15. Zypher

8.1K 318 9
                                        

"Ano ba kasi ginagawa mo dito sa dorm at paano ka nakapasok?" Tanong ko sa kaniya. Nakaupo kami ngayon ni Zypher dito sa sala. Magkaharapan lang kami at may mesa sa gitna. May naghatid kanina na breakfast na siya ngayong nakahain dito.

"Ang totoo nyan dito ako lagi tumatambay kapag weekends. Isa akong Excemption kaya nakapasok ako. Hindi mo ba alam ang tungkol sa amin?" Nakakunot nitong tanong. Parang kinikilatis niya na ako kung talagang taga-dito ba ako sa academy.

Umiling naman ako sa kaniya. "Hmm bago lang naman ako dito. Dati akong Helia at pinalipat lang ako ng Headmaster sa Superior dahil sa mhikang taglay ko na kailan lamang lumabas.

Nanlaki naman ang mata niya sa narinig. "Ikaw yung babaeng may kalasag?"

Nag-aalinlangan akong tumango. "Oo yata?"

"Cool! Actually wala ako nung nangyari yung insidente na yun pero na-kwento lang ng mga kasamahan kong Familiar. Akalain mo ikaw pala yun missy!" manghang sabi nito.

"Ok?" sagot ko. Kalat din pala yung nangyari na yun sa buong academy. Akala ko tanging yung mga estudyante lang na nandoon ang nakakaalam.

"As you can see isa akong Excemption pero mas nangingibabaw ang kapangyarihan namin sa lahat ng pangkat. May nagagawa kami na hindi kayang gawin ng mga Helia o kaya ng Superior. Katulad nalang ng pag-unlock ng bintana ng bintana mo. Isa na yun at marami pang iba." paliwanag nito.

Mga Excemption lang ba nakakagawa nun? Eh bakit si Ulysses nagawa niyang i-unlock yung dating dorm ko sa Helia?

"Sigurado ka bang tanging Excemption lang nakakagawa nyan?" paniniguro ko.

"Oo naman. Bakit?"

Umiling naman ako sa kaniya. "Wala wala."

"Missy, baka naman pwede ulit akong tumambay dito? Tutal close naman tayo!" tinaas-baba pa nito ang dalawang mata.

Hindi ko maatim na tawagin siyang Upper dahil parang bata siya kung umasta. Pero kailangan pa ba yun? Since Superior na ako ngayon.

"Hindi na pwede. Dapat dun ka sa dorm mo. Besides lalaki ka at babae ako, kaya hindi talaga pwede."

"Hindi ba talaga tumatalab ang kagwapuhan ko sayo?" tanong nito habang habang nag-papacute. Para talagang bata. Hindi ko mapigilan mapangiti sa tinuturan niya.

"Oh napangiti kita! Ibig sabihin pwede na." pangungulit pa nito. Pero umiling lang ako sa kaniya. "Ako na nga nagpapakababa sayo oh. Dapat nga pumayag ka sa lahat ng gusto ko."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "At bakit naman?" tanong ko.

"Kasi nga pwede mo akong gawing Familiar mo yan ay kung papayag ako." nagmamalaking sabi nito habang hinihimas ang baba niya.

Familiar? Oh yung kinweto sa akin ni Sophy dati na kailangang pumayag yung Excemption dahil may ritual na kailangan gawin.

"Sino bang may sabi na gusto kitang maging Familiar?" naka-taas na kilay na sabi ko.

"Kung hindi mo alam Missy, madaming Superior ang gusto akong maging Familiar. Baka kapag nakita mo kung ano ang kapangyarihang taglay ko ay magbago bigla ang desisyon mo."

Na-curious naman ako kung ano ang mahika niya. "Ano nga ba ang kapangyarihan mo?"

Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Secret." sabi pa nito at itinapat ang daliri sa bibig. "See you on Monday and nice meeting you Missy."

"Hindi Missy ang pangalan ko kundi Praily!" sigaw ko.

Nag-smirk lang siya at nabigla ako nung hinalikan niya ako sa pisngi at bago pa ako maka-react ay nawala na ito ng parang bula.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon