30. Bonding

7.3K 308 22
                                    

It's been two days since natapos ang laban at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap o nakikita ang mga kaibigan ko. Ngayon sa tingin ko ay handa na akong makaharap sila.

Pagkabukas ko palang sa pintuan ng dorm ko ay nakabungad sa akin ang mga pagkain na sa tingin ko ay galing na naamn sa kanila. Sa loob kasi ng dalawang araw na yun ay ganito ang laging nakikita ko.

Marahan ko namang dinampot ang mga ito at ipinasok sa loob.

Sa lunes na nga pala magpapatuloy ang klase namin. Napatingin ako sa orasan at mag ala-una y media na pala ng tanghali kung kaya't kinain ko nalang yung pagkain.

Nang matapos ay nag-ayos na ako at lumabas na sa dorm. Sakto namang naglalakad ako sa hallway ng mamataan ko si Crizza na mag-isa at mukhang patungo din sa labas. Nagmadali akong lumapit sa kaniya.

"Criz!" pagtawag ko. Tumigil naman siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Uy Praily! Kumusta na?" nakangiting tanong nito at lumapit na rin siya sa akin.

"Okay na ako. Ikaw?" nginitian ko rin siya. Hindi ko pa rin maiwasan ang isipin tungkol sa nangyari nung laban.

"Pareho tayo! Oo nga pala, tungkol sa ginawa ni Kaye. Sa totoo lang ayos lang yun. Kasi kung hindi niya iyon ginawa ay baka ikaw naman ang masaktan ko. Tsaka mas mabuti na rin siguro yun dahil ayoko naman na makalaban ka dahil kaibigan kita. Nung nakalaban ko kasi si Dani ay nahirapan din ako kahit pa pinaghandaan ko na yun." nakayuko pa siya habang sinasabi iyon.

"Pasensya na talaga." sabi ko.

Umiling lang ito. "Wala iyon. Oo nga pala, nakita ko si Kaye kanina dun sa field."

"Salamat!" nakangiting sabi ko. Nagpaalam na rin siya kung kaya't dumiresto agad ako sa field. Nandoon nga si Kaye doon at nilalaro yung bola ng soccer sa kamay nito.

Mukhang napansin niya agad na may nakatingin sa kaniya kung kaya't napatingin siya sa gawi ko pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa.

Nilapitan ko naman siya.

"Hi." bati ko. Ngunit hindi ito nagsalita.

"Gusto ko sanang humingi ng sorry tungkol sa mga sinab-"

"Stop it." Sinipa nito ng bola at lumipad ito ng napakataas, sakto pang nakapasok sa Goal.

Napaka-galing niya talaga.

"Nagkamali ako nung sinabi ko na isa kang traydor. Kasi alam ko sa puso ko na kahit papaano ay tinuring mo kaming kaibigan ni Criz. Kaya maraming salamat pa rin at tinulungan mo kami." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Naalala ko nung muntik na akong matira nung isa sa mga nakalaban ko ay sinigaw pa niya ang pangalan ko para makaiwas sa atake na iyon.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, atleast nasabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin. Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad.

"Sandali." pigil nito sa akin kung kaya't lumingon ako. Nakatingin ito sa langit.

"Ikaw na nga ang nasaktan ko nung laban, ikaw pa ang humihingi ng tawad. Ibang klase ka rin. Tsk."

Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil alam kong pinakinggan niya ang sinabi ko.

Yumuko ito at pumulot doon ng damo.

"Sa totoo lang hindi ako mahilig makipag-kaibigan. Kaya nga gusto kong sumali sa student council. Baka sakali sa ganung paraan ay mapabago ako nito. Bukas, ipapakilala na ako bilang bagong myembro nito at doon na magsisimula ang buhay ko. Kung kaya't hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sayo." mahabang pahayag nito.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon