napatingin naman ako kay Khaile na titig na titig dito. Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ko rin tuloy maiwasang mapatingin ulit sa direksyon nito. Nakikipagbiruan ito sa mga kasama.
"May nangyari ba?" curious kong tanong.
Malungkot na tumango yung dalawa sa akin. "Dati nakakasama namin siya kapag may meeting tsaka kapag may activities sa school. He used to be one of the student council." mababakas sa mukha ni Khaile ang lungkot habang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasiaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action