6. Training Room

10.4K 343 10
                                        

Kakatapos lang ng history class at papunta kami ngayon ni Sophy sa Cafeteria. 

Pagpasok palang ay nakaka-mangha na dahil sa napakalawak nito. Mas malaki pa ito kaysa dun sa dati kong pinapasukan. Pumila na kami agad dun at nakita ko madami na rin ang nakaline-up. 

Ganito pala dito. Mag-oorder ka ng pagkain na gusto mo at isang segundo lang ay nasa harapan mo na. Everything is so magical. Kaya naman mabilis matapos yung iba. Nag-order lang ako sandwich at juice. 

"Bakit naman yan lang ang inorder mo?" tanong sa akin ni Sophy habang naglalakad kami papunta dun sa table.

"Medyo busog pa kasi ako." sagot ko naman. Umupo na rin kami at nilagay ko yung juice sa table. 

Tumango naman ito at kinain yung inoder niyang strawberry cake.

Naalala ko naman yung nangyari kagabi. Sino kaya yung lalaki? Hindi ko na rin sinabi kay Sophy ang tungkol dun.

"Uy guys, sali ako sa inyo ha?" sabi nung babae lumapit sa amin. Naalala ko siya. 

"Oo naman Abby! Para naman hindi lang kami dalawa dito!" 

Classmate namin siya ni Sophy sa first class. Siya yung nagtanong kay Ms. Sanlee kung sino ako.

Nginitian ko naman yung si Abby.

Umupo siya sa tabi ko at nilapag niya yung mga gamit niya at pagkain. Katulad ko ay sandwich lang ang inorder niya.

"Hay naku! Diet ba kayong dalawa? Free na nga itong food natin dapat sulitin na!" sabi pa ni Sophy.

"Wag ka nga Sophy kaya ang taba-taba mo eh. Hindi ba Praily?" Baling naman niya sakin.

Tumawa nalang ako sa sinabi niya.

"Ikaw ha Abby kinukuntsaba mo pa si Praily. Sa akin loyal yan dahil friends kami!" sabay inom nito ng juice.

"Eh ano ngayon friends na din kaya kami!" sabi naman ni Abby na ngayon ay nakatayo na.

Tinitignan ko lang silang dalawa habang nagbabangayan. 

"Pinaupo na nga dito kukunin mo pa siya akin!" 

"Hindi naman sayo ito ha."

Tumayo na rin si Sophy sa kaniyang inuupuan.

Ang saya nilang tignan. Namiss ko tuloy si Liz.

"Huwag na kayong mag-away na dalawa kaibigan ko kayong dalawa. Kaya kumain nalang tayo. " saway ko sa kanila.

"Basta ako pa rin yung bestfriend mo!" nakanguso pa si Sophy.

Nakita ko naman si Abby na naka-nganga na nakatingin sa kanan ko. Pati mga ibang estudyante ay nakatingin dun.

Kaya naman na-curious ako at sabay pa kaming tumingin ni Sophy. Iba yung uniform nila sa amin. Sa kanila ay kulay blue samantalang sa amin ay puti. Mga lima silang pumasok dito at umakyat sa may stairs at naupo sila sa table dun.

Narinig ko pang nagbulung-bulungan ang mga tao dito.

"Oh my. Dito sila sa cafeteria! I'm gonna faint!" 

"Nasaan kaya yung iba?"

"Uy, sino sila?" tanong ko.

"Sila ang Superior Class. Exclusive lang yang upuan sa taas para sa kanila. Sa taas din yung sa Excemption pero mas maganda ang kanila. Pero kulang sila, wala yung iba." sagot naman ni Abby.

"Gwapo ni Zack! Kaso naka-akbay siya dun kay Mizelle! Dapat sa akin nalang." sabi naman ni Sophy.

Nakita ko naman yung tinutukoy niya. Yung lalaking kulay pula ang buhok.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon