Monday.
Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan na may nakasulat na S. History Class. Tinignan ko naman ang hawak kong schedule.
Dito nga yung klase ko.
Iba na ang uniporme na suot ko at masasabi kong Superior na talaga ang itsura ko ngayon.Binalik ko na ulit sa loob ng bag ko. Napapatingin naman yung ibang Superior na dumadaan sa paligid ngunit pinilit ko nalang na huwag ng pagtuunan ng pansin. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at pumasok na sa loob.
Napansin ko na anim palang ang mga estudyante na nandoon at hindi ko kilala ang mga mukha nila. Tumingin lang sila sa akin pagkatapos ay bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa. Wala pa din yung guro kaya naisipan kong umupo sa may bandang dulo sa kanan. Tinignan ko naman ang orasan, 8:45 palang. Ibig sabihin meron pang 15 minutes bago magsimula ang klase.
Maluwang itong room ngunit nakasara lahat ng bintana nito kung kaya hindi makikita ang mga nasa labas.
Naalala ko tuloy nung first day ko rin sa Hestia ay ganito din ang nararamdaman ko, kinakabahan.
Kumusta na kaya sina Sophy at Abby?
Nagsidatingan na rin yung ibang estudyante at namukhaan ko naman yung iba. Nakita ko na sila sa Dining Hall nung sabado pero hindi ko alam ang pangalan nila. Mukhang wala akong kilala sa mga magiging kaklase ko ngayon. Akala ko pa naman magiging kaklase ko kahit si Khaile lang o kaya si Hanna. Mga sampu lang kami dito sa klase.
Sumapit ang alas-nwebe ng umaga at sakto namang dumating ang guro. Matandang lalaki ito nasa tingin ko kaedad ng headmaster. May balbas ito na may haba ng konti at nakasuot ito ng salamin.
Tinignan naman niya lahat ng estudyante at napako ang tingin niya sa akin. "Ikaw yung bagong Superior hindi ba?" tanong nito.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko. "Ahh opo. Ako po si Praily Gomez galing sa Helia."
Napatingin naman sa akin ang ibang Superior.
"Siya yung sa Festival dati."
"Oo nga no?"
Naririnig kong sabi nila. Nag-aalangan akong tumingin sa kanila.
Tumango naman yung guro at pinaupo na rin ako. Kinuha niya yung librong napaka-kapal at binuklat ito. "Ako si Gregory Hoggs ang guro dito sa klase." sabi nito. Pinitik nito ang kaliwang kamay at pagkatapos ay biglang bumata ang itsura nito. Mukha siyang kasing-edad lang namin.
Yun ba ang kapangyarihan nito?
"Sir talaga oh nagpapa-sikat na naman!" sabi ng isa kong kaklase at nagsitawanan naman ang iba.
Natawa na rin si Sir Gregor. "Pinapasaya ko lang ang inyong bagong kaklase, napaka-seryoso kasi." sabi nito at tumingin sa akin at kumindat.
Kaya naman napangiti na rin ako sa kaniya. Feeling bagets ang teacher namin grabe. Ang akala ko seryoso siyang guro yun pala mahilig ding magpatawa. Kahit papaano ay nawala na yung kabang nararamdaman ko kanina.
Bumalik na rin ang dating anyo ni Sir at nagsimula na ng klase.
.
Natapos na ang klase. Akmang lalabas na sana ako ng tinawag ni Sir ang pangalan ko.
"Ano po yun sir?" tanong ko sa kaniya.
"Maari ko bang malaman kung sino ang mga magulang mo?"
"Ahh si Sarika Gomez po ang nanay ko. Kami lang pong dalawa at hindi ko kilala kung sino ang tatay ko." sagot ko.
"Sarika, parang narinig ko na ang pangalan niya." nakakunot nitong sabi. Naalala ko tuloy ang sinabi ng headmaster na nasa Mystique si mama. "Kinagagalak kitang makasama sa klase ko." dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action