Bakit ngayon pa pumunta dito sa Zypher? Napakawrong-timing naman niya. Nandito pa naman ang mga kaibigan ko, baka makita pa siya dito.
"Missy, hindi ko alam na ganito mo pala ako gustong ma-solo?" sabi nito habang naglalakad palapit sa akin.
Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Ngumisi ito at isinandal ako nito sa pader habang hawak nito ang dalawang kamay ko. Tumingin naman siya sa pinto. "That." sabi nito at bumalik ang tingin sa akin.
Iba talaga mag-isip itong isang ito.
"Tigilin mo ko Zy." pinaikot ko ang mata ko habang nakaharap siya sa akin. "Nandito ang mga kaibigan ko sa dorm at ayoko namang makita ka nila dito." dagdag ko pa.
Binitawan naman ako ito at tumaas ang isang kilay nito. "I don't care. Just let them know." bored na sagot nito.
Hindi ba talaga siya maka intindi? Kung sa kaniya ay okay lang puwes sa akin ay hindi. Babae ako at ayokong pag-isipan nila ako ng kung ano. Ganyan na ba talaga mag-isip ang mga lalaki.
Napailing naman ako sa sinabi niya. "No, ayoko. Baka kung ano pang isipan nila. Kung para sayo ay balewala lang na malaman nila, sa akin ay big deal iyon. Lalo pa at hindi nila alam na magkakilala tayong dalawa."
"Yan lang ba talaga ang dahilan?" tanong nito.
Napaisip naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko rin siyang makita nila ay dahil nandoon si Cyrus. Hindi ko sinabi pa nasabi sa kaniya ang tungkol kay Zypher. Magagalit kaya siya kapag nalaman niyang naglihim ako?
"Yeah yun lang. Kaya please lang huwag ka munang lalabas dito."
Hinawakan nito ang baba at parang nag-iisip.
"Hmm. Sige pumapayag na ako."
Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Talaga? Hindi ka lalabas ha?" paniniguro ko.
"Sure but in one condition."
"Ano yun?"
"Kailangan mo akong balikan dito every 15 minutes. Oorasan kita. Kung hindi ka makabalik ay ako mismo ang pupunta sayo doon." sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi nito.
"Ang unfair naman ata nun? Ano nalang ang idadahilan ko sa kanila?" nakakunot kong tanong.
Napahalakhak naman ito. "It's not my problem anymore Missy. Basta katulad ng sinabi ko, bumalik ka dito at hindi ka pwedeng mahuli sa oras."
"Geez, ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo. Pero sige pumapayag na ako. Basta huwag na huwag kang lalabas!"
Itinaas nito ang dalawang kamay. "Don't worry Missy, meron akong isang salita. " nakangising sabi nito.
"Okay sabi mo yan. Aalis na ako." paalam ko.
"Wala man lang ba akong kiss bago ka umalis?" sabi nito at ngumuso pa.
Pinanlakihan ko lang siya ng mata. Narinig ko nalang ang halakhak niya habang dahan-dahan kong sinarado ang pintuan.
Bumalik na nga talaga sa dati yung lalaking yun. Napailing na lang ako.
Well mas mabuti na siguro yun.
Nagulat naman ako ng makasalubong ko sina Khaile at Crimson.
"Oh nandyan ka na pala." sabi ni Khaile.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasiaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action