9. Meeting

8.5K 333 7
                                    

Siya yung lalaki dati.

"Oh isang Prudence. Kinagagalak kong makita ang isang tulad mo." Nakangising saad ng lalaking naka-maskara. 

Kilala niya ba ito?

"Veynor Calypsus. Pati Helia ay pinupuntirya niyo na pala ngayon." malamig na tugon ng lalaking nasa harapan ko. Nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa lalaking naka-maskara.

Tumawa naman ng malakas ang tinawag nitong Veynor. Yun pala ang pangalan nito.

"Wala kang alam bata." sagot nito.

"Ikaw, bakit lumabas ka pa sa dorm mo ng ganitong oras?" baling nito sa akin habang nakaharap ito sa kalaban.

"H-hindi ako makatulog." paliwanag ko.

Umiling naman ito. "Stubborn." 

May dumating naman na isa pang lalaki.

Sino naman itong isa?"

Lumakad ito palapit sa amin.

"Mystique." saad nito. 

Tumingin naman siya sa akin at tumaas ang kilay.

"Anong ginagawa ng isang Helia dito?" naka-kunot ito ng noo.

"Ah-" 

"Balik mo na siya sa dorm." saad nung lalaking kulay asul ang mata.

Lumapit sa akin yung lalaki at hinigit ang kamay ko paalis sa kinaroonan namin kanina.

"Teka, kailangan kong bumalik." inaalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Huwag ng matigas ang ulo mo. Pasalamat ka nalang at dumating kami kung hindi baka kung ano ng nangyari sayo." Humarap ito sa akin at binitawan ang braso ko.

"P-pero hawak nila ang mama ko." napahawak ako sa braso kung saan niya ako hinigit. Namula ito.

"I'm sorry." hingi nitong paumanhin.

Nakatingin ito sa parte ng hinawakan niya. Agad ko namang inalis ang kamay ko don.

Umiling ako sa kaniya. "Naiintidihan ko naman na kinailangan mong gawin yun para mailayo ako." Hindi ito nagsalita. "Pero kailangan kong sumama sa kaniya para mailigtas ang mama ko." nakayuko kong sambit.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi sila mapagkakatiwalaan." mariin nitong sabi. Ramdam ko ang galit sa boses nito. 

Napatingin ako sa gawi niya na ngayon ay nakatalikod sa akin. 

"Marami na silang napatay na kauri natin at hindi sila titigil hanggang hindi tayo nauubos."

Nagsisinungaling nga kaya yung Veynor na yun? 

"Sorry, hindi ko alam." hingi ko ng paumanhin. 

Humarap naman siya sa akin. "Hatid na kita sa dorm mo."

Tumango naman ako sa kaniya. "Yung kasama mo hindi ba natin tutulungan?" naalala ko na iniwan pala namin siya. Baka kung mapano siya.

Umiling ito sa akin. "Huwag kang mag-alala, kaya na niya ang sarili niya." 

Ganun ba ito kalakas at makaya niyang kalabanin yung mystique na yun?

Tinuro ko naman sa kaniya kung saan ang dorm ko at napansin kong natigilan siya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala tara na." pagkatapos ay hinatid na niya ako. Katulad ng ginawa nung asul na buhok ay tumalon din ito.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon