Tuesday.
Ngayon na namin sinisimulang ayusin ang event. Nandito lahat ng Superior, Excemptions at iilang mga guro. Meron mga seal sa kamay ang bawat isa pati kaming mga Helia, na ibig sabihin ay pwede kaming gumamit ng magic at hindi made-detect ng sensor.
Actually kahit hindi na nila ako bigyan nito ay ok lang. Kasi wala naman akong power eh.
"Excited na ako sa festival!" naririnig ko ang ibang Helia na nagsasalita sa paligid.
"Oo nga makakasama na naman natin mga Superior at Excemptions hihi!"
Nandito pala kami ni Frostine sa mga Rides at iniinspect kung maayos ba ang mga ito. Si Ulysses naman ay kinakausap pa ang ibang Superior kung ano ang dapat nilang gawin.
Napatingin naman ako sa Feris Wheel.
Parang kailan lang ay sumasakay pa ako dun kasama si Liz.
"Talaga hindi ka pa nakasakay sa ganyan?" tanong ni Liz sa akin na parang hindi makapaniwala.
Tumango naman ako sa kaniya. "Oo eh. Natatakot kasi ako baka mahulog ako." paliwanag ko.
"Hay naku! Huwag kang mag-isip ng ganon. Tsaka boring ang buhay ang kapag hindi ka nakapag-try man lang na makapag-buwis buhay!" hyper na sabi nito.
"Buwis-buhay?"
"Oo sabi nga nila di ba, YOLO which means you only live once. So bago man lang tayo mamatay dapat masubukan natin ang mga ganyang bagay." naglakad na ito papunta sa pilahan.
"Ganun ba yun?" tanong ko.
"Oo naman! Kaya halika na!" nag-aalangan naman akong sumunod sa kaniya. Pero nakipila na rin ako.
Nung kami na ay parang gusto ko ng magback-out pero pinigilan naman niya ako.
"Tara na. Tagal ng hinintay natin oh. Sige ka magtatampo ako kapag hindi mo ko sinasamahan." sabi pa nitong naka-pout.
"Maam, kailangan nyo na pong pumasok dahil madami ng naghihintay." sabi naman nung lalaking operator.
Kaya wala na akong nagawa kundi sumakay na agad kasama si Liz.
"Sigurado ka safe dito ha?" paniniguro ko.
"Trust me." sabi nito. Yeah yan ang lagi niyang sinasabi kapag nag-aalagan ako sa isang bagay. Kapag narinig ko ng sinabi niya yun ay dun palang mapapanatag ang loob ko.
"Praily." Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.
"Sorry ikaw po pala upper Ulysses." paghingi ko ng paumanhin. Upper ang tawag ko sa kaniya kasi mas maatas sila sa amin. Superior kasi siya.
"Drop the upper." Tumango naman ako sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid sila ni Sophy. Hindi sila masyadong magkamukha. "Na-inspect mo na ba yung iba?" tanong nito.
"Ahh opo. Ok naman sila." sagot ko. Tumango lang ito at bumaling kay Frostine na may hawak na papel. Doon niya sinusulat yung mga kailangang ayusin.
Nakatingin lang ako sa likod ni Ulysses habang kausap niya si Frostine.
Gusto kong tulungan si Sophy. Ano kaya ang kailangan kong gawin para magkausap sila?
"Uy guys si Cyrus oh." sabi ng isa sa mga Superior na malapit sa akin. Nakatingin sila sa likod ko. Cyrus?
Kaya naman tumalikod ako at nakita ko nga yung lalaking kulay asul ang mata.
Siya pala yung Cyrus. Bakita nga ba hindi ko naisip yun, isa siya sa mga Excemptions. Hindi naman kasi siya naka uniform tuwing makikita ko siya.

BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action