"Ma! Nasaan ka na ba?" hindi ko makita si mama.
Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakahandusay sa sahig. Duguan ito at parang wala ng buhay.
"MA!"
Isang panaginip. Hinahawakan ko ang dibdib ko at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinilit ko namang kumalma. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at nilagok ang laman nito.
Medyo ok na ang pakiramdam ko. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng matutunan ko ang aking mahika.
Pwede kaya ulit lumabas dito?
Parang gusto kong magpakahangin ulit sa labas. Naalala ko na nakalabas na din dati si Ulysses. Baka naman pwede rin akong lumabas.
.
Katulad ng inaasahan ko ay walang nagbabantay sa building kaya naman nakalabas ako. Mabuti pa dito sa Superior hindi mahigpit, kabaligtaran nito sa Helia. Naiintindihan ko naman kung bakit.
Pumunta ulit ako sa kagubatan kahit na pinagbabawal ang pumunta dito.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Cyrus na nasa taas ng puno. Nakaupo po at nakasandal habang nakapikit ang mga mata nito. Naisipan ko na dahan-dahan maglakad para hindi siya magising.
Ngunit bago ko pa siya malagpasan ay nagsalita na ito. "Anong ginagawa mo?" tanong nito.
Tinignan ko naman siya sa taas at nakapaseryoso ng mukha nito.
"U-uhm ano-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may lumitaw na apat naka-maskara sa paligid.
"Tss Mystiques." sabi nito at tumalon pababa mula sa punong pinanggalingan nito.
Kinakahaban ako para sa aming dalawa dahil marami kumpara sa aming dalawa.
"Kailangan nating tawagin ang iba." sabi ko naman.
"Mga bata anong ginagawa niyo sa ganitong oras? Hindi nyo ba alam na delikado sa gubat?" sabi nung isa sa kanila. Ngumisi naman ang mga kasamahan niya.
"Di bale. Magugustuhan niyo naman ang gagawin namin sa inyo." nakangisi ding sabi nung mataba sa kanila.
"Bumalik ka na sa dorm. Ako na ang bahala sa kanila." mahinang tugon sa akin ni Cyrus.
"Pero hindi kita kayang iwang mag-isa dito!"
"I can handle them. Kaya sundin mo nalang ang sinabi ko."
"No." matigas kong sabi.
Napailing nalang siya. "Stubborn."
"Tapos na ba kayong mag-usap? Naiinip na kami." sabi ulit ng mataba.
Nilabas na ni Cyrus ang kaniyang espada.
"Hindi ba may sensor itong academy? Kapag gumamit tayo ng kapangyarihan ay malalaman nila. Pwede nila tayong matulungan." mahinang sabi ko.
"Hindi na sakop ng sensor ang gubat." wika nito.
Unti-unti namang inalis ng mga Mystiques ang cloak ng mga ito. Dalawa sa kanila ay babae base sa mga pangangatawan nito. Yung isa ay kulay puti ang buhok at yung isa naman ay itim. Yung dalawa naman ay si payat at mataba na nagsalita kanina. Pare-pareho silang mga naka black leather na damit.
"Sexy niyo talaga my ladies!" sabi nung mataba sa mga kasamahan nitong babae.
"Shut up porky!" sabi nung babaeng itim na buhok.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasiWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action