Pumunta kami sa Food Booth at tinikman yung mga iba-ibang pagkain na nandoon. Meron silang tinatawag na Janrus, isang exotic food na hinaluan ng mga magic potions kaya daw mas lalong masarap ito.
Kinausap ko rin pala si Francis tungkol sa plano ko habang busy na nagku-kwentuhan sina Sophy at Abby. Nagpaalam naman siyang may gagawin muna at babalik nalang mamaya. Tumango lang kami.
"Ito try mo!" sabi ni Sophy habang niallapit sa bibig ko yung hawak niyang parang buntot? Gumagalaw ito.
"Ano yan?" curious kong tanong habang nilalayo ko sa bibig ko yung hawak niya. Parang ewan kasi yung itsura.
Tumawa naman ng malakas si Abby si gilid. "Hahah buntot ng lizard yan."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Ay ayoko!" sabi ko habang winawasiwas yung kamay ko.
Tinignan naman ng masama ni Sophia si Abby. "Ingay mo kasi! Yan tuloy." sabi nito
"Eh gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nalaman niya eh." sabi pa ni Abby na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.
"Kayo talagang dalawa ha. Porket hindi ko masyadong alam yang mga foods na yan ginaganyan nyo na ako." sabi ko sa kanila. Nagkukunwari lang naman akong galit.
"Sorry na Prai! Eh masarap naman kasi ito dahil may potion naman." sabi pani Abby at kinain nalang niya ito. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko ito maatim na tignan.
"Oh siya, punta naman tayo sa iba. Doon tayo!" tinuro yung Shooting booth naman.
"Sige mukhang masaya yan!" sabi naman ni Abby. Pumunta naman kami agad doon na naki-pila.
Ang daming stuff stoys na pwedeng pagpilian kapag nanalo ka. Kailangan lang na maka-tumba ka ng 15 lata sa loob ng 30 seconds gamit yung fake na baril.
Nauna si Sophy sa amin. "Mukhang madali lang ito ah." sabi pa nito. Nag-ready naman siya at nang magsimula na ay nagpatuloy siya sa pagbabaril. Nakatumba na siya ng sampu kaya lima nalang ang kailangan niya. Ngunit ang hindi namin inaasahan ay gumalaw na ang mga lata. Kaya naman natapos yung oras ay wala na itong naitumba pa.
"Ang daya naman!" reklamo ni Sophy dun sa nakabantay.
"Ganyan talaga yan. "Alam namin na madali lang kung naka-steady lang ang mga lata. Nilagyan din namin ito ng magic. Kapag nakasampu na ang shooter ay kusang gagalaw ang mga ito." paliwanag nung staff na isang Helia din kagaya ko. May nameplate ito sa damit na Kirk.
Sumunod naman ay si Abby. Tinitigan niyang mabuti yung mga lata at nung mag-start na ay nakasampu rin siya agad. Nang magsimula na itong gumalaw ay nakikita kong medyo pinagpapawisan siya dahil mabilis ito.
"Go kaya mo yan!" Cheer namin ni Sophy sa kaniya.
Pigil ang hininga namin habang nakatingin sa kaniya haggang sa tumunog yung buzzer na ibig sabihin ay tapos na ang oras.
"Congratulation!" sabi ni Kirk. Napayakap naman kami ni Sophy kay Abby habang siya ay hindi makapaniwala na nanalo siya. Pinapili naman siya kung ano yung gusto niya sa mga naka-display na stuff toys at pinili yung malaking panda.
"Galing mo talaga Abby!" sabi ko sa kaniya.
"Oo nga buti ka pa meron panda ako wala." naka-pout pang sabi ni Sophy.
"Wala naman ako pakialam sa panda eh gusto ko yung laro haha. Eto sayo nalang!" sabi ni Abby sabay bigay sa kaniya nung Panda.
"Talaga wow! Ang bait mo pa pala!" sabi ni Sophy habang sinusubosob ang mukha niya sa hawak nito.
Tumawa nalang ako sa kanila habang si Abby ay umiiling.
"Sorry mam but you're under arrest!" napatingin kaming tatlo sa dalawang staffs na dumating. Si Jasmine at Atlas. Pinosasan nila si Abby.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action
