2. Reverie Lake

14.5K 446 19
                                    

A/N: Dedicated kay MystiqueWp siya ang gumawa ng cover haha.


Nagising ako at ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko. Pero kahit  ganun ay pinilit ko pa ring bumangon.

Anong nangyari?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong magulo dito sa kwarto. 

Tama nasa kwarto ako ni mama. Naalala ko na ang nangyari. Pero nasaan na yung lalaki kahapon? 

Naalala ko na naman si mama. Hindi ko man lang siya nakita. Patay na nga ba siya?

Naramdaman ko naman kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako.

Napatingin ako sa kama ni mama kaya naman lumapit ako dun. May sulat na nakaipit sa ilalim ng unan kaya naman agad ko itong kinuha at binasa.

Anak, 

Pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi sayo. Hindi ako ang totoo mong nanay. Gusto kong lumaki ka na isang normal na tao. Kaya naman hindi ko masabi sayo lahat. Minahal kita na parang tunay na anak ko. Ayokong mapahamak ka. Pero nakikiusap ako na sana sundin mo ang sasabihin ko sayo. Pumunta ka sa lugar kung saan kita dinala tuwing kaarawan mo. May tutulong sayo dun. Anak, mahal na mahal kita. Lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti mo. 

Naiyak ako pagkabasa ko ng sulat ni mama. Hindi ko siya tunay na ina? Kung ganoon, sino ang tunay kong mga magulang? Nasaan sila?

Kahit hindi siya ang tunay kong ina, mahal na mahal ko pa rin siya. Iniwan ako ng mga magulang ko. Hindi ko sila mapapatawad. 

Ma, nasaan ka na ba?

Tinupi ko ang sulat ni mama at nilagay sa bulsa ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta isa lang ang sigurado ako. Kailangan kong tuparin ang inihabilin ni mama.



Kinabukasan.

Napagpasyahan kong ngayong araw na pumunta sa lugar na yun. Reverie Lake. 

Tinignan ko naman ang selpon ko at nakita ang ilang text message ng kaibigan ko na si Liz. 

Prai, himala yatang late ka ngayon?

Uy babae hindi ka ba talaga papasok?

May sakit ka ba? Wala kang load?

Napangiti nalang ako. Si Liz ang nag-iisang kaibigan ko na tumanggap sakin. Kasi simula nung pagtapak ko sa Willford Academy ay naramdaman ko agad na outcast ako. Kahit na ako na mismo ang kumakausap sa iba, feeling ko ay napipilitan lang sila. Pero si Liz lang kumausap sakin at naramdaman ko ang pagpapahalaga niya sa pagkakabigan namin. 

Gusto ko mang replyan siya ay mas pinili ko nalang na ibulsa ang selpon ko. Sa ngayon gusto ko muna malaman kung anong meron kay mama, sakin at lahat ng nangyari nung isang araw. 

Salamat Liz.


Nandito na ako ngayon sa Reverie Lake.

Katulad nung nakaraang taon ay maganda pa rin. Napapalibutan ang lawa ng malalaking puno. May mga bulaklak din dito at mga lumilipad na paro-paro sa paligid. Kung dati si mama ang kasama ko, ngayon ay mag-isa nalang ako.

Naalala ko ang ginawa namin ni mama dito.


"Baby, halika dito may ibibigay ako sayo."

Lumapit naman ako kay mama.

May kinuha siya sa kaniyang bag at nilabas ang isang kwintas na may pendant na hugis puso.

"Wow ma, ang ganda naman! Sakin ba yan?"

"Hindi anak ipapakita ko lang sayo." tumawa si mama.

"Mama naman!" sabi ko kay mama ngumuso.

"Joke lang anak eto na. Tumalikod ka."  Sinuot  ni mama sakin ang kwintas.

Hays. Nakakamiss talaga si mama. Napabuntong-hininga nalang ako at naupo sa harap ng lawa. 

"Ms. Gomez?"

Napatingin naman ako sa likod ng may tumawag sakin.

"Sino ka?" Tanong ko.

Mukha naman siyang mabait. Hindi katulad ng lalaking nakita ko kahapon. Siguro nasa 40 pataas na ang edad ng taong ito kung hindi ako nagkakamali. Pero makikita mo pa rin ang pagka-gwapo nito.

"Ako nga pala si Finn Hewitt. Nandito ako para sunduin ka." Nakangiti nitong sabi.

Napakunot ako ng noo. Hindi ko siya kilala. 

"Sorry pero hindi po ako sumasama sa hindi ko kakilala." 

Naging maamo lalo ang itsura nito. 

"You are Sarika's daughter tama ba?" 

Kilala niya si mama. Hindi kaya siya ang sinabi ni mama sa sulat? Ang taong tutulong sa akin?

Tumango ako sa kaniya.

"Alam kong maraming katanungan sa iyong isipan pero sa ngayon kailangan mo munang sumama sa akin. Nanganganib ang iyong buhay at kailangan kitang mailayo agad dito." 

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kaniya pero madami akong gustong malaman. Kilala niya si mama at siya lang ang taong pwedeng makasagot sa tanong ko.

"Sige. pumapayag na po ako." 




Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon