3. Hestia Academy

14.2K 380 6
                                    

Pumalakpak ng isang beses si Mr. Finn at nagulat ako ng may lumabas na isang lagusan.

"P-paano mo ginawa yan?"

Ngumiti lamang siya at sinenyas niya sa dalawang kamay niya na papasok kami doon.

"Shall we Ms. Gomez?"

Tango nalang ang isinagot ko sa kaniya.

Nandito na kami. Nagsarado ang lagusan pagkapasok mismo namin. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang humanga sa lugar na ito. Napaka-lawak nito at madaming buildings na nakatayo. Napapaligiran ito ng mga bulaklak.

Napako ang tingin ko dun sa isang building na may nakalagay na Hestia Academy. 

Hmm isang eskwelahan?

Hinawakan ko ang pendant na binigay sakin ni mama.

Dito na ako ma.

Naglakad kami sa mahabang hallway at may mga pintuan kaming nadadaanan na sa tingin ko ay mga classroom dito. Mataman lang akong sumusunod kay Mr. Finn sa likod niya.

Ano kayang meron dun?

Napatingin naman ako sa isang bintana at napansin na may mga tao sa loob. Kung hindi ako nagkakamali ay isang eskwelahan itong building na pinasukan namin?

Nakuha ng atensyon ko ang isang estudyante sa dulo ng hallway na nakatayo.Tila napansin niyang nakatingin ako sa kaniya at huli na para mabawi ko ang tingin sa kaniya. Ang mga mata niya ay kulay asul at medyo magulo ang buhok. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan niya. Sa tingin ko ay ka-edad ko lamang siya.

"Ms. Gomez?"

Hindi ko napansin na tumigil na pala ako sa paglalakad.

"Sorry po." Tumango naman siya sakin at nagsimula ng maglakad.

Nang tumingin ulit ako dun sa lalaki kanina ay wala na siya doon.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sinundan si Mr. Finn.

Tumigil kami sa harap ng isang pintuan. May nakalagay na Headmaster's Office.

Kumatok si Mr. Finn at pinapasok kami sa loob.

"So ikaw ang anak ni Sarika?" bungad sakin ng nakataong nakaupo sa swivel chair. Sa tingin ko eh ka-edad lang din siya ni Mr. Finn. Sa tindig palang niya ay alam kong nirerespeto na siya ng mga tao dito.

"Opo." sagot ko naman.

Napatango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Ako si Hermes Hestia ang headmaster, simula ngayon ay dito ka na mag-aaral." Habang sinasabii niya yun ay may mga kinuha siyang parang mga papeles at pinirmahan ang mga ito.

"Pero nag-aaral na po ako at malapit na po akong mag-graduate dun sa pinapasukan ko."

Napatingin naman ang headmaster kay Mr. Finn at umiling ito. Mukhang naintindihan naman niya ito at bumaling sa akin.

"Ikinalulungkot ko iha pero hindi ka na maaring makabalik pa sa lugar na iyon."

Parang nanghina ako sa narinig ko. Paano nalang si Mama? Baka bumalik siya dun sa bahay namin. Tsaka si Liz ayoko siyang iwan.

Tahimik lang si Mr. Finn na nakayuko sa gilid.

"Delikado ang buhay mo doon. Pwede kang mapahamak anumang oras." dagdag pa nito.

"Paano nalang si mama?" Tanong ko. Gustong gusto kong malaman kung may alam siya.

"Hindi ko masasagot ang tanong mo sa ngayon iha. Pero malalaman mo rin iyon sa tamang panahon."

Napabuntong-hininga nalang ako at tumango.

"Bueno, Hewitt ikaw na ang bahala kay Ms. Gomez."

"Yes headmaster."

Inakay na ako ni Mr. Finn sa labas at naglakad na naman sa napaka-habang hallway. Tumigil siya harap ng isang pinto at may nakalagay na 4-A. Kumatok siya doon at tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob.

"Nandito na pala yung transferee." Nakangiting sabi nung babae na sa tingin ko ay nasa 20 pataas ang edad. Mahaba ang buhok nito at kulot sa dulo. Napakaganda niya.

"Kayo na ang bahala sa kaniya Ms. Flaviano."

"Sige Mr. Finn at salamat sa pagdala sa kaniya dito." nakangiti pa ring sabi ng babae at lumabas na si Mr. Finn.

"Ako nga pala si Sanlee Faviano ang guro nila dito. Huwag kang mahiya sa klase ha? Sabihin mo sakin kapag may nang-away sayo." sabi pa nito at nag-wink sa akin.

Kaya naman lumapit ako sa kaniya. Tumingin ako sa buong klase. Tantiya ko ay mga sampu sila dito at ako ang panglabing isa.

May kaniya-kaniyang table ang bawat estudyante. Hindi siya nakatingin samin bagkus ay nag-uusap usap lang sila na para bang wala kami dito ni Ms. Flaviano.

Tinaas naman ni Ms. Flaviano ang kaniyang kaliwang kamay. May lumabas doon na parang itim na enerhiya.

Ano ba yun? Tsaka paano niya nagawa iyan?

Tatanungin ko pa sana siya pero nagulat ako nung lumipad yung bilog na enerhiya na yun at sumabog ang kanang bahagi ng pader. Napatakip ako ng wala sa oras sa bibig ko.

Bakit niya ginawa yun? Pwedeng mapahamak ang mga estudyante niya sa ginawa niya.

Napatingin naman ang mga estudyante doon at pagkatapos ay sa amin.

"Mabuti naman at nakuha ko na ang atensyon nyo." sabi naman ni Ms. Sanlee.

"Sino siya?" Tanong nung isang babae sa may bandang likuran. Maliit lang ang buhok nito at may kaputian ang balat. Masasabi ko na ang bawat estudyante dito ay binayayaan ng magagandang itsura.

"Class siya ang magiging bago niyong kaklase simula ngayon. Kaya sana pakisamahan niyo siyang mabuti."

Kahit na nagugulan ako sa nakita ko ay nakuha ko pa rin magsalita sa buong klase.

"Ako nga pala si Praily Gomez kinagagalak ko kayong makilala." pagpapakilala ko naman sa kanila.

Narinig ko namang nagbulungan ang mga estudyante.

"Ano bang mahika meron siya?"

"Ngayon lang nagka-transferee dito ah."

Ano bang sinasabi nilang mahika? This school is weird.

"Maupo ka na Ms. Gomez. Kung saan ka kumportable." Sabi ni Ms. Sanlee.

Tumingin ako ng bakante at may nakita akong babae na sumesenyas na maupo ako sa tabi niya. Kaya naman naglakad na ako at pumunta sa tabi niya. Nasa bandang kanan sa dulo malapit sa bintana at siya naman sa kaliwa ko.

"Praily right? Ako nga pala si Sophia Diamante! Kung may gusto kang malaman tungkol sa eskwelahan pwede mo kong tanungin." Hyper na sabi niya.

Naalala ko sa kaniya si Liz, ang bestfriend ko. Namimiss ko na siya.

"Nice to meet you Sophia. Sa totoo lang medyo kinabahan ako. Pero buti nalang nandyan ka. " nakangiti kong sabi.

"Sophy nalang haha. Tsaka wala yun no. Basta ha friends na tayo. "

"Sige friends."

"So paano class, let's start!" Sabi ni Ms. Sanlee at may lumabas ulit na isang enerhiya sa kaniyang kamay.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon