Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng nakipag-kasundo ako kay Veynor Calypsus, sa mga Mystique. Yung mga taong nagdala sakin sa Mystique ay sila din yung naghatid sa akin pabalik sa Hestia, sa pamamagitan ng isang lagusan.
Pinarangalan si Kaye sa katapangang pinakita nito nung araw na inilibing siya, doon sa Peaceful Life. Makalipas ang ilang araw ay ipinakilala na rin kaming dalawa ni Zypher bilang bagong student council members.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag akong makipag-kasundo sa kanila. Pero wala na rin akong magagawa, dahil hawak nila si mama. Ayokong saktan nila ito dahil mahal na mahal ko siya. Kahit pa sabihin na hindi ko siya tunay na ina ay mag-isa niya akong tinaguyod at pinalaki ng maayos na may pagmamahal. Ramdam na ramdam ko iyon. Kaya hangga't kaya ko ay gagawin ko ang lahat huwag lamang siyang mapahamak. Kahit na masakit na traydorin ang mga Hestians na kumupkop sa akin. Lalo na ang mga kaibigan ko.
"Uy Praily!"
Agad naman akong napatingin sa tumawag sa akin.
"Khaile.." mahinang sabi ko. Napatingin naman ako sa iba pa naming kasama na nakaupo rin at nakatingin silang lahat sa akin.
"Buti naman nakuha ko rin ang attention mo, kanina ko pa kasi napapansin na malalim ang iniisip mo habang nagsasalita kami. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
Nandito nga pala ako ngayon sa Superior Faculty Room, dahil pinatawag kaming mga student councils para sa meeting.
Umiling naman ako sa kanila. "Pasensya na, napuyat lang kasi ako kagabi. Sige ipagpatuloy na na natin." hingi ko ng paumanhin.
"Missy, huwag mo kasi akong masyadong iniisip." sabi naman ni Zypher.
"Kapal." mahinang bulong ko. Narinig ko nalang na humalakhak siya.
Nginitian naman ako ni Khaile at nagpatuloy na sa pagsasalita. Kung pwede nga lang ay hindi na lang ako makinig dahil ayokong marinig ang pag-uusapan nila. Dahil alam kong kailangan kong sabihin kay Veynor ang lahat ng mga malalaman dito lalo na kung importante ito.
"Mamayang gabi ay uumpisahan na ulit ang paghahanap sa The Blessed One." sabi ni Ulysses. Tahimik ang lahat at mataman lang nakikinig habang nagsasalita ito. Mukhang napaka-importante talaga ang mahanap ito.
"Sabi ng High Council ay may nadagdag na naman na impormasyon para mas mapabilis ang ating paghahanap dito." sabi naman ni Hanna.
"Buti naman kung ganoon. Excited na akong makilala siya!" nakangiting sabi ni Crimson.
"Oo nga eh. Mas lalo na niyan si Cyrus, kasi hindi ba siya ang inihalal bilang magiging Familiar nito? Right Cy?" sabi naman ni Yngrid.
Napaubo naman ako pagkarinig ko nun.
"Praily, sigurado ka bang okay ka lang?" tanong naman ni Hanna.
Tumango naman ako sa kanila.
Ngayon ko lang ulit naalala, paano na niyan? Si Cyrus na ang Familiar ko. Anong mangyayari kung malalaman nila na nakipag-contract na siya sa akin? Pati yung the Blessed One..delikado ang buhay niya. Mukhang malaking gulo ito kapag nagkataon.
Tinignan ko ang gawi ni Cyrus at nakatingin din ito ngayon sa akin. Tumango lang ito na parang sinasabing okay lang yan.
Masasabi kong kahit papaano ay napanatag ang loob ko pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba sa pwedeng mangyari.
"So may napili na ang High Council kung sino ang sasama sa mission mamaya. " sabi ni Ulysses. May kinuha siyang papel at binasa ang mga pangalan na nakalagay doon.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action
